2. My Secret, His Secret

3933 Words
Papadilim na ang paligid, nagbabadya na rin ang pagsulpot ng mga bituin sa langit. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkaginaw. Pinaglalaruan kami ng klima, napakatindi ng init sa tanghali at sa gabi naman ay nakakangatog sa lamig. Huminga ako nang malalim nang maramdaman ko ang pagsikip ng dibdib. Napagod siguro ako sa buong araw, sa pagtakbo, sa pagtawa, sa pag-aaral at pagsasaya. Nakakapagpagod pala ang normal na buhay. May narinig akong mga yabag na papalait sa akin. Ako na lang ba ang naiwan sa school? Hindi naman siguro aswang 'yon o engkanto. Papalapit nang papalapit ang mga yabag. Kinikilabutan ako. Bakit ba kasi ako nagpaabot ng ganitong oras dito sa school? Bago pa man ako makalagpas ng gate ay may sumalubong sa akin. May kutob ako na simula na ng kalbaryo ko. May hawak na aso ang lalake. Mukang lalapain ako kung papakawalan n'ya at hindi nga ako nagkamali. Malaking asong mukang gusto ng laman ng buhay na tao. Ospital ang bagsak ko oras na maabutan ako ng mamaw na 'to. Ay mali, hindi s'ya ang mamaw kundi ‘yong taong nag-utos sa kanyang lapain ako. Sa sobrang takot ko sa aso naka-akyat ako sa mataas na pader. Marami nang lalake ang lumapit. Gusto ko silang suntukin isa-isa dahil ginagawa nilang kakatawanan ang nangyayari sa akin. Nandito pa rin ako sa taas ng pader. Akalain mong napaakyat ako dito eh sa ten-twenty nga lagi akong talo. Amazing. "Sobra ka naman at talagang nag-abala ka pang bigyan ako ng oras para gantihan. Hindi ka ba tinuruan na hindi ka dapat pumapatol sa babae," pangongonsensya ko kasi todo-effort pa s'ya sa pagganti n'ya eh, may aso na, may mga alalay pa s'yang kasama. Bakit ang salbaje mo! "Hindi ka rin ba tinuruan na humingi ng sorry kapag may nagawa kang mali? Hindi ka ba tinuruan na hindi ginagawang pangbato ang sapatos—" "So lahat 'to dahil pa rin doon! Sorry na! Sorry na! Okay ka na? Utang na loob 'wag mo na 'kong guluhin!" sigaw ko dahil sa inis. Gusto ko nang umuwi! Gutom na gutom na ako! "Hindi 'yan sincere! Too late na para sa sorry mo." Badtrip! Napaka-isip bata naman ng taong 'to! Seryoso ba s'ya? Gusto n'ya talaga akong gantihan. Alam kong mali ang ginawa ko pero diba parang sobra na 'to? "Alam mo ba kung pa'no baba dyan?" asar ng lalakeng pinangarap kong sana hindi ko nakilala. May itsura sana s'ya kaso masama ang ugali. Ay mali, wala s'yang itsura. Close ang mata ko. "Gusto mo bang pumalakpak ako sa talino mo? Marunong akong umakyat at tumalon. E 'yang aso mo? Kaya bang umakyat dito?" "Aba. Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan noh?" Ah pikon ka pala ha. Konting pang iinis pa lang nanggagaliti na s'ya. Ininis ko pa s'ya nang magkuyakoy ako sa taas ng pader at nag-humming-humming pa. "Iniinis mo ba talaga ako? Ikuha n'yo 'ko ng hagdan nang makatikim sa'kin ang babaeng 'to," utos n'ya sa mga alagad n'ya. Nagkandarapa agad ang mga minions n'ya para maghanap ng hagdanan. Ang sarap pagtatampalin! Mga uto-u***g alipin! "E ang latuy mo pala eh. Hindi mo ba kayang umakyat sa mataas na pader na 'to nang mag-isa? Kailangang mo pa ang tulong ng mga utusan mo. Tinatawag mong leader ang sarili mo?" "Pinapalabas mo bang mahina ako?" Oh my, oh my na pikon na talaga s'ya, na-carried away ata ako sa pang-aasar. Umuusok na agad ang ilong. T-teka inaabot n'ya ‘yong paa ko. May balak ba s'yang hatakin ako? Ang s*****a! Sa sobrang inis nakatalon s'ya ng mataas at nahablot ang isang paa ko. Buti na lang may shorts ako sa ilalim ng palda kundi matatanaw n'ya si Tuesday! Hinahatak na n'ya ako pababa. Ang tindi ng pagkakakapit n'ya sa paa ko. Halos mapayakap na ako sa kinauupuan ko kanina para lang hindi mahulog. Ayoko na! Nakakaasar isiping ang babaw lang ng dahilan n'ya para sapitin ko 'to! Nakabitiw na ako sa pader. The end na ng hilahan ng paa. Nahulog ako pero hindi ako nasaktan. Nahulog ako sa katawan n'ya. Nadaganan ko s'ya! Buti nga sa 'yo! Lasapin mo ang bigat ng isang api! "Ang bigat mo! Alis!" Itinulak n'ya ako nang malakas. Dang salbaje talaga! Tumayo ako agad. Anong feeling n'ya, gusto kong tumambay doon? Pero pagtayo ko nanggagalaiti pa rin s'ya sa galit, ako naman kumaripas ng takbo maiwasan lang ang namumuong low pressure area sa school namin. Pag-uwi ko sa bahay para akong paranoid na takot na takot dahil baka nasundan n'ya ako at baka kung ano ang gawin n'ya sa pamilya ko. Badtrip na taong 'yon! SiniSira n'ya ang mga araw ko sa school imbes na ma-enjoy ko 'yon! Inhale. One. Two. Three. Four. Hold. Five. Six. Exhale. Seven. Eight. Nine. Ten. Pagpasok ko sa kwarto parang may kidlat na tumama sa dibdib ko, nanghina ang tuhod ko at napaluhod. Sa dami ng pumasok sa isip ko ngayon hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng pagbagsak ko sa sahig, kung malamig ba 'yon o nasaktan ba ako. Sinikap kong gumapang para i-lock ang pinto. Ayokong makita ako nina Mama. Kung ngayon na ang oras ko, 'wag na sana akong pahirapan pa. Pagod na pagod na ako sa lahat nang 'to! "Eunjean! Buksan mo ang pinto at mag-usap tayo. Lagi ka na lang bang magtatago d'yan? Buksan mo 'to." "Hayaan n'yo na lang akong mamatay! Bakit hindi n'yo sa 'kin sinabi na wala na tayong pera? Dahil sa 'kin wala na tayong pera. Puro utang na tayo. Ayoko na. Ayoko na. Dapat mawala na lang ako para hindi kayo maghirap ni Papa!" "Eunjean! Itigil mo na nga 'yan! Buksan mo ang pinto at mag-usap tayo. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Lumabas ka na, please." Mainit ang muka ko at nasisilaw, iminulat ko ang mga mata ko, umaga na. Nagising ako kung saan ako nakabulagta kagabi. Buhay pa ako. Bakit buhay pa 'ko? Sa atake ko na 'yon kagabi dapat wala na 'ko o panaginip lang na inatake ako? Nakapagtataka, buhay pa ako. Napanaginipan ko na naman pala ang mga nangyari noon. Bumangon ako at parang Sira na tumatawa, tawa na panghahamak sa buhay ko na 'to. Ang kaninang sarkastikong mga tawa ay napalitan ng luha. Ayokong umiyak. Ayoko nang maging malungkot. Tumahan ka na! Pinipigilan ko ang pagbagsak ng mga luha pero hindi ko maawat. Tama na! Tama na! Tumayo ako at humarap sa salamin, ginabayan ng dalawa kong hintuturo ang magkabilang gilid ng aking labi para i-arko. Ayan, nakangiti na ako. "Kumain ka na, anak," salubong sa akin ni Mama pagbaba ko ng kwarto. Ngumiti ako at masayang umupo sa hapag-kainan. Masaya ako. Okay ang lahat. Buhay pa ako. "Salamat po sa pagkain!" buong lakas kong pasasalamat. Pagpasok ko sa school may biglang humablot sa bag ko. Teka, ano to? Quiapo? Baclaran? May mga snatcher na umaaligid? Ninanakaw nila ang bag ko? Kumaripas ng takbo ang lalakeng 'yon. Hindi pwedeng mawala ang bag ko! May importanteng bagay na nakatago doon! "Hoy! Huminto ka! Ibalik mo ang bag ko!" Aba tumakbo pa s'ya paakyat sa third floor ng 4th year building. Ibalik mo sa akin ang kayamanan ko! Nasa 2nd floor pa lang ako nang maramdaman kong lumilipad na ang pangarap ko sa kawalan. "A-Ang gamit ko," maluha-luha ako nang mapanood ko ang paglipad ng mga notebook, libro, at baunan ko mula sa 3rd floor hanggang mapunta ‘yong alikabok sa baba. Pero hindi ‘yong ang nagpapasama ng loob ko kundi ang makita ko na nadumihan ang picture ng pinakamamahal ko, "Wag n’yong tatapakan si Ji Yong oppa ko!" Sigaw ko sa mga taong may balak saktan ang idol ng buhay ko. Masyado nang nagiging personal ang ginagawa sa akin ng Zeta-Roma, ngayon pa lang kailangan na n'yang magbayad! Nanginginig na ako sa galit. Hinanap ko ang hide out nila. Saan? Dito sa Sira-Sirang school building sa bandang likod. Nakita rin ko rin s'ya sa wakas. Tulog s'ya. Pagkakataon na para umatake. Sinipa ko ang inuupuan at galit na galit s'yang nagising. "Anong problema mong babae ka? Wala ka bang manners? Gusto mo talagang masaktan!" singhal n'ya na halos pumutok na ang ugat sa leeg. Hindi. Wala akong balak masaktan dahil ako ang may balak manakit ngayon. Huhubarin ko ang sapatos ko nang makatikim s'ya. Hindi ko matatanggap na dahil sa kalokohan n'ya nahulog si GD mula sa 3rd floor. "A-Anong gagawin mo? Balak mo na namang ihagis yan sa muka ko? Lumayas ka na nga dito!" Bigla akong nawalan ng lakas at napabuntong-hininga na lang habang nakatingin sa kanya. Nawalan na ako ng gana sa plano kong paghahagis sa kanya ng sapatos ko. Masasayang lang ang lakas ko sa kanya. Kailangan kong tipirin 'to hanggang sa makakaya ko. "Maging considerate ka naman sa ibang tao. Hindi araw-araw nasa mood ang lahat para sakyan 'yang mga trip mo. Immature brat." Hindi ko na hinintay na makasagot s'ya o makaganti, ayokong ubusin ang lakas ko sa pakikipagtalo sa kanya. Sayang sa laway at sayang sa oras. Baka kapag naubos ang lakas ko maulit na naman ang nangyari kagabi, baka sa mga susunod na atake hindi na ako magising ulit. *** Lavi's POV This is all rubbish! Bakit maiinit dito sa bulok na lugar na 'to! Sino bang naka-isip na gawin 'tong hide out. Nanglilimahid na ako dito. Dalawang araw nang mainit ang ulo ko! I'm gutted about it. Tagaktak ang pawis ko habang nakatutok sa laptop para lang makita ang galaw ng stockmarket ngayon. Malapit nang matapos ang trading day pero ngayon pa lang ako nagkaoras. Hindi ko man ma-liquidate 'to dahil lahat ng assets ko ngayon ay naka-freeze, hindi ko sila dapat pabayaan. Stock trading is in my blood! toktoktok "Tuloy! Diba walang pintuan!" Si Stefan lang pala. May dala na naman s'yang pusa. Pusa? Alam na alam ko sa sarili ko na lalake ako pero may kung ano sa loob ko na kailangang kumawala. Ayoko sa mga pusa. Galit ako sa kanila. Ayokong mag-explain kung bakit. Basta ayoko sa kanila. Period. Kailangan namin ng malayong agwat sa pagitan ko at ng halimaw na pusa na ‘yong. Ito ang pinaka-safe na lugar, sa ibabaw ng mesa. "Budge up! Ilayo mo sa kin yan Stef, gusto ma ba talaga akong mamatay? O yang pusa ang gusto mong patayin ko?" bulyaw ko kay Stef habang nakayakap sa laptop at nasa taas ng mesa. "Tinakot mo ‘yong pusa Lavi sa tili mo." "HINDI TILI ANG TAWAG DUN! SIGAW!" "Hindi ka naman sasaktan nito, tingnan mo ang cute n'ya." "Itatapon mo ba 'yan o ako mismo ang magdidispatsya?" "Alam kong sa kaibuturan ng puso mo may itinatago kang pagmamahal sa mga pusa," pabulong n'yang sabi na narinig ko naman. "Naririnig ko kaya!" "Pinaririnig ko talaga." Nilayasan na ako ni Stef sa wakas. Kailangan ko munang mapakalma ang sarili ko. Nawalan na ako ng gana mag-trade ngayon. Kinikilabutan pa rin ako sa itsura ng pusa na tumingin sa 'kin kanina! Parang gusto n'ya akong kalmutin, paglaruan sa mga kamay n'ya at kakainin pagkatapos. Bakit ba may ganung nilalang na nabuhay! Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa nang may marinig akong malalakas na yabag. Ano ba ‘yong? Ang bigat ng paa ng takteng 'yon! Muntik na naman akong mapatalon sa ibabaw ng mesa nang sipain n'ya ang kinauupuan ko. "Anong problema mong babae ka! Wala ka ba talagang manners? Gusto mo ba talagang masaktan!" Dinadagdagan n'ya ang inis ko sa kanya. Hindi na nga nag-sorry noon sa pagbato sa 'kin s'ya pa matapang. Ang lakas ng topak ng babaeng 'to! Anong pumasok sa kokote n'ya para sumugod dito at istorbohin ako? Teka! Anong ginagawa n'ya? Bakit s'ya naghuhubad ang sapatos? "Anong gagawin mo? Balak mo na namang ihagis yan sa muka ko? Lumayas ka na nga dito!" Para s'yang may sakit ngayon—wala nga pala akong pakielam. Ang puti ng muka n'ya, parang hingal na hingal din s'ya ngayon at hinang-hina. Buti nakapaglakad pa s'ya papunta dito. Maybe not. May lakas nga s'ya kaninang sipain ang upuan ko. Hindi n'ya rin itinuloy ang paghagis n'ya ng madumi n'yang sapatos. "Maging considerate ka naman sa ibang tao. Hindi araw-araw nasa mood ang lahat para sakyan 'yang mga trip mo. Immature brat." Tinawag n'ya ba 'kong immature brat? Sino ba s'ya sa akala n'ya? Tatadtarin ko pa sana s'ya ng mga salita na hindi n'ya pa naririnig sa buong buhay n'ya kaso ang tamlay n'yang lumabas. Ano kayang nangyari? May sakit ba 'yon? *** Eunjean's POV: Hay grabe bakit hindi kami magkasundo ni trigonometry? Naging mabait naman ako sa kanya. Kailangan ko lang siguro ng sariwang hangin para gumana ulit ang brain activity ko. Lalabas muna ako bago dumating ang next teacher namin. Paglabas ko nakita ko sya. Anong ginawa ng ZETA-ROMA sa harap ng room namin? Ngayon n'ya ba naisip na gumanti sa akin? 'Wag ngayon. Sinusuyo ko pa si trigonometry. Nakangiti s'ya. Imbis na matuwa ako sa ngiting ‘yong ay kinakabahan lang ako. May mali eh. May iniwagayway na papel ang Zeta-Roma. Hindi kami close para tawagin s'ya sa pangalan. "Do you see this?" "Nakikita ko naman, isa s'yang malinis na papel," pangbabara ko pero— "‘yong nakasulat, engot." Tinitigan ko ‘yong papel napalunok na lang ako at hindi makapagsalita. "Eunjean Vargas. 18 years old. Nag-under go ng heart transplant two years ago. May dalawa akong documents na hawak ngayon, ang isa original and authenticated copy ng medical abstract mo. Itong isang hawak ko, ‘yong medical record mo na fake. Alam mo bang pwede kang ma-kick out or worst, pwede kang makulong." Gusto kong salpakan ng maraming electric tape ang bibig n'ya para manahimik na s'ya habang buhay. Bakit n'ya kailangang Sirain ang kabataan ko! Gusto ko sa school na 'to maka-graduate. Kinailanggan ko ‘yong gawin. "H-hindi y-’yong totoo," muli kong pagsisinungaling. "Codswallop!" Hinawakan n'ya ang kamay ko at kinaladkad ako papasok sa CR ng mga lalake. Pinalabas n'ya ang mga tao dito at ini-lock ang pinto. Anong balak n'yang gawin? Nanlalambot ang tuhod ko sa takot kaya hindi ko kayang lumaban. Bakit n'ya ba ako pinapahirapan nang ganito? "Hindi totoo?" Hinatak n'ya ang unang botones ko at lumabas ang itinatago kong sikreto. "Stiches from your last operation, may iba ka pang palusot?" Naiiyak na ko. Napapahiya ako. Natatakot. Nalilito. Halo-halong kaba at pagkatalo ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. "No need to cry young lady, all you have to do is to quit. Mag-drop out ka, tapos ang drama. Malaya kang makakaalis dito dala ang fake medical abstract mo at makahanap ng ibang school unless magmamatigas ka at mapipilitan akong ilabas 'to." "B-Bakit mo ba 'to ginagawa?" maiyak-iyak kong tanong sa kanya. Parang sobra naman. Dahil lang sa aksidente kong pagkabato sa kanya ganito na kalaki ang galit n'ya sa akin. Grabe naman. Hindi ba n'ya alam kung gaano kahalaga sa akin 'tong pag-aaral ko. Sayang naman ang complete set ng gel pen na binili ko para sumuko na lang. "Ang ayoko sa lahat ay ‘yong mga taong hindi marunong mag-sorry." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'ya. Bakit kasi hindi ako nag-sorry noon sa kanya agad! Ang lalim naman magtanim nito ng galit at gusto pa akong umalis ng school na 'to! Aalis na sana s'ya pero hinawakan ko ang kamay n'ya, magmamakaawa ako kung kinakailangan. "Bukas dapat hindi na kita makita dito." Nanlambot ako at hindi na nakapagsalita pa. *** May hinahagad na naman akong Zeta-Roma— well, may mahaba pa akong oras para mag-isip kung paano makalusot sa gulong pinasok ko kaya I made my self busy sa paghahabol ng mga pasaway na bata. Hindi ako magmumukmok dahil sa nangyari. Nahawakan ko ‘yong kwelyo ng sophomore na alepores ng mayabang na 'yon kaya eto, napahiga tuloy sa sahig ng hallway, hindi ba nila alam na mabilis akong tumakbo? "Huli ka balbon, tara sa guidance office." "Pres, magkaka-amnesia naman ako sa ginagawa mo. Nauntog ang ulo ko." "Maganda yan, para magtino ka." Dinala ko s'ya sa hukuman este sa paborito kong lugar, sa guidance office kaso walang tao. Para akong pulis na nakahuli ng kriminal, ang sarap ng feeling. ‘yong tipong gusto mong magyabang kasi may nahuli kang most wanted. Kaso nasaan na ba kasi ‘yong mga pagyayabangan ko? "Pres, pakawalan mo na 'ko. Kapag na-late ako sa afternoon class ko at bumagsak ako sa exam ikaw ang sisisihin ko." "Sisihin mong lelang mo. Tutal walang pwedeng kumausap sa'yo, ako na lang, papangaralan lang kita ng onte tapos laya ka na." "Wala akong balak makinig lalo na kung ikaw pa mangagaral." "Tsk matuto ka ngang gumalang. Mas matanda ako sa'yo noh. Yan sinasabi ko sa inyo eh, wag kayong sumama sa Lavi Cervantes na ‘yong. Isa syang malaking bad infuence na tinubuan ng katawan." "Tsk hindi mo s'ya kilala kaya 'wag mo s'yang i-judge. Bago ka lang dito kaya wala kang alam. Sumpungin lang sya pero mabait ang leader namin hindi lang halata." "Mabait pero hindi halata? Wow ah na-orient ka ng maayos." "Ilan sa member ng Zeta-Roma pinag-aaral n'ya kaya pa'no mo masasabing bad influence sya? Wala ka talagang alam." Ha? Pinag-aaral? H-Hindi pa rin. Bad influence pa rin s'ya. Kailangan kong i-push 'to. Diba nga gusto n'ya kong mapatalsik dito sa school? Saan banda ‘yong parteng mabait s'ya pero hindi lang halata? Masyado s'yang mapagtanim ng galit. Hindi halata kasi hindi naman talaga. Tska pinagloloko ba 'ko ng lalakeng 'to? Sila pinag-aral ng Zeta-Roma? Ano ‘yong foundation ng mga bully? Kapag bully ka qualified kang maging scholar nila? Kaya pala dumarami ang mga bully ngayon eh may sponsor. Pinalaya ko na lang ‘yong bata. Bakit naman ako maniniwala sa mga sinabi n'ya? Kung mabuting tao s'ya hindi nya ko pipiliting mag-drop out. Ano 'to lokohan? Napabalik na sana ako sa building namin nang mapansin ko ang leader ng Zeta-Roma na naglalakad nang maangas, nakabusangot at pinagsisipa mga batong nadadaanan. Saang anggulo s'ya naging mabait? Sinundan ko s'ya. Hindi ako stalker o ano pero gusto kong mapatunayan na salbaje s'ya. Umupo s'ya sa bench, may dumaan na sophomore, tinisod n'ya. Ang sama ng tingin ng bata sa leader na siga. "O anong tinitingin-tingin mo? Lalaban ka?" paninindak n'ya pa. Kitams, masama talaga ang ugali n'ya. After five minutes umalis ulit s'ya at sinundan ko, paghinto n'ya sa tapat ng office ng pinakamamahal naming si Mr. Morris may dinampot syang bato. Ano kayang pumapasok sa isip ng lalakeng ‘yong? OH MY! BINATO NYA ‘yong SALAMIN NG OFFICE NI SIR? Ano bang problema ng taong ‘yong? Nananahimik ang bintana, binato nya? Haist ang sakit sa bangs. Confirm, masama ugali n'ya. Taas na kamay ko. *** After class nagtatakbo ako papunta sa computer shop malapit sa school. May kailangan akong i-print na project. Bale ‘yong lang ang ambag ko sa grupo namin, kakahiya. Wala akong naitulong! Napahinto ako nang matanaw ko ang leader ng Zeta-Roma sa may kabilang kalsada, naghihintay na makatawid. Kailangan ko na atang bilisan para hindi kami magpang-abot. Nai-stress ako kapag naaalala kong gusto na n'ya akong kusang mag-drop out. Hindi n'ya lang alam kung gaano ko gustong maka-graduate tapos mananakot s'yang ilalabas ang sikreto ko kung hindi ko s'ya susundin. Papasok na sana ako sa computer shop nang mapahinto ako sa nakita ko. May tinulungan s'yang buntis na babae na may hawak pang bata. Binuhat ng leader ng Zeta-Roma ang bata at inalalayan ang buntis na makatawid. Teka? Totoo ba 'tong nakikita ko? Rare moment na makitang ngumiti ang sadistang 'yon. Hala! Nawala ako sa sarili ko! ‘yong ipapa-print ko nga pala! May kaunti naman palang kabutihan ang salbajeng 'yon kahit pa'no. Sana everyday. Medyo ginabi ako sa computer shop kaya nagmadali na akong umuwi para makakain na. Sa paglalakad ko nakakita ako ng lalakeng tumatakbo at hinahabol ng pulis. May bitbit na pangbabaeng bag ang hinahabol ng pulis kaya sa tingin ko tulad 'to nang nangyari noon sa 'kin. Babae ang pulis kaya naastigan ako. Sakto na sa direkyon ko papunta ang snatcher kaya ginaya ko ang ginawa ng leader ng Zeta-Roma. Tinisod ko ang snatcher. Kaso hindi pala madali 'yon. Ang sakit ng paa ko! Natisod ko ang snatcher at nahawakan na s'ya ng pulis. Ang sarap siguro sa pakiramdam tuwing makakahuli ng kriminal at makatulong sa kapwa. "G-Gusto ko pong maging pulis," murmur ko, 'di sinasadya ay narinig pala ng police officer na nakahuli sa snatcher. Lumapit s'ya sa 'kin at ipinatong ang palad n'ya sa ulo ko. "Mag-aral kang mabuti para matupad mo ang pangarap mo." Tulala akong nakatingin sa kanya habang pinapasok sa police patrol ang snatcher. Gusto ko rin maging katulad n'ya. Bumalik ako sa computer shop para mag-search kung paano maging pulis pero nadismaya ako. Ano nga palang sense ng pangangarap kung hindi naman ako mabibigyan ng chance i-pursue 'yon? Bakit ko ba pinapaasa ang sarili ko? Haist Eunjean. Wrong move ka na naman. Hindi ka dapat mangarap. Nakalimutan mo na ba ang expiration date? Lumabas ako ng computer shop na puno ng disappointment. *** Lavi's POV : Ang talino ko talaga. Bakit ba ang taba ng utak ko isa pa kong maabilidad na nilalang. Napasuko ko ang babaeng 'yon na hindi marunong humingi ng sorry. Bagay lang sa kanya 'yon para matuto. toktoktok May kumakatok na naman sinabi na nga na walang pinto kumakatok pa. "Ano ba Stef inaasar mo nan—" Hindi pala si Stefan. ‘yong halimaw pala. "Kumusta Lavi? Kumusta ang pag aaral mo?" Marinig ko pa lang ang boses n'ya kumukulo na agad ang dugo ko, gusto ko na agad manakit o magwala. Boses pa lang n'ya nakakapagpakulo na ng dugo nagpakita pa ng muka, ang kapal talaga ng taong 'to. "Diba ang sabi ko sa'yo umasta ka na parang okay ang lahat. 'Wag kang makalapit sa kin at kukumustahin ang buhay ko." Hindi na naman n'ya pinansin ang sinabi ko na lagi n'yang ginagawa. "May pasalubong ako sa'yo diba paborito mo 'tong—" nilapag n'ya ang isang basket na may lamang maraming prutas. "Alisin mo lahat 'yan sa harap ko." "May bawal ba sa 'yo dito? May allergy ka ba sa isa sa mga 'to? Sorry—" "Sorry? Alam mo naman pala ang salitang 'yon. Bakit para sa prutas na 'yan nagawa mong humingi ng sorry pero hindi mo 'yan nasabi noon nang iwan mo kami ni mama?" Hindi s'ya nakasagot at lalong kumukulo ang dugo ko habang nakikita s'ya. Gusto kong humingi s'ya ng tawad at lumuhod sa harap ko na nagsisisi sa kasamaang ginawa n'ya sa amin ng Mama ko. Bakit hindi nila kayang mag-sorry samantalang alam nilang may dapat silang ihingi ng tawad? "'Wag kang umarte na parang okay tayo. Sa bagay magaling ka nga pala doon. Hanggang kailan mo ba kayang itago na anak mo ako?" Ayoko nang dagdagan ang mga sasabihin ko, sapat na 'yon para masira ang araw ng halimaw. Dumaan ako sa bintana dahil hindi ako makakadaan sa pinto dahil nakaharang ang halimaw na 'yon. Ang bigat ng dibdib ko ngayon na parang sasabog. Pagkabagsak ko sa baba may dumagdag sa sira kong araw. Nakanganga lang s'ya nang makita ako. "A-Anak ka ni Mr. Joe Morris? Tatay mo sya?" Bakit s'ya pa? Bakit ang babaeng 'yon pa? Bakit sa lahat naman ng tao dito sa Oxbridge s'ya pa ang makakalam. Bakit ang babae pang mapapa-drop ko na bukas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD