CHAPTER EIGHTEEN

1373 Words

PALABAS ako ng bakuran namin nang makita ko si Res at Francis na humahangos papunta rito sa direksyon ko. Siguro ay may balita na tungkol doon sa aso na tinali nila kagabi sa puno ng mahogany. Kinakabahan akong sumalubong sa kanila. Hinawakan naman ako ni Res sa braso nang makalapit siya sa akin at hinila ako patungo sa resthouse sa tapat ng bahay. Naupo kaming tatlo sa papag ng resthouse. “Ano’ng...ano’ng balita?” tanong ko na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Medyo kinakabahan ako sa maaring maging resulta nang nangyari kagabi. Matipid na ngumiti sa akin si Francis at tinapik ako nang marahan sa balikat. “Ano ba. Kinakabahan ako sa inyo! Ano nga ang nangyari?” tanong ko uli, “hindi ko malalaman kung ano’ng nangyari kung ngingiti ka lang ng ganyan sa akin Fran!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD