Esperanza Pov:
Nagtext ang anak ko kani-kanina lang na uuwe na siya,galing ito sa kapatid niya sa kabilang baryo dahil birthday ng half brother niya na si Ares.May paparty kase eto kagabe at dun siya nagovernight. Dapat nga ay di namin ito papayagan ngunit nagpumilit sa amin na payagan siya kaya pinayagan namin dahil nangako naman di masyadong iinom at hindi sasama kung kani-kanino at tsaka pa nagiisa naming anak iyon kaya spoiled na spoiled.
Binuksan ko ang tv para manonood habang iniintay siya.Bumungad ang isang balita,hindi ko alam pero kinakabahan ako hanggang sa....
Isang babae nagtagpuan sa isang kotse na bumanga sa puno dito sa Lumban,Laguna.Base sa CCTV ay mabilis ang pagpapatakbo ng kotse na para bang hinahabol ito, sakay nito ang babae na hindi pa nakukumpirma kung sino.
Ang plate number po ay 0234-1670259,kung may nakilala po sa may ari ng kotse agad na tumawag sa hotline - 9108 namen.-Balita ng Reporter.
Nanghina ako ng makita ko ang bracelet ng babae at marinig plate number ng kotse.
Lou-is-s...Ang anak natin-Umiiyak na napaluhod ang ginang.
Dali daling pumunta sila sa pinangyarehan.Naabutan nila ang anak nila na buhat buhat non para isakay sa ambulansiya,agad nilang sinabi na sila ang magulang nito at sumakay na den sa ambulansiya kasama ang anak nilang walang malay.
Pareho silang umiiyak,hindi nila ito inaasahan.Hindi nila inaasahan na sa kauna unahang nitong pagkawalay sa kanila ay magiging masakit pangyayare.
Nakarating na sa ospital at agad na dinala sa emergency room.Pinagintay sila sa labas dahil lilinisin ang mga sugat na natamo nito lalo na sa noo at pagtetest sa kalagayan niya.
Paglabas ng doktor ay agad nilang tinanong ang kondisyon nito.
Doc,kamusta po ang anak ko?okay lang po ba siya?-tanong ng magasawa.
Sorry to say po,pero hindi po okay ang anak niyo dahil marami pong nawalang dugo sa kaniya kaya kailangan niyang masalinan ng dugo as soon as possible at base sa test na ginawa namin malakas ang pagkakabagok ng ulo ng anak niyo kaya baka maging dahilan nito ang pagkakaroon niya ng amnesia.-Sabi ng Doktor.
Pero pwede naman pong hindi siya magkakaroon ng amnesia diba?tsaka ngayon na po kuhanan niyo na ko ng dugo para gumaling agad siya.-Sabi ng Ginoo.
Mas taas ang possibilidad na magkaroon siya ng amnesia,mauna na po ako sa inyo.-Sabi ni doktor.
Papasok na sana sila sa room ng dumating si ares.Sinugod ito ni Louis ang ama nila.Galit ito.
Ang kapal ng mukha mo para pumunta dito! Bat mo pinabayaan ang kapatid mo ares?! Nagtiwala kami sayo! Bat hinayaan mo siyang umuwe mag-isa?!-Galit na ani ni Louis.
Dad k-kase ano sabi ni big girl na siya na kaya na niya umuwe mag-isa tapos may pupunta pa ako sa—.Ani ni ares.
Pinutol ito ng kaniyang ama.
Mas inuna mo pa yang pupuntahan mo kesa sa kapatid mo ha?! Wala kang kwentang kuya!-Galit pa rin na sabi ni Louis.
Dad-ddy-y kase ano—.
Pinutol ulit ito ni Louis.
I don't need your explanation ares! Sabi na nga ba ipapahamak mo lang siya! Ayoko munang makita ka,umalis ka na!-Ani ng ama.
Pumasok na ito sa loob ng room.At naiwan si Esperanza para kausapin si ares.
Ares,Umuwi ka na muna sa ibang araw mo na lang dalawin ang kapatid mo palamigin na muna natin ulo ng papa mo.-Mahinahong Sabi ni Esperanza.
Tumango at umalis na si ares.Pumasok na rin si esperanza sa room.
*Fast forward*
Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin gising ang anak nila
Anak...gising na nandito kami ng daddy mo oh iniintay ka namin magising,pagaling ka anak ko.-Sabi ng ginang sa anak niya habang hawak ang kamay nito.
Kahapon itinest ulit siya dahil di pa ito nagigising hanggang sa sinabi ng doctor sa kanila kanina na kaya di pa ito nagigising ay may namuong dugo sa utak nito.
Anak ko!bat ang anak ko pa?!-Ani ng ginang.
Iyak lang sila ng iyak.
Thank you for reading,Stay safe!