CHAPTER TWO

2054 Words
NAPATINGALA ako sa bubong nang makarinig kami ng kaluskos at tila may tumalon mula roon. "Ano 'yon?" tanong ni JM na napadikit sa akin. “Baka pusa,” sagot ko. Matatakutin si JM at hindi ito nakakatulog nang maayos kapag inunahan ng takot. "Ano 'yan, Tiya?" pag-iiba ko ng usapan. Kahit may ideya ako kung sino ang may gawa niyon ay ayaw ko pa ring sabihin dahil kasama ko JM. "Kumuha ka ng pinakuluang tubig ni JM at ilagay mo sa baso, Ayla. Palamigin mo nang kaunti para hindi mapaso ang lola mo kapag ininom niya," utos ni Tiya sa akin habang panay ang masahe nito sa mga braso at tiyan ni lola. Mabilis akong tumalima. Inabot ko ang isang baso ng maligamgam na tubig kay Tiya at nakita kong hinalo niya ang laman ng bote na hawak niya sa tubig. Hinawakan ko ang likod ni Lola para alalayan si Tiya sa pagpapainom dito. Isang minuto pa lamang ang lumilipas ay sumuka si Lola sa maliit na palanggana at nagulat ako sa nilabas ng tiyan niya. Nakatingin ako sa sinuka niya at sinulyapan si Tiya Susan na napapailing. Hinaplos ko ang likod ni Lola habang suka pa rin siya ng suka. Pagkatapos sumuka ni Lola ay parang guminhawa ang kanyang pakiramdam at sumandal sa unan. Nakapikit pa rin ang mga mata at taas-baba ang dibdib sa paghinga. Binalingan ko si Tiya Susan na may hinaplos pang gamot sa katawan ni Lola. "Tiya bakit ganyan ang sinuka niya? Paanong nangyari na..." Sinundan ko ng tingin ang direksyon na itinuro ni Tiya Susan sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maliit at tuyong buko ng niyog. Napasinghap ako nang may maalala. "Tiya, kundol ang nakalagay riyan kanina!" bulalas ko. "Sa simula pa lamang, Ayla ay hindi kundol ang nakalagay riyan kung hindi buko ng niyog." "Paano po nangyari iyon? Ako po mismo ang nakakita na kundol ang nandiyan kanina!" "Sino ang nagbigay ng kundol, Ayla?" matamang tanong ni Tiya Susan. "Itinuro po 'yan kanina ni Goyong kay Lola. Kaya dinampot ni Lola at ginulay." Napalatak si Tiya Susan. "Nilinlang niya ang inyong paningin, Ayla. Sa paningin ninyo kundol ang nakuha ng Lola mo pero ang totoo ay hindi. May kakayahang ganoon ang mga katulad ni Goyong. Kaya sumama ang pakiramdam ng Lola mo. Tingnan mo ang sinuka niya, balat ng buko dahil iyon ang kinain niya." Napahilamos ako ng palad sa mukha. Diyos ko! May ganoon pala! Mabuti na lang at hindi kami kumain ni JM! Kung nagkataon ay baka kung ano na rin ang nangyari sa amin! Hindi ko akalain na aabot sa ganito! "Mag-iingat ka, Ayla. Ngayong gumagamit siya ng kapangyarihan niya, siguradong desido siyang kunin ka." Natulos ako sa kinatatayuan. Ano ang laban ko sa isang nilalang na may kapangyarihan? “KUMUSTA ang lola mo?" tanong ni Res kinaumagahan nang mapadaan siya sa bahay. Nakaupo ako ngayon dito sa rest house at tumabi naman sa akin si Res. Siguro ay naikuwento na ni Francis ang tungkol sa nangyari kagabi. "Ayon, mabuti na ang pakiramdam niya. Ang tapang pa nga, eh! Makakatikim daw sa kanya si Goyong kapag nagkita sila ulit." Napalatak si Res. "Hindi ako makapaniwala. Talagang gusto ng hayop na 'yon ang manakit ng kapwa niya. Hayaan mo aasarin namin 'yon hanggang sa tumigil na." "Psh! Huwag na nga kayong dumagdag! Lalo lang siyang nagiging desperado, eh! Aasarin mo pa, eh di lalong magagalit 'yon. Hayaan n'yo na.” Tiningnan ako ni Res nang masama. "Hayaan? Muntik nang mamatay ang Lola mo tapos hahayaan lang? Bah! Ayos ka, ah!" "Eh, ano naman gusto mong gawin ko? Gatungan din kayo? Tapos kapag may nangyari sa inyong masama ako ang masisisi?” “Ano naman ang mangyayari sa amin?” balewalang sagot ni Res. I sigh. “Hindi ordinaryong nilalang si Goyong. Kaya niya tayong paglaruan kung gugustuhin niya. Ayokong pati kayo ay madamay. Mag-iingat na lang kami sa susunod." "Hindi ko maintindihan kung bakit wala kayong ginagawa, eh. Kapag hinayaan n’yo ‘yon aakalain ng hayop na ‘yon na wala kayong laban. Hindi ba kayo natatakot? Puro kayo babae rito tapos 'yong pinsan mo laging wala rito." "Psh! Huwag na natin pag- usapan. Teka, bakit ka pala nandito?" "Bakit, hindi na ba puwedeng pumunta rito?" pamimilosopo nito. Akma ko siyang babatukan nang ilayo niya ang ulo at iharang ang dalawang kamay sa mukha. "Ikaw, kababae mong tao nambabatok ka. Eh, kung ikaw kaya batukan ko?" "Subukan mo," sagot ko at inirapan siya. "Kita mo 'to. Sus, ang maldita. Makaalis na nga!" "Di umalis ka!" “Hoy, Ayla. Alam mo bang crush kita matagal na?” kumikislap ang matang wika ni Res. Sandali kong siyang tinitigan and twitched my lips in a half smile. “Ngayon ko lang nalaman.” “So, any violent reactions?” Noon ko lang natitigan nang husto si Res. His face is fine with those small and delicate eyes and nose. Ang bangs nito ay halos nakatakip na sa mga mata nito. Ang ayos ng buhok nito at katulad ng mga nagugwapuhang koryano na napapanood ko TV. Sa kanilang pito ay si Res ang pinakamalapit sa akin maliban kay Zyl. Magaan kasi ang loob ko sa kaniya at si Res ang tipo na kapag nag-aaway kami ni Zyl ay walang pinapanigan sa aming dalawa. “Hoy, Ayla. Natulala ka na sa akin. Ganoon ba ako ka-gwapo para magkaganyan ka?” panunukso nito sabay pitik ng daliri sa harap ng mukha ko. Inirapan ko siya nang makita nakangisi na ito. “Bahala ka sa buhay mo.” “Hm. Sige na nga. Aalis na ako. Mag-ingat ka lagi, ha. Mamahalin pa kita,” sabi nito at kumindat pa sa akin. “Tss. Hindi mo ‘ko makukuha sa mga banat mong ‘yan. Alis na!” "Ikaw, ang sungit mo talaga. Buti naging kaibigan ka namin, ano? How previliged!” “Hoy, kayo kaya ang nagpumilit na kaibiganin ko. Mga panget naman kayo!” "Ano’ng pangit? May pangit bang pinagkakaguluhan ng mga babae?” Dinampot ko ang tsinelas ko nang bigla iyong mahulog mula sa paa ko. Nagulat na lang ako nang biglang kumaripas si Res sa pagtakbo. "Ano’ng nangyari sa lalaking iyon?" takang tanong ko sa sarili. "Ayla, ano’ng nangyari kay Resty at ang bilis tumakbo? Ano’ng ipinanakot mo sa kanya?" nakangiting tanong ni Kuya Eddie at naupo sa tabi ko. "Di ko po alam, eh. Nagulat na lang ako nang biglang kumaripas ng takbo. Ewan ko ba ro'n sa lalaking iyon." "Nga pala, kamusta na ang Lola mo?" "Okay naman na po. Nagpapahinga lang sa higaan niya." "Sa susunod lahat ng ituro ni Goyong huwag n'yong kukunin, ha? Lahat ng ibibigay niya huwag n'yong tanggapin." "Hindi ko naman po alam, eh. Isa pa wala naman akong tinatanggap mula sa kanya." Napabuntong-hininga si Kuya Eddie. "May kakayahan kasi siyang baguhin ang paningin natin sa isang bagay. Tulad na lang ng nangyari sa Lola mo. 'Yong niyog ginawa niyang kundol, pinulot ng lola mo at niluto, kinain. Tingnan mo kung ano’ng nangyari." "Nasabi nga po ni Tiya Susan. Hayaan n’yo po sa susunod mag-iingat na kami." "Dapat lang. Mag-lock kayo lagi ng pinto at huwag magpapapasok ng tao na hindi mo sigurado kung siya nga." Tumango ako sa sinabi ni Kuya Eddie. "Tatandaan ko po." "Mabuti naman. Mangangaso ako ngayon, gusto mo ng bayawak?" tanong niya na halata sa boses ang panunukso. Napangiwi ako at napailing. "Hinog na saging na lang po kung mayroon." "Oo ba! Uuwian kita ng bayawak!" Napanguso ako na nagpatawa kay Kuya Eddie. "Sige. Ako'y aalis na." "Sige po. Ingat po kayo." Tumango si Kuya Eddie at kumaway para magpaalam. Maya-maya lang ay dumating si Ate Josie na bakas sa mukha ang pag-aalala. "Ayl, nakita mo bang napadaan dito ang anak kong si Mimi? " Umiling ako. "Hindi po. Bakit po?" "Kanina ko pa kasi siya hinahanap pero hindi ko siya matagpuan. Kung saan-saan ko na hinanap wala pa rin." "Baka po nasa bahay lang ng kaibigan niya," sabi ko. Apat na taon na si Mimi at bibang bata. Nasa zone 1 ang bahay nila at may kalayuan dito sa amin. "Sige. Hahanapin ko pa siya. Salamat, Ayl." "Walang anuman po. Sana mahanap n’yo po siya agad." Pag-alis ni Ate Josie ay nagpasya na rin akong tumayo. Pagkatayo ko ay napasulyap ako sa tubig sa kanal. Nanlaki ang mata ko nang makita sa mahinang daloy ng tubig ang nakalutang na katawan ng isang bata! Kinusot ko ang mata ko at pagtingin ko uli ay wala na. Lumapit ako sa kanal at tiningnan nang mabuti kung mayroon nga. Nagririgodon ang puso ko dahil mukhang si Mimi ang nakita ko! Sinundan ko ang agos ng tubig hanggang sa palayan pero wala naman na akong nakitang katawan ng bata. Ang kanal kasi ang nagsisilbing daanan ng tubig para sa irigasyon kaya sa palayan naiipon ang tubig. Napailing akong bumalik sa rest house. Siguro ay namamalikmata lang ako kanina. Pumasok ako sa loob ng bahay at tiningnan si Lola. Alas quatro na nang hapon at kasama ko si Zyl at Res na naglalaro ng baraha sa rest house. Nag totong-its kaming tatlo at kung sino ang talo ay may pitik sa ilong. "Ang daya ni Ayla, oh! Naninilip ng baraha!" reklamo ni Res. Sinisilip ko kasi ang baraha ni Zyl na sinusundan ko. "Hayaan mo siyang manilip. Mamaya may bukol na siya sa mata. Hindi naman siya mananalo sa akin," kampanteng sagot ni Zyl. "Ibigay mo na kasi sa akin ang Jack! Ikaw naman! Ang damot, eh!" "Ayaw. Madaya ka, eh!" nakangising sagot ni Zyl. Naaliw kami sa kakalaro nang dumaan sa amin si Ate Josie. Tumigil ako sa kakasilip ng baraha ni Zyl at tinawag ang babae. "Ate, nakita n’yo na po si Mimi? " Humarap siya sa akin at nakita ko ang pamumugto ng mga mata niya at ang pamumula ng ilong niya. Naiiyak siyang umiling kaya umalis ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. "Pitong oras na siyang nawawala, Ayla at hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin!" sagot nito at humagulgol. Binaba nila Zyl at Res ang baraha at lumapit na rin sa amin. "Sinabi mo na ba kay Kapitan?" ani Zyl. "Oo. Naghahanap na rin sila ngayon. Nakarating na nga sila sa kabilang baryo pero walang may nakakita sa bata." Nagkatinginan kami ni Zyl. Naaawa kami kay Ate Josie. Panganay niya si Mimi at may isang taong gulang pa siyang kasunod. "Tutulong po kami sa paghahanap." "Maraming salamat, Ayla. Ipaalam n’yo kaagad sa akin kapag nakita n’yo na si Mimi. Nasa Brgy. Hall lang ako." Tumango ako at hinila ko ang dalawa pagkaalis ni Ate Josie. "Zyl, kung ikaw sa lugar ni Mimi saan mo gustong pumunta?" "Sa basketball court?" Pinameywangan ko siya at pinaningkitan ng mata. "Tsk! Eh, iyon talaga. Alam mo bang nasa tyan pa lamang ako ni Mama nagdidribol na ako ng bola?" "Hay, naku! Tumigil ka nga! Ikaw, Res?" baling ko kay Res. "Pareho kami ng sagot ni Zyl." Walang kwentang kausap. Inisip ko kung magkasing edad kami ni Mimi una kong pupuntahan is kung saan may maraming bata. "Zyl, hindi kaya nasa playground sa school sa elementary lang si Mimi? Kadalasan maraming bata roon, ‘di ba? " "Narinig mo ba ang sinabi ni Ate Josie na umabot na sila ng kabilang baryo pero hindi pa rin nila nakita? Malamang nasilip na nila lahat ng sulok ng baryo natin." "Dapat kasi sa mga batang gano'n ang edad nasa bahay lang at natutulog," komento ni Res. Kung ganoon saan nagpunta si Mimi? Naalala ko ang nakita ko kanina dito sa tubig sa kanal. Tiningnan ko uli ang malinaw na tubig na payapang dumadaloy patungo sa palayan. Sigurado akong namamalikmata lang ako kanina dahil wala naman talaga akong nakita. Hindi kaya...Napasinghap ako nang malakas kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. "Bakit, Ayla?" kunot-noong tanong ni Zyl. Nabaling ang tingin ko sa kanya. "May hinala ako kung saan maaaring nagpunta si Mimi." Lalong kumunot ang noo ni Zyl at si Res ay tahimik lang na naghihintay ng sasabihin ko. "Saan?" "Samahan n’yo ako sa ilog." "Ayla, sigurado ka bang sa ilog nagpunta ang bata?" tanong ni Res. Magkasunod kaming tatlo na naglalakad sa pilapil. Palayan kasi ang madadaanan papuntang ilog. "Hindi ako sigurado, Res pero malakas ang hinala ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napupuntahan ang ilog." "Ikaw ang bahala," sagot ni Res na sinabayan ng pagkibit ng kaniyang balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD