CHAPTER FOUR

2550 Words
KANINA pa sina Zyl at ang barkada namin sa resthouse at nag-uusap tungkol sa nangyari kay Mimi pero hindi ako lumapit sa kanila. Ilang beses na akong tinawag ni JM at sinabing pinapapunta raw ako ni Zyl doon sa resthouse pero hindi ko pinapansin. "Ate, ano ba? Kanina ka pa tinatawag ni Kuya Zyl, oh!" reklamo ni JM na ilang beses ng pabalik-balik sa loob ng bahay. "Huwag ka na ngang lumapit doon sa kanila para hindi ka mautusan ni Zyl! Ayaw ko makipag-usap sa kanya kaya tumahimik ka riyan." "Bahala ka nga r'yan! May pa LQ-LQ pa kayong nalalaman. Hindi naman kayo!" sagot ni JM at nag walk out. "Aba't..." hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na ng bahay si JM, “ano’ng LQ ang pinagsasabi no'n?" Kinuha ko ang isang pocketbook ni JM at binuklat para basahin. Humiga ako sa sofa at nagbasa. Tutok na tutok ako sa binabasa ko nang biglang may tumulak ng pocketbook papunta sa mukha ko. "s**t!" Nang alisin ko ang nakatakip na pocketbook sa mukha ko ay bumungad sa akin ang nakakunot-noong mukha ni Zyl. "Ano’ng ginagawa mo rito?" "Tsk. Ano’ng inaarte mo r'yan? Kanina pa kita tinatawag, ah!" "Bakit? Katulong mo ba ako para ipatawag ako kung kailan mo gusto? Eh, sa ayaw kong makipag- usap sa ‘yo, eh! " "Nakikipag-usap ka na sa akin ngayon kaya huwag ka nang magsuplada riyan." "Ano?" "Tsk. Gabi na tapos nagbabasa kang pocketbook. Hindi mo ba alam na nakakasira iyan ng mata?" "Ano naman ngayon?" "Tsk. Oo na. Sorry na sa mga tanong ko kanina. Masyado ka namang sensitive. Patawad na po Mahal na Prinsesa!" "Psh! Mukha mo!" "Tumayo ka na riyan. Mag-uusap tayo." Kita mo 'tong lalaking 'to. Makapag-utos akala mo kung sinong hari! "O, ano pang tinitingin-tingin mo r'yan? Tayo na! Kung ayaw mo bubuhatin kita," banta nito. "Umalis ka nga sa harap ko. Akala mo bahay mo 'to, ah." "Sumunod ka," bilin ni Zyl bago lumabas ng bahay. Nilagay ko sa tabi ang pocketbook ni JM at itinali ko ang buhok ko pataas tapos sumunod kay Zyl doon sa resthouse. "Oh, Ayla. Tapos na ang LQ?" tukso ni Karl. Naupo ako sa tabi niya "Psh. Tumahimik ka!" irap ko kay Karl at binalingan si Francis na pangiti- ngiti lang, "ano’ng nginingiti mo riyan?" Napailing si Francis ngunit nakangiti pa rin ang loko. Kailan kaya magseseryoso ang taong 'to. "Naiinis ako sa pagmumukha mo, Fran, ha. Akala mo lahat na lang ng babae magugustuhan iyang dimples mo. Sabi nang huwag ngumiti, eh!" naiinis na sabi ko na sinagot naman ng mga lalaki ng mahinang tawa. “Akala ko ba kayo ni Zyl ang may LQ. Bakit sa akin mainit ang ulo mo? Hindi ko naman kasalanang biniyayaan ako ng guwapong mukha at magandang dimples, ah!” pagyayabang nito. “Grabe, ang yayabang ninyo talaga! Hindi lang naman kayo ang guwapo sa mundo, ah!” “Oo na, tama na ‘yan. Ba’t ba galit na galit ka?” ani Res na pinaupo ako sa rabi niya at inakbayan. “Ito kasi, inaaway ako…” tila batang sumbong ko kay Res at humilig sa balikat niya. “Ayan, diyan ka magaling, Ayla. Ikaw na nga itong nang-aaway ikaw pa ang may ganang magpaawa,” puna ni Jim. Binilatan ko lamang siya at niyakap si Res. Para ko na rin kasi siyang kuya at sadyang malapit ako sa kaniya. Balewala naman sa akin ‘yong mga biro niya minsan na crush daw niya ako kasi alam ko namang hindi totoo iyon. “Tama na ‘yan. Para kang bata,” saway din ni Res sa akin. Umingos lamang ako masamang tinitigan si Francis. Narinig kong tumikhim si Zyl at nang sulyapan ko siya ay agad ko siyang inirapan na masama rin ang tingin sa akin. "Uy, Ayla. Ano 'tong sinasabi ni Res at Zyl na dahil sa 'yo nakita si Mimi sa ilog?" tanong ni Win. "Hindi ko nilunod sa ilog si Mimi, Sherwin!" agad kong bulalas. "Teka, wala naman akong sinabing gano'n. Mayroon ba?" "Ayla, bakit naisip mong nandoon si Mimi?" tanong naman ni Jim. Napabuntong-hininga ako. Mabuti pa sigurong sabihin ko na lang sa kanila. Mukhang hindi din naman sila titigil sa pagtatanong, eh. Psh! Kalalaking mga tao ang chismoso! "Ganito kasi 'yon," panimula ko, "kaninang umaga kasi nang kakaalis lang ni ate Josie rito dahil hinahanap niya si Mimi ay parang nakita kong may katawan ng bata na lumutang d'yan sa tubig kanal. Pero nawala rin bigla no'ng kinusot ko ang mga mata ko kaya akala ko namalikmata lang ako." "Tapos?" tanong ni Res na matamang nakikinig sa akin. "Pagkatapos iyon na...nandito naman kayo ni Zyl kanina, ‘di ba?" "Kung ganon, in-assume mo na kay Mimi ang nakita mong katawan na nakalutang d'yan sa kanal?" Tumango ako kay Win, "Oo. Hindi ko naman pinagdasal na sa kanya nga 'yon pero hindi ako matatahimik, eh." "Pero bakit sa ilog mo naisip na pumunta kung nandiyan sa kanal mo nakita? tanong ni Karl. "Nagpunta na kasi ako kanina sa palayan at tiningnan kung totoo nga 'yong nakita ko pero wala naman. Kaya nong dumaan uli rito kanina si Ate Josie at sinabing hindi pa rin nahahanap si Mimi kaya ko naisip na baka sa ilog since sa tubig ko nakita ang katawan." "Naiintindihan ko na, Ayla pero parang may mali lang sa nangyari." "Ano naman 'yon, Bor?" tanong ni Zyl kay Francis. "Kasi no'ng nandoon kayong apat kanina sa ilog, hindi naman ninyo nakita ang katawan ni Mimi. Ilang minuto rin ninyong kinapa ang ilalim ng tubig pero hindi ninyo nahanap katulad ng sinabi ninyo sa akin." "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. "Alam n'yo naman kung paano ninyo nahanap ang katawan ni Mimi, ‘di ba?" "Dahil itinuro ni Goyong," sagot ni Res na nagpatango kay Francis. "Tama. Ang tanong, paanong lumutang na lang nang ganoon ang katawan ni Mimi nang hindi ninyo namamalayan to think na apat pa kayo ang naghahanap?" "Baka dahil sa kakahalukay nila ng tubig?" "No. Ayla. Sa mga narinig kong kuwento pinapunta raw ni Goyong ang mga tao sa ilog dahil baka raw nandoon si Mimi." "Tama ka. Sinabi nga sa akin ni Kuya George kanina." "Nagtaka nga ako, eh? Bakit nandoon sa pampang si Goyong. Ni hindi nga nabasa ang paa niya na kung iisipin ay tatawid pa siya sa ilog bago makapunta sa kabilang pampang," wika ni Zyl. "So, ano ba ang gusto ninyong sabihin?" "Ang punto ko. Bakit nagpapunta siya ng mga tao sa ilog. Bakit siya ang unang nakakita sa katawan ni Mimi," ani Francis. "Gusto mo bang sabihin na kaya pinapunta ni Goyong ang mga tao sa ilog para marami ang witness?" Tumango si Francis sa sinabi ni Karl. "Gusto niyang maraming makakakita para isipin ng lahat ng nandoon na nalunod nga si Mimi." "Sandali, hindi ko kayo maintindihan." "Ayla, alam mong kaya ni Goyong na ibahin ang tingin natin sa ibang bagay. Katulad na lang ng sinabi mong inakala ninyo ng Lola mo na kundol ang napulot niyang buko ng niyog." Napasinghap ako sa sinabi ni Zyl. "Kung gano'n, posibleng hindi si Mimi ang nahanap natin?" "Posible," maikling sagot ni Zyl. "Kung gano'n sino ang nahanap natin?" "Hindi sino kung hindi ano, Ayla," sagot ni Res. Natahimik ako at naghintay sa sasabihin ni Res. Pigil ko ang paghinga ko habang naghihintay sa sasabihin niya. "Posibleng katawan lang ng saging ang nakuha namin sa ilog." Napasinghap ako nang malakas. "Katawan ng saging? Posible ba 'yon?" nalilitong tanong ko. "Gaya ng sinabi ko, posible iyon." "Eh, paano natin malalaman kung totoo nga iyon?" tanong ko sa kanila. "Ang sabi ng matatanda, kapag may nangyaring gano'n kailangang idaan ang katawan sa bintana ng bahay at dapat walang makakaalam na kahit na sino maliban sa pamilya ng namatay," sagot ni Justin. "Gano 'yan katotoo, Jus?" tanong ko. "Gaya ng sabi ko, sabi-sabi lang iyon ng matatanda. Hindi pa ako naka witness ng gano'n." "Gano'n din kaya ang nangyari kay Mimi? Kung totoo man iyan, nasaan si Mimi ngayon?" "Kapag may ganyang sitwasyon daw ay marahil ginawa na siyang manok o bibe at kinulong na o tinakpan ng malaking basket." "Manok o bibe? Bakit?" "Oo. Para katayin." Awtomatikong nanayo ang balahibo ko sa mga braso nang marinig ko ang sinabi ni Res. Parang hindi na-absorb ng utak ko ang sinasabi nila. Posible ba ang mga sinasabi nila? Parang hindi kapani-paniwala. Nakakatakot. Kung ako ang nasa kalagayan ni Mimi siguradong takot na takot ako sa mga oras na 'to. Ini-imagine ko pa lamang ang kalagayan ni Mimi ay hindi na matanggap ng isip ko. Napailing ako. Hindi. Hindi posible iyon. "Matanong nga kita, Ayla. Madalas ka bang makakita ng mga gano'n?" tanong ni Jim. Hindi alam ng mga kaibigan ko rito sa baryo ang nangyari sa school na pinapasukan ko. Wala silang alam sa bangungot na dinanas ko sa ANCHS at lalong hindi nila alam na namatay ang isang matalik kong kaibigan doon. "Ayla?" untag ni Jim. "Ah, hindi naman madalas." Tumango si Jim. "Nakakapagtaka lang kasi bakit ikaw pa ang nakakita ng ganoon." "May third eye ka ba, Ayla?" tanong ni Karl na kahit seryoso ang mukha ay kita sa mata ang panunukso. "Di ko alam," maikling sagot ko. "Huwag n’yo nang e-interrogate si Ayla. Kawawa naman," sabi ni Res. "O, ayan na ang manliligaw mo. Papalapit na rito," sabi ni Win na nakatuon ang paningin sa direksyon ni Goyong. Sumiksik ako sa tabi ni Res na agad naman akong pinakalma at sabihang huwag matakot. Sabagay ay wala namang maaaring gawin sa akin si Goyong dahik marami kami sa resthouse. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng katawan ko nang kumapit ako sa braso ni Res. "Relax ka lang," bulong niya sa akin na sadyang pang inilapit ang mukha sa leeg ko. Ang hudyo! Sigurado akong para iyon sa mga mata ni Goyong! Naupo naman si Zyl sa tabi ni Res at hinintay na tuluyang makalapit sa amin si Goyong. "Yong, saan punta mo?" tanong ni Res. "Dito lang magpapahangin," sagot nito sa garalgal na boses. Nakatuon ang paningin sa amin ni Res at matalim ang titig sa kamay ni Res na nakahawak sa balikat ko. "Mahangin nga rito, 'Lo. Kumusta naman ang buhay?" tanong ni Jim. "Mabuti naman. Bakit kayo nandito?" tanong niya na sa akin nakatuon ang paningin. Kumabog nang husto ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagtitig niya. Pasimpleng tinapik-tapik ni Res ng kamay niya ang balikat ko habang nakaakbay siya sa akin. Alam kong gusto niyang mag-relax lang ako pero parang gusto ko nang tumakbo. Ewan ko ba kapag nasa malapit siya ay sumasama ang pakiramdam ko. Tumayo siya sa tabi ni Zyl. "Tumatambay lang. Gusto lang naming makasama ang mahal naming si Ayla. Ikaw, 'Lo? Bakit dito mo gustong magpahangin?" wika ni Jim na lihim na napangisi. Langya. Talagang inaasar nila si Goyong! "Mas masarap kasi ang hangin dito," sagot ni Goyong na nagpatawa sa mga katabi kong lalaki. "Masarap nga ang hangin dito. Lalo na't kasing halimuyak ng bulaklak ang bango ni Ayla," natatawang sang-ayon ni Res. "Yong, sino girlfriend mo ngayon?" tukso ni Jim. Lihim namang nagsisikuhan sina Francis at Jus. "Wala. Matanda na ako sa bagay na 'yan." Nagkatinginan kami ni Res at sinamaan ko siya ng tingin. Umiling-iling naman si Res habang natatawa. Masaya pa siya! "Kahit matanda na kung malakas pa rin kumayod ay walang problema. Gusto mo bang bigyan kita ng chicks, Yong?" Napangiwi ako sa sinabi ni Karl. "Hindi ko sila kailangan," ani Goyong na nakatitig sa akin. Lalong nanayo ang balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagkakatitig nito. Hindi ko sinasalubong ang tingin nito dahil sa takot. "Ayla, doon nga tayo maupo sa ilalim ng langka n'yo. Mas masarap ang hangin doon. 'Lika," sabi ni Zyl at lumapit sa akin sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa bakuran namin. Umupo nga kami sa ilalim ng langka at nakita kong nakatingin sa direksyon namin si Goyong. Walang habas naman sa pagpaparinig ang anim na gusto lang daw akong masolo ni Zyl. Hindi kasi kami masyadong kita mula sa resthouse dahil may tanim akong malagong bougainvillea na nakakapit sa bakod namin. "Relax ka lang," natatawang sabi ni Zyl. "Paano ako magrerelax. Kung pumasok na lang kaya tayo sa loob ng bahay?" "Mamaya na may gagawin pa tayong show. Tingnan natin kung paano magalit iyang si Goyong." "Ano’ng show?" takang tanong ko, "at bakit naman natin gagalitin si Goyong?" Biglang nahiga si Zyl sa papag at umunan sa hita ko. "Hoy! Ano’ng ginagawa mo?" mahina kong tanong. "Stay put ka lang. Akin na kamay mo," sabi niya ngunit hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na niya ang kamay ko at nilagay sa pisngi niya. "Hoy, Zyl. Ano na naman 'to?" "Tsk. Umarte ka lang na sweet sa akin." Pinalo ko siya ng palad ko sa pisngi kaya lang napalakas yata. "Aray!" "Ano’ng pinagsasabi mo, ha?" "Ikaw talaga, Love. Kahit saktan mo ako hindi mababawasan ang pag-ibig ko sa 'yo? Mamahalin pa rin kita at hindi ako papayag na maagaw ka ng iba." Nanlaki ang mata ko sa pinagsasabi nito. "Ano?" "Sshh. Nasa malapit siya." Bigla akong kinabahan. "Nasaan?" tanong ko ngunit nakita kong gumagalaw ang dahon ng bougainvillea sa bakod namin. "Z—Zyl," usal ko na hindi mapakali sa inuupuan ko. "Shh. Relax ka lang. Kasama mo naman ako.” Napalunok na lang ako nang biglang pinagpuputol ang sanga ng bulaklak. Narinig ko namang nagtawanan sina Res sa resthouse. "Hoy, Bor! Ano’ng ginagawa ninyo ni Ayla riyan? Kaya pala gusto mong masolo si Ayla, ha! Pumaparaan ka," malakas na sabi ni Jim na halatang sadyang ipinaparinig kay Goyong. Naramdaman ko naman ang pagyugyog ng balikat ni Zyl dahil sa tawa. May gana pa talaga silang magtatawa at gawing biro ang takot ko! Maya-maya lang ay sumilip ang ulo ni Lolo Goyong sa pagitan ng mga dahon ng bulaklak. Tumayo ang mga balahibo ko sa takot at kaba. Parang biglang nanlaki ang ulo ko dahil nakikita ko ang nakakatakot miyang hitsura. "Yong, ano’ng sinisilip mo riyan?" tanong ni Zyl. "Manonood ng balita." Lalong natawa si Zyl. "Wala kaming T.V dito, Yong. Nasa loob ng bahay. Gusto mong manood ng live show?" "Zyl, ano’ng sinasabi mo?" hindi mapakaling wika ko. Ngali-ngali ko nang itulak itong si Zyl dahil sa mga pinagsasabi nito. Aswang si Goyong at hindi ko gustong ginagawang biro ang galit at banta nito. Hindi ko alam kung bakit sinasabi iyon ni Zyl kay Goyong. Hindi ba siya natatakot? Baka pati siya madamay at mapahamak dahil sa akin. Ayoko nang maulit ang nangyari! Ayokong may mawala ulit sa mga kaibigan ko gaya ng nangyari kay Saffi! Bumangon si Zyl at umupo sa tabi ko. "Manood ka, Yong," sabi niya at hinapit ako sa pagkabigla ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Zyl sa batok ko at ang paglapat ng labi niya sa labi ko! "Zyl!" mariing wika ni Goyong sa nakakatakot na boses. Bigla akong nanginig at hindi ko alam kung dahil sa boses ng matandang lalaki o dahil sa halik ni Zyl. Niyakap ako ni Zyl nang mahigpit pagkatapos. Nasa tapat ng puso ni Zyl ang tenga ko at dinig ko ang malakas na t***k ng puso niya. "See that? Hindi mo makukuha sa akin si Ayla. Not ever! Tandaan mo 'yan!" mariing banta ni Zyl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD