CHAPTER ONE

3265 Words
KASALUKUYAN akong nagsasampay nang mga nilabhan kong damit nang marinig ko ang malakas na pagtawag ng kapatid kong si JM. Nang lingunin ko siya ay nakita kong marami siyang kasama. Ang ilan sa kanila ay nakilala kong kaklase nito. "Oh, sinu-sino ang mga kasama mo?" tanong ko na pinasadahan ng tingin ang ilan sa mga kasama niyang hindi ko pa kilala. "Classmates ko, Ate. Gusto kasi nilang mamasyal dito kaya narito sila ngayon. Mangunguha lang kami ng buko doon kina Aries. Tapos babalik din po kami rito pagkatapos." "Hi, Ate Ayla," bati ni Coleen. Ngumiti ako sa kaniya. "Okay sige, pero huwag ka aakyat ng niyog, ha. Naku, huwag kang mag-ala Spiderman doon mamaya, JM." Natawa naman ang mga kaklase ni JM nang marinig ang sinabi ko. Nahuli ko pang umirap sa akin ang loka. "Sige, Ate. Alis na kami, ah!" paalam niya. "Sige. Mag-iingat kayo!" Kumaway lang ang mga kaklase niya sa akin at tinungo ang daan papunta sa bahay ni Aries. Pagka-alis nina JM at ng mga kaklase niya ay agad kong binalikan ang ginagawa kong pagsasampay. Iilang damit pa lang ang nalalabhan ko pero parang nangangalay na ang likod ko at sumasakit na ang batok ko. Dati hindi naman ganito. Nauubos ko pa ngang labhan ang isang batyang damit. Hinilot ko ang batok ko at dinampot ang isang damit para isampay. Hayss! Ito na lang muna siguro ang tatapusin ko. Mamayang hapon naman 'yong iba tutal wala naman akong gagawin mamaya. "Ayla, pumasok ka nga rito!" narinig kong tawag ni Lola Sat sa akin. "Opo! Tatapusin ko lang po ang pagsasampay!" sagot ko at mabilis na tinapos ang pagsampay. Binalik ko sa poso ang maliit na baldeng ginamit ko at pumasok ng bahay, "bakit, 'La?" "Bantayan mo nga itong sinaing ko at ako ay kukuha lang ng kundol sa likod ng bahay para may gugulayin ko mamaya." "Ako na po ang kukuha, 'La." Kinumpas ni Lola ang kamay para pigilan ako. "Ako na at baka mangati ka pa sa balat n'on. Dyan ka lang at ako ang kukuha. May pangkawit naman tayo riyan, eh. Kaya ko na." "Sigurado po kayo ha?" paniniguro ko. "D'yan ka lang! Kapag nasunog 'yang sinaing ko ipapaubos ko 'yan sa ‘yo lahat!" Natawa ako kay Lola. Hindi na ako nagpilit dahil may pagka-amazona si Lola pero mabait naman siya at mapagmahal. Simula noong sixteenth birthday ko ay kasama na namin siyang nakatira rito sa bahay. Ina siya ng papa ko. Tiningnan ko ang sinaing niya at maya-maya lang ay sinilip ko siya mula sa pintuan habang naghahanap kung may nahulog ba na kundol. Nakita ko siyang kinuha ang pangkawit. Wala sigurong nahulog na bunga. Binabantayan ko si Lola habang kinakawit ang kundol as well as binabantayan ko rin ang sinaing. Ayokong kainin 'yan mamaya ng sunog. Pagtingin ko uli kay Lola ay kausap na niya si Goyong. Bigla akong kinabahan nang makita silang nag-uusap. Gusto ko sanang pakinggan ang pinag-uusapan nila ngunit medyo malayo ako at mahina lang sila mag-usap kaya hindi abot sa akin ang boses nila. Hindi ko inaalis ang tingin kay Lola at sa kausap niya. Maya-maya ay may itinuro si Goyong sa kanya at nakita kong may dinampot si Lola sa lupa. Kundol. Napakunot-noo ako nang makita kong may hawak na kundol si Lola. Akala ko ba walang nahulog na bunga? Nakita kong nagpaalam na si Lolo Goyong kay Lola at tumalikod na rin si Lola para bumalik dito sa loob ng bahay. Mabilis akong umalis sa pintuan at lumapit sa sinaing. Pagpasok ni Lola ay sinalubong ko siya ng ngiti. "Luto na ba ang sinaing?" tanong niya. "Malapit na po." "Sige. Akin na ang kutsilyo at hahatiin ko itong kundol. Malaki kasi, hindi naman natin mauubos itong kainin." Inabot ko kay Lola ang kutsilyo na hinihingi niya at walang kahirap-hirap nitong hinati ang kundol. Itinabi nito ang kalahati at ang kalahati naman ay inumpisahan nitong balatan. Naupo ako sa silya at nangalumbaba sa mesa habang pinapanood si Lola. "Si Goyong ba, eh tuloy pa rin ang kalokohan?" maya-maya ay tanong ni Lola. Nagkibit-balikat lang ako at ipinapatuloy ang pagmamasid sa ginagawa niya. "Hangga't maari ay huwag kang gumala ng gabi lalo na kapag wala kang kasama." "Hindi naman po, eh. Saka, 'La nakita kita kanina habang nangunguha ng kundol." "Ah, akala ko nga walang nahulog eh!" putol niya sa sinasabi ko, "ibang klase talaga ang mata ng Goyong na 'yon. Ang linaw! Daig pa niya ang mga mata mo, ah!" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Lola. Para kasing may ibang ibig sabihin ngunit hindi ko na pinansin. "Kanina kasi wala naman akong nakitang nahulog na bunga. Hindi ko nga alam paanong hindi ko nakita itong itinuro niya." "Okay lang 'yan, 'La. Atleast hindi ka na nahirapan sa panunungkit." Tumango si Lola at tinipon ang mga balat ng kundol at tumayo para ilagay sa basurahan. Pagkatapos ay bumalik ulit para hiwaan ng maliliit ang kundol. "'La, parang may sira ito, oh," sabi ko sabay turo sa nangingitim na parte ng kundol. Hiniwa ni Lola ang part na iyon para makuha ang nasirang parte. "Kailan ulit ang pasukan ninyo, Ayla?" "Pagkatapos po ng dalawang linggo, 'La. Medyo mahaba-haba po ang sembreak ngayon..." Tumango si Lola habang naghihiwa ng kundol. Hinilot ko uli ang batok ko dahil nangangalay. Para akong may dalang mabigat sa likod ko. "'La, higa muna ako r'yan sa sofa, ah! Nangangalay po kasi ang likod ko, eh!" reklamo ko at iniwan si Lola sa kusina. Tinungo ko ang sala. Nahiga ako sa sofa na gawa sa kawayan. Ginalaw-galaw ko ang mga balikat ko in circular motion dahil baka dala lang iyon ng pagod ko sa paglalaba. Pero kaunti lang nilabhan ko ah! Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. "Ahhh!" Bigla akong napabangon. Nanaginip pala ako ng masama ngunit nang alalahanin ko kung tungkol saan iyon ay wala akong matandaan. Masakit ang ulong nilibot ko ang paningin sa paligid. Nagmamadali kong sinuot ang tsinelas nang makitang bukas na ang ilaw ng bahay at madilim na ang paligid sa labas. Tsk! Ang haba ng naitulog ko at wala manlang gumising sa akin! "Lola?" tawag ko ngunit wala akong narinig na sagot. Tinungo ko ang kusina para tingnan kung nandoon si Lola. Nang hindi ko siya makita roon ay tiningnan ko sa itaas ng bahay. Wala rin. Bumalik ako sa sala at naupo uli sa sofa. Napa-inat ako ng katawan. Nasaan na ba ang mga tao rito sa bahay? Nakauwi na kaya si JM? Si Kuya Jom buong araw kong hindi nakita. Napakalagalag talaga ng pinsan kong iyon! Bumalik ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. Nakita ko ang mangkok ng gulay na kaunti pa lamang ang nababawas. Marahil ay si Lola pa lamang ang kumain ng hapunan. Nang sulyapan ko ang relo ay mag-aalas siete y medya na ng gabi. Bumalik ako sa sala ngunit natigalan ako nang mapatapat ako sa salamin. "Waaa!" malakas kong sigaw. Napatakip ako sa aking mukha gamit ang dalawa kong palad dahik sa pagkabigla. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang may tatakbi rito papasok sa loob ng bahay. Sigurado akong abot hanggang sa kabilang bahay ang sigaw ko. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kalabog ng mga balde sa labas na parang bang sinalakay lang ng kung sino. Sabi ko na, eh! "Ayla?" narinig kong tawag ng pamilyar na boses. Hindi ako sumagot. Tinakpan ko ang bibig ko para wala akong magawa na kahit ano’ng ingay. Kapag hindi ako umimik ay siguradong aalis na lang ito at aakalaing walang tao ang bahay. "Ayla?" narinig kong tawag uli niya. Narinig ko ang yapak niya sa sahig ng bahay namin. Siguradong pumasok na siya rito sa loob ng bahay. Nakalimutan kong feeling at home pala ang lalaking ito. "Hoy, Ayla nasaan ka?" Ibinaba ko ang palad kong nakatakip sa bibig ko at napabuntong-hininga. "Nandito ako!" sagot ko nang mahalata ko ang pakairita sa boses niya. Narinig ko siyang napalatak. "Bakit ka na naman sumigaw?" tanong nito sa tantiya ko ay naupo sa sofa. Narinig ko kasi ang paglangitngit ng upuang gawa sa kawayan. I raised my perfect shaped eyebrow. Nanatili akong nakatago sa likuran ng dibisyon na humahati sa sala at hapagkainan. Kapag ba sumisigaw ako nandyan lagi si Zyl? Kapag ba sumisigaw ako may nangyari kaagad na masama? Sigurado akong nakatambay na naman siya sa rest house sa labas kanina at narinig niya ang pagsigaw ko. "Wala! Lumabas ka na ng bahay!" pagtataboy ko kay Zyl. "Bakit ka nga sumigaw? Ano’ng nangyari sa ‘yo?" "Kapag ba sumigaw may nangyari agad? Hindi ba pwedeng nakita ko lang ang hitsura ko sa salamin at naalala kong hindi pa pala ako nakaligo?" Narinig ko siyang natawa nang mahina. Aba't pinagtatawanan pa ako! "Lumabas ka na sa pinagtataguan mo. Kaya pala umaalisangaw ang amoy mo. Yuck!" "Hoy, Zyl! Huwag mo akong ma- yuck-yuck d'yan, ah! Lumabas ka na at lalabas na rin ako para makaligo!" "Bakit, nahihiya kang makita ko hitsura mo? Huwag kang mag-alala. Kahit hindi ka pa maligo ng one hundred years ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko." Napangiwi ako sa pambobola ni Zyl. Ginawa pa ako nitong uto -uto. "Utot mo pula! Basta lumabas ka na!" "Oo na!" sagot niya at narinig ko pa ang papalayong yabag niya at mahinang tawa. Maya-maya lang ay narinig ko ang pag-bomba ng poso at ang tunog ng buhos ng tubig sa balde. Mabilis akong kumuha ng tuwalya at kumuha ng sabon at shampoo bago lumabas ng bahay. Naabutan ko si Zyl na palabas na ng bakuran namin. Napakunot-noo ako habang sinusundan siya ng tingin. Nang dumako sa balde ang paningin ko ay napataas ang isang kilay ko nang makitang puno na ng tubig ang dalawang balde. "Ang sweet naman ng lalaking 'yon. Sana all." Sinampay ko ang tuwalya sa alambre at kinuha ang tabo. Napasinghap ako nang maramdaman ang lamig nang ibuhos ko ang tubig sa katawan ko. May dumadapyong hangin kasi kaya medyo malamig. Nakasuot lang ako ng kamison habang naliligo. Madilim naman kaya hindi naman ako makikita unless may tao sa harap ko. Nakita kong umalis sina Zyl sa resthouse. Aba, kompleto pala silang pito roon at magkasunod pa sila. Saan na naman kaya papunta ang mga iyon? Mabilis kong tinapos ang paliligo dahil malamig na ang ihip ng hangin. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay hinanap ko na ulit si Lola. "Ate Rose!" tawag ko kay ate Rose nang makita ko siyang sumilip sa terrace ng kwarto niya. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng basa kong buhok. "Bakit, Ayla?" sagot niya na dumungaw sa terasa. "Nariyan po ba sa inyo si Lola at si JM?" nakatingalang tanong ko sa kanya. "Oo, narito sila. Pero pauwi na yata si Lola Sat. Nagreklamong masama raw ang pakiramdam." "Ha?" mabilis akong lumabas ng bahay at papunta na sana ako sa kabila nang makasalubong ko si Lola na pauwi na. "Lola, masama raw po ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko. "Medyo sumakit ang tiyan ko. Tulungan mo nga akong makapasok ng bahay at makahiga sa higaan ko, Ayla." Hinawakan ko si Lola sa braso at inalalayang makapasok sa loob ng bahay. "Bakit po sumama ang pakiramdam mo, La?" "Sa kinain ko yatang gulay kanina. Hindi ako natunawan," nanghihinang sagot niya. Tinulungan ko siyang mahiga sa kama niya na malapit sa kusina. Ayaw niya kasi sa taas dahil hindi na niya kayang umakyat ng hagdanan at gusto niyang mas malapit siya sa banyo. "Mabuti nga pong magpahinga na po kayo." Inayos ko ang higaan ni Lola at kinumutan siya. Nakakunot-noo siya habang nakapikit. “Ano po ba ang gamot sa p*******t ng tiyan, Lola? Bibilhan ko po kayo.” Umiling si Lola. “Huwag na, Ayla. Maya-maya’y mawawala rin ito. Kumain ka na ba? Kumain ka na at tapos na si JM. Bumili lang siya ng inihaw na hotdog. Ang bata talagang iyon, hindi marunong kumain ng gulay!” litanya ni Lola kahit na bakas sa mukha nito ang iniindang sakit. Hinawakan ko ang kulubot nang kamay ni lola at naramdaman ko ang panlalamig at pamamawis niyon. Sigurado akong masama talaga ang pakiramdam nito. “Gusto niyo po ng biteng may mainit na tubig? O, di kaya ay uminom ng maligamgam?” nag-aalalang tanong ko kay lola. Iwinasiwas ni lola ang kamay para itaboy ako. Inayos ko na lamang ang unan niya at kumot. "Tawagin n'yo lang po ako kapag may kailangan po kayo. Nariyan lang po ako sa sala." Iniwan ko na si Lola at bumalik sa sala at naupo. Binuksan ko ang TV at itinuloy ang pagsusuklay ng buhok ko. Hindi muna ako kumain dahil tila nawalan ako ng gana. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nanonood. Medyo pumipikit pa naman ang mga mata ko sa antok. Madilim na nang magising ako pero inaantok pa rin ako. Marahil dahil sa kakapanood ko ng TV. Napamulat ako bigla nang marinig ko ang ungol ni Lola. Sinulyapan ko ang orasan sa dingding at nalaman kong alas nueve na pala ng gabi. Dali-dali akong lumapit kay Lola at tiningnan siya. "’La?" "Ohh..." Mabilis akong naupo sa higaan ni Lola nang marinig ko siyang umuungol. Hinawakan ko ang noo ni Lola at basa iyon ng malamig na pawis. "'La, ano’ng nararamdaman n'yo po? Saan po masakit?" Umungol lang uli si Lola. Kinapa ko ang likod niya at basang-basa iyon ng pawis. Pinunasan ko ang pawis niya at kinuha ko ang efficascent niya. Pinahiran ko ang tiyan niya at likod. Ito kasi ang madalas niyang ginagawa kapag nilalamig siya. "'La? Kamusta na po pakiramdam n'yo?" tanong ko pagkatapos kong pahiran ang katawan nya. "Ayla..." tawag niya sa pangalan ko. Biglang bumilis ang paghinga ni Lola kaya nataranta ako. "'La, sandali lang po, ah! Tatawagin ko si Tiya Susan! Sandali lang, 'La!" Nagmadali akong tumakbo palabas ng bahay. "Tiya Susan!" sigaw ko mula sa pintuan. Napadungaw naman si JM mula sa terasa ni Ate Rose. "Ate, bakit?" tanong ni JM. Karga pala niya si Mac. "Umuwi ka na rito! Papuntahin mo na rin si Tiya rito! Si Lola kasi masama ang pakiramdam!" Hindi na ako sinagot ni JM at nawala na siya sa terasa. Maya-maya lang ay nakita kong palabas sila ni Tiya Susan ng bahay. Binalikan ko si Lola sa higaan niya. Mas lalo akong nag-alala nang nanginig ang katawan ni Lola. Bigla akong naiyak sa pangamba. Binalutan ko ng kumot ang katawan niya dahil nanginginig at hindi ko alam kung ano’ng dahilan ng pagkakaganito niya. "'La, ano ba masakit sa inyo? Ano po pakiramdam mo?" naiiyak ko nang tanong. Nakita kong hindi na maipinta ang mukha ni lola sa pag-iinda ng sakit. Ang labi niya namumutla na rin. Wala ring tigil ang pamamawis niya nang malamig. "Ayla, ano’ng nangyari?" Napaangat ako ng mukha nang marinig ko ang boses ni Tiya Susan. Mabilis siyang lumapit sa amin at tiningnan si Lola. "Ayla, magpakulo ka ng tubig na may bawang at luya. Marahil ay pinasok ng hangin ang tiyan ng lola mo." "Wala po kaming luya rito, Tiya," singit ni JM. "Kukuha po ako sa labas!" agad kong sagot. May tanim kasi si Mama na luya sa paso na nasa tabi ng poso. Agad akong lumabas ng bahay ngunit hindi pa naman ako tuluyang nakalapit sa poso ay nanayo na ang balahibo ko sa katawan. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Pilit kong inihakbang ang mga paa ko palapit sa poso ngunit parang ang bigat ng mga paa ko. Parang may kung anong awra ang humihila sa akin! Kahit iba ang pakiramdam ko na hindi ko mawari ay tinungo ko ang poso at kumuha ng luya sa paso. Nang makakuha ako at tumayo ay napatda ako nang mapatingin ako sa bubong ng bahay namin na pinapatungan ng sanga ng mangga. Kahit madilim, alam kung may gumagalaw sa bubong namin. Napalunok ako nang ilang beses. Kitang-kita ko ang bulto niyang nakadapa at itinatago ang sarili sa mayabong na dahon ng mangga. Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko at hindi koh mahanap ang boses ko. "Hmmpp!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may tumakip sa bibig ko at pakiramdam ko ay binuhat ako nang walang anuman papasok sa loob ng bahay. Nang lumapat ang paa ko sa sahig ng bahay ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. "Francis!" bulalas ko nang makitang siya ang may gawa niyon sa akin. "Bakit ka nasa labas?" "Na-Nakita mo..." "Ate!" tawag ni JM na biglang sumilip sa sala. Mabilis kong inilagay sa mesa ang luya at agad iyong kinuha ni JM upang mailagay na niya sa pinakuluang tubig para ipainom kay Lola. Hinarap ko si Francis. "Nakita mo?" matamang tanong ko sa kanya. Tumango si Francis at nanatiling nakatingin sa akin. "Sa tingin mo? Siya kaya 'yon?" Ngumiti siya. "Gusto mong akyatin ko sa bubong at tingnan? Tatanungin ko ang pangalan niya," biro niya. Pinalo ko siya ng palad ko sa balikat. "May gana ka pang biruin ako! Ano’ng gagawin ko? Baka siya ang dahilan kaya nagkakaganyan si Lola!" "Mayroon ba kayong bagakay rito?" tanong ni Francis na ang tinutukoy ay maliit na uri ng kawayan at pinatulis ang dulo. "Ano’ng gagawin mo sa bagakay?" takang tanong ko. "Maglilitson ako. Kunin mo at ibigay mo sa akin," anito. Gustong-gusto kong dagukan 'tong si Francis dahil sa kabila ng kaba at takot ko ay may gana pang ngumiti. He's very calm kahit sa ganitong sitwasyon and that is what I like about him. "Sige. D'yan ka lang," sabi ko at binalikan sina Tiya Susan. Kinuha ko ang matulis na kawayan na nakasandal sa gilid ng pinto ng kusina. "Tiya, ano’ng nangyayari kay Lola?" Napabuntong-hininga si Tiya. "Sa tingin ko ay may kinain siyang hindi niya dapat kinain." Aacccckkk! Nabitawan ko ang hawak na bagakay at nilapitan si Lola na biglang napabangon. Parang gusto niyang masuka ngunit wala namang lumalabas sa bibig niya. "Ayla, ano’ng nangyayari?" tanong ni Francis na nakasilip mula sa sala. Inabot ko sa kanya ang nabitawan kong bagakay at hinarap uli si Lola na basa na ang damit sa pawis. "Francis!" tawag ni Tiya Susan. Sumilip uli si Francis sa amin. "Kunin mo ang gamot ko na nasa bahay. Sabihin mo kay Rose 'yong nakalagay sa bote na may alak! Madali ka!" utos ni Tiya Susan na ang tinutukoy nito ay ang gamot nitong binubuo ng pitong uri ng ugat ng halaman. Mabilis na nawala si Francis at lumabas ng bahay dala ang bagakay. Pagbalik niya ay may bitbit siyang isang maliit na bote na kakailanganin ni Tiya Susan. PAGKATAPOS kong iabot kay Tiya Susan ang gamot ay lumabas ako agad ng bahay dala ang bagakay. Dito sa aming probinsya, ang bagakay ay isa sa mga kinatatakutan ng aswang. Punaniniwalaan kasi na kapag nasugatan ng bagakay ang isang aswang ay hindi na maghihilom ang sugat nito. Tiningala ko ang bubong nina Ayla na katapat ng kusina at natatakpan ng sanga ng mangga. Nakikita kong may gumagalaw kasabay ng mga dahon. Kahit mayabong ang mga dahon ay nakikita ko ang hugis niya sa itaas. Sumipol ako nang malakas kaya sigurado akong nabaling ang pansin niya sa akin. Iniumang ko ang matulis na dulo ng bagakay sa direksyon nito at akmang ihahagis nang makita kong mabilis iyong tumalon sa kabilang dako ng bahay. Agad ko siyang sinundan pero hindi ko na siya naabutan. "Damn it!" Hindi ko na nakita kong saan iyon pumunta. Nasisiguro kong nakatakas na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD