CHAPTER THREE

2296 Words
PAGDATING namin sa ilog ay agad kong ginala ang paningin ko sa tubig. Tinungo ko ang dike at umakyat doon. Sumunod din sina Res at Zyl sa akin. "Wala namang bata rito, Ayla," maya-maya ay sabi ni Zyl. Pinasadahan ko ng tingin ang payapang tubig ng ilog. Hindi maalis sa isip ko 'yong nakita ko kanina sa kanal. What was that supposed to mean? Bakit ako nakakita ng gano'n? Akma akong tatalikod na at bababa ng dike nang parang may pumipigil sa akin na huwag munang umalis. Humarap ako uli sa tubig at sinulyapan si Zyl at Res. "Don't give me that look, Ayla. Ayoko ng iniisip mo," sabi ni Zyl na mukhang alam ang takbo ng utak ko. I pouted. Binalingan ko si Res. Itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pag-ayaw din sa iniisip ko. "Ayaw n’yo? Di ako na lang!" "Hey, hey! Ano’ng ikaw na lang?" Hinarap ko si Zyl at pinameywangan. "Ayaw n’yo, ‘di ba? Di ako na lang ang lulusong riyan sa tubig! Ang gentleman n’yo kasi," reklamo ko. Napalatak si Zyl. "Stay there at kami lang ang bababa. Hindi ko alam bakit mo naiisip 'to." Napangiti ako. "Subukan lang naman natin, eh. Kung wala riyan sa ilalim, eh di umahon na kayo." "Kalokohan 'to," usal ni Zyl bago bumaba ng dike. Napailing na lang si Res na sumunod. Pagdating sa baba ng dike malapit sa tubig ay naghubad ang dalawa ng pang-itaas na damit. "Hoy, Ayla! Saluhin mo 'tong damit namin!" sabi ni Zyl at hinagis sa akin ang damit nilang dalawa. Sinalo ko ang damit nila at sinampay sa balikat ko. Narinig kong napamura si Zyl nang lumusong sa tubig. "Grabe naman kayo, guys! Hindi n’yo naman sinabi sa aking ang hot ng katawan n’yo," wika ko na pinapanood silang dalawa ni Res. "Kung nalaman mo agad baka noon mo pa kami pinagnasaan," natatawang sagot ni Res. "Pagnasaan agad? Hindi ba pwedeng hangaan muna?" "Huwag kang maingay riyan, Ayla," saway ni Zyl na ikinanguso ng bibig ko. "Parang pinupuri ko lang ang katawan n’yo, eh. Gusto n’yo lang yata ibang babae ang pumuri sa inyo, eh," wika ko sa tonong nagtatampo. Res chuckled. "Tumayo si Zyl kaya nahantad sa akin ang katawan niyang basa ng tubig. Why, ang swerte naman ng tubig! My God, Ayla! Ang dumi ng iniisip mo! "Oh, ayan. Maglaway ka na," wika ni Zyl na napangisi. "Baliw ka. Bumalik ka na nga sa ginagawa mo," sabi ko na iniwas ang tingin. Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko. Nagbulungan ang dalawang lalaki tapos ay narinig ko silang mahinang natawa. "Hoy, pinag-uusapan n’yo ba akong dalawa?" "Oo, bakit may problema ka?" Nakakabwisit rin minsan 'tong si Zyl, eh! Napanguso na lang ako. "Mag-ingat kayo, ah! ‘Di ba may butas riyan sa ilalim ng semento? Tingnan n’yo na rin," wika ko na iniba ang usapan. Umupo ako sa semento. "Oo na! Huwag kang malikot riyan sa taas baka ikaw ang mahulog dito mamaya," bilin ni Zyl. "Opo!" Pinapanood ko sila habang kinakapa ang ilalim ng tubig. Hindi kasi malinaw ang tubig dahil sa ginagawa nilang dalawa. Naririnig ko silang nag-uusap pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nilang dalawa. "Ayla, ano’ng ginagawa mo riyan?" Napalingon ako sa nagtanong at nakita kong paparating sina Jim at Win. Nakita ko ring may papunta rito sa dike na mga babae at nasa lima ang bilang nila. "Ano’ng ginagawa n’yo rito?" "Nakita ka namin na papunta rito kasama si Zyl. Ano’ng mayroon dito? " takang tanong ni Win. "May hinahanap lang kami. Sino-sino ang mga 'yon?" tanong ko at tinuro ang mga babaeng paparating. "Chicks," maikling sagot ni Jim. Umakyat sila ng dike at natawa nang makita sina Res at Zyl sa tubig. "Mga Bor, ilang s**o na ang nakuha n’yo riyan?" biro ni Jim. Napaangat ang mukha nina Zyl at Res at sinamaan ng tingin ang dalawa na tawang-tawa. Mayamaya lang ay dumating na ang mga kasama nina Jim at umakyat na rin dito sa dike. "Wow! May mga malalasang nilalang dito, friendship!" maarteng bulalas ng isa nang makita sina Zyl at Res sa tubig na walang pang-itaas na damit. Ngalingaling kong itulak sa tubig ang mahaderang ito. Hmp! "Jim, tulungan n’yo na nga ang dalawa," sabi ko. Napalingon ako sa palayan at nakita kong may mga kabaryo ko ang paparating. Hala? Ba't ang dami nila? Naghubad din ng pang-itaas sina Jim at Win at lumusong na sa tubig. May itinanong sila kay Zyl at nakita kong napatango sila. Kaya sila nandyan sa tubig dahil may posibilidad na pumunta dito si Mimi at nahulog o nalunod dyan sa tubig na sana hindi nangyari. Ang sa akin lang naman ay posibilidad, ayokong isipin na ganoon talaga ang nangyari. Ginawa ko lang namang basehan ang nakita ko kanina sa kanal. Minsan kasi nagpupunta dito ang mga bata sa dike at dito naglalaro kasama ng mga ate nila o kung sino man na pumupunta dito sa ilog. "Girl, bakit gano'n ka makautos kina Win at Jim? Kaano-ano mo ba sila?" taas-kilay na tanong ng babae. Sa tantiya ko ay mas matanda sa akin ang mga ito ng dalawa o tatlong taon. Itinaas ko rin ang isang kilay ko para gumanti. “Girlfriend nila ako, bakit?" Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng limang babae. Nagkatinginan sila na tila hindi makapaniwala. "Really?" anito na binalingan si Win at Jim na katulong ni Zyl at Res. "Win, Jim! This little girl is claiming to be your girlfriend. Totoo ba 'yon?" Little? Aba, naliliitan yata sa akin ang mga babaeng ito, ah! Nakita kong pinigilan ni Win at Jim ang mapabunghalit ng tawa. "Well..." ani Jim. "Yes," dugtong ni Win. "See?" matamis ang ngiting wika ko sa mga babae. Impit na sumigaw ang babae at padabog na umalis kasama ang mga alipores nito. Binalingan ko ang apat sa tubig na natatawa. Himalang hindi ako pinahiya ng dalawang unggoy na ‘to. "Sorry, guys. Mukhang nawalan kayo ng babae ngayon. Malay ko bang uto-uto naman ang mga iyon. Pero okay na rin. Para naman hindi kayo magkasakit," wika kong kumindat pa sa dalawa. "Grabe si Ayla. Ang harsh," ani Jim na sinabayan ng tawa. Mukhang balewala naman sa kanila iyong ginawa ko sa babae. "Hoy, Goyong, ano’ng ginagawa mo riyan?" narinig kong tanong ni Res. Bakas ang gulat sa kanyang mukha. Hinanap agad ng mga mata ko kung nasaan ang kausap niya at nagulat na lang ako na nasa pampang na ng ilog si Lolo Goyong. Hindi ko yata napansin na nariyan siya? Nagsidatingan na ang mga kabaryo namin sa pagtataka ko kung bakit sila naroon. "Kuya George bakit kayo nandito? Bakit ang dami n’yo namang nagpunta rito? " "Ayla, sinabi kasi ni Goyong na baka raw nagpunta rito si Mimi. Nawawala kasi 'yon eh kaya magbabakasakali kaming nandito siya sa ilog at naglalaro." "Ah, eh wala po rito si Mimi, eh," sagot ko nang makitang nagsi-akyatan ang iba sa dike at pinanood sina Zyl sa ginagawa. "Ganoon ba?" Nabaling ang tingin ko kina Zyl nang marinig kong parang nagpanic sila. Nakita kong may itinuturo si Lolo Goyong sa tubig at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang nakalutang na katawan ng isang bata. Kumawala ang malakas na singhap mula sa mga kasama ko sa dike. Paanong nangyari 'yon? Kanina pa sina Zyl d'yan sa tubig at hindi manlang nila nakita? Paanong lumutang na lang bigla ang katawan ng bata? "f**k!" narinig kong mura ni Zyl habang kinukuha ang katawan ni Mimi. Narinig ko rin ang pagmura nina Res, Win at Jim. Mabilis nilang iniahon sa tubig ang katawan ng bata na lumubo na at nangingitim na. Bumaba ako sa dike at sinalubong sina Zyl na karga ang katawan ng bata. "Zyl!" tawag ko nang tumatakbo siyang lumapit sa amin. "Ayla, tayo na sa health center! Baka sakaling maagapan pa siya. 'Tangina!" Mabilis akong sumunod sa kanila habang lakad-takbong buhat nila ang katawan ni Mimi. Shit! Gusto kong maiyak sa nangyari! Nakita kong patakbo rin kaming sinalubong ni Ate Josie. Bakas sa mukha niya ang sakit habang tinititigan ang katawan ng anak niya. "Zyl, ano’ng nangyari? Diyos ko! Mimi, anak ko!" sigaw ni Ate Josie habang hawak si Mimi na nasa braso ni Zyl. Tuloy pa rin kami sa lakad takbo para makarating kaagad sa health center. "Res, mauna kana roon at magpatawag ka ng ambulansya sa bayan. Baka kailanganin siyang dalhin sa ospital sa bayan. "Sabi ko kay Res at inabot ko sa kanya ang damit niya. Tumango naman si Res at mas binilisan ang pagtakbo. "Ate Josie." "Ayla, ang anak ko!" Sagot niya na nagpapadyak na sa iyak. "Ate Josie, mas mapapadali ang pagdala natin kay Mimi sa health center kung hindi kayo magpapabigat kay Zyl," sabi ko. Nakakapit na din kasi si Ate Josie kay Zyl at hindi makalakad ng mabilis si Zyl. Iyong mga tao kanina na kasama namin sa dike nagsisunuran na rin sa amin. "Bakit Zyl?" tanong ko nang biglang tumigil si Zyl at tinitigan si Mimi. "Parang naramdaman kong huminga si Mimi." "Dali na! Baka buhay pa si Mimi! Kailangan magamot siya agad! Dali, Zyl!" Mas lalong binilisan ni Zyl ang pagtakbo at sumunod na lang kami sa kanya. Pagdating sa health center ay agad na inihiga niya ang katawan ni Mimi sa pang-isahang kama roon. "Josie, nagpatawag na kami ng ambulansya," sambit ng midwife. Wala kasi kaming doktor talaga mismo sa health center namin. Tanging midwife lang. Patuloy pa rin sa paghagulgol si Ate Josie. Mayamaya lang ay pumasok ang asawa niyang si Kuya Dom at niyakap ang asawa na hindi matigil sa pag-iyak. "Hindi na ako makakapaghintay ng ambulansya. Sasalubungin na lang namin sila sa daan. Ayoko mag-aksaya ng kahit isang segundo!" mariing sabi ni Kuya Dom at nilapitan ang kamang hinihigaan ni Mimi. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya habang kinukuha ang katawan ng bata. Alam kong pinipigil lang ni Kuya Dom ang emosyon niya. Nagkatinginan lang kami nina Zyl at Res nang niyakap ni Kuya Dom ang anak niya at napalugmok sa sahig. Napaiyak na lang ako nang makita kong umiyak si Kuya Dom. "Wala na si Mimi. Wala na siya. Wala na ang anak ko!" sambit niya sa pagitan ng pag-iyak habang yakap ang katawan ng anak. Napahagulgol naman si Ate Josie. Saka lang dumating sina Jim at Win at nanatili sa pinto ng health center. Napaupo si Ate Josie sa sahig at halos pagapang ng lumapit sa kanyang mag-ama. Napuno ang health center ng mga hagulgol ni Ate Josie at ang pigil na pag-iyak ni Kuya Dom. Inalo naman ng Midwife si Ate Josie. Bigla akong hinila ni Zyl palabas ng health center at dinala ako sa hindi kalayuan. "Ano ang alam mo, Ayla?" "Ano’ng ibig mong sabihin?" tanong ko. Nahihimigan ko kasi ang pang-aakusa sa boses ni Zyl. "Bakit mo alam na nandoon si Mimi? Bakit mo alam?" "Zyl, hindi ko alam na nandoon siya!" "Kung ganon bakit tayo pumunta roon? Bakit natin siya hinanap doon kung hindi mo alam at wala kang ideya na naroon siya?" "Ano ang gusto mong palabasin? Na nilunod ko si Mimi roon? Na ako ang dahilan kaya nalunod siya? Tanungin mo ang mga tao sa bahay kung nakita nilang umalis ako ng bahay! Tanungin mo si Res at tanungin mo ang sarili mo! Kung makatingin ka sa akin akala mo ako ang kriminal dito!" sagot ko kay Zyl. Nakakasama ng loob ang mga tinanong niya sa akin. 'Yong mga tingin niya parang nang-aakusa. Bakit ko naman gagawin 'yon? Ano’ng akala niya sa akin mamamatay tao? Ni hindi nga ako umaalis ng bahay eh, tapos makatanong naman wagas. Tumalikod na ako kay Zyl sa kabila ng pagtawag niya sa akin. Sinalubong ako ni Res habang pabalik ako sa kanila. "Oh, Ayla." "Uwi na ‘ko," paalam ko at deretsong lumabas ng bakod ng health center. SINUNDAN ko ng tingin si Ayla habang palabas ng gate. Ano na naman kaya nangyari doon sa babaeng iyon? Lumapit si Zyl sa akin na kamot ang batok. "Ano’ng nangyari do'n sa babaeng 'yon?" "Na misinterpret niya yata ang taong ko. Tsk," sagot ni Zyl. "Ano ba’ng tanong mo?" "Tsk. Huwag mo nang alamin, Res,” sagot niya at bumalik sa loob ng health center. Sinundan ko lang ng tingin si Zyl. Napakamot na rin ako sa ulo. Nakakabad trip ang araw na 'to. Wala pa ring tigil ang iyakan sa loob ng health center. Naiintindihan ko sila. Nawalan sila ng anak. Tsk. Kung sa akin nangyari 'yon patataubin ko itong baryo namin makilala lang kung sinong may gawa no'n sa anak ko. Tsk. Buhay nga naman. Bumalik na rin ako sa loob ng health center. "Ate Josie, Kuya Dom. Aalis na po ako. Kailangan ko nang maligo, eh. Nakikiramay po ako," sabi ko kahit hindi nila ako pinapansin. Nanatiling lang silang nakatingin sa anak nilang nakahiga na sa kama. Hihintayin pa rin yata nila ang ambulansya na manggagaling pa sa bayan. Tinapik ko na lang sa balikat ang mag-asawa at tinanguan ang midwife na umaalalay sa kanila. "Hindi ka pa uuwi?" tanong ko kay Zyl. "Sabay na tayo," sagot niya at lumapit kina Kuya Dom at Ate Josie at bumulong ng pakikiramay. Lumabas kaming dalawa ni Zyl ng health center. "Ano ang tinanong mo kay Ayla? Bakit nagtaray na naman 'yon?" "Tsk. Kulit mo. Tinanong ko kung ano ang kinalaman niya sa nangyari." Binatukan ko si Zyl. "Anak ng..." sinamaan niya ako ng tingin. "Gago ka pala, eh. Ano naman magiging kinalaman ni Ayla do'n? Tanga mo, Bor!" "Tsk. Tumahimik ka Res kung ayaw mong masapak d'yan," babala niya. "Ang tanga mo lang kasi!" sagot ko at binilisan ang paglalakad pauwi ng bahay. Narinig ko pang napalatak si Zyl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD