Alas 8 na at andito parin ako sa hallway pa chill chill na naglalakad kahit 7:45 to be exact ‘yung klase ko.
“You're late again, Miss Dela Cruz.” bungad agad ni Sir pagpasok ko palang.
“Morning sir,” tipid lang na bati ko at agad namang umupo sa upuan ko.
“Hala ka Angela, alam mo bang kanina ka pa niyang hinahanap ni sir, dapat isasauli ngayon ‘yung test paper na pina checkan sayo para may pagre reviewan tayo,” pabulong na sabi niya.
“Ah ganun ba, bukas nalang naiwan ko eh.” yumuko naman ako at hinigaan ang braso saka pumikit. 'nakakatamad makinig sa discussion, inaantok ako'
“That’s all for today and just don't forget to review, class dismiss.”
“Angela.. Angelaa.. Angelaaa uy gising na” nagising nalang ako nung may naramdaman kong may yumuyogyog sakin.
“bakit?” tanong ko habang naghihikab.
“dismissal na kaya, tara na baka ma-late tayo sa next period.” agad ko namang kinuha ‘yung gamit ko at sasama na sana kay Mary ngunit bigla akong napahinto nung may nagsalita.
“Miss Rodriguez, mauna kana sa next period mo, Ange—Miss Dela Cruz, magpaiwan ka kakausapin lang kita about sa lagay mo kung bakit ka laging late at tulog sa klase ko.” pagkasabi ‘non ni Sir ay agad naman nagpaalam si Mary na mauuna nalang.
Agad naman akong umupo sa harap ng table niya.
“So bakit late ka na naman?” seryosong tanong niya.
“anong oras na kasi ako nagising,” walang ganang sagot ko.
“at bakit ka late nagising? Tapos natulog ka pa talaga sa klase ko akala mo siguro bibigyan kita ng special—” hindi pa siya tapos magsalita ay agad din akong nagsalita.
“Wow ha kung hindi mo ba naman ako pinuyat kagabi, pilitin ba naman ako 'baby usap tayo til 12 just wait for me tatapusin ko lang ayusin yung class record ko' nyenye tapos ngayon tatanungin mo ako kung bakit ako nalate at inaantok pa?!” may bahid na inis na sa boses ko.
“masyadong galit baby I'm just joking. I'm sorry okay, hayaan mo babawi ako sayo” agad na hawak niya sa bewang ko.
“hmp, ewan ko sayo tapos irarason mo pa na hawak ko yung testpaper at pina checkan mo sakin? Palusot mo talaga noh para mahanap lang ako” napakamot agad ito ng batok.
“Sorry, namiss lang talaga kita at wala na akong maisip na rason baka magtaka sila pag hinanap kita ng walang dahilan”
“Malamang, baka maghinala pa sila noh at patay talaga tayong dalawa pag nalaman nila na Boyfriend ko yung teacher namin.”
//work of fiction//
—KaizerConstello