bc

STORIES OF KAIZER CONSTELLO

book_age4+
2
FOLLOW
1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

This is composed of all my one shot and collaboration stories. I just want to share and express my thoughts through writing.

chap-preview
Free preview
I LOVE YOU—AS A FRIEND
“I love you—as a friend” —Kaizer Constello A story inspired by Kian Jace Constello and Alianna Ruscitti Ang aga ko nagising ngayon ah at isa iyong himala. Pinikit ko ulit mata ko at pinilit kong matulog, ngunit kahit anong pilit ko hindi talaga. Nagdesisyon nalang ako ma ayos at magkape nalang muna habang inaantay yung oras ng work ko. 8:30am, makapag kape na nga lang muna. Pumasok ako sa Starbucks at pumwesto sa dulo, himala ‘ata madaming tao na ganitong oras? Weird naman hindi naman ganito nangyayari kapag napaaga ako dito ah, anong meron ba? Hmmm Pinatong ko muna libro ko at salamin saka nag order at bumalik sa pwesto ko at naghintay lang. Habang naaliw na ako sa binabasa ko may biglang nagsalita. “Uhm. Mr? Pwede ho bang maki-upo? Puno na kasi yung ibang table eh if ayos lang naman, may sinusulat kasi ako na kailangan na talagang tapusin.” Napatigil ako at hinarap yung nagsasalita. Pamilyar ang boses niya... Saan ko nga ulit narinig ‘yon? “Uhm Mr? Baka matunaw ho ako, pwede po bang maki upo?” Pagpapacute na tanong nito. “Ah yes yes sige lang.” Binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti saka hinanda yung laptop niya. “Coffee for Kian Constello” Tawag nung nasa counter. Agad naman akong napatayo at kinuha iyon saka bumalik sa pwesto ko pagkalapag ko ng kape ko at umupo ulit nagulat ako bakit titig siya ng titig. “Bakit? May dumi ba sa mukha ko?” Hindi ito sumasagot. Titig parin ito ng titig kaya tinignan ko rin siya na para bang binabasa kung ano yung iniisip niya at inaalala ko kung kilala ko ba ang weird na babae na ‘to. “Miss Alianna Ruscitti heto na po order niyo kanina pa po kasi kayo tinatawag hindi niyo po ‘ata napansin, masyado po kayong busy sa kadate niyo hehe” Nilapag lang ng waiter order niya saka umalis ito. “Constello...” “Alianna..” Halos hindi ako makapaniwala after 10 years makikita ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Totoo ba ‘to? O panaginip lang? Ano ba purpose nito? “Uhm unexpected meet up ah hehe,” awkward na sabi niya. “Uhm y-yeah.” bigla akong kinabahan, takte yung kamay ko pinagpapawisan na. “So, Constello, kamusta naman? Bagay sa‘yo yung suit mo ah hindi na ako magtaka kung professional ka na.” Nawawalan ako ng words sa utak ko, bakit ganito. “Ah yeah, how ‘bout you?” Nakangiti kong tanong para hindi mahalata na kabado ako. “Okay naman, heto tinatapo nanaman yung another novel ko na ipa-publish.” I'm happy for her kasi pinagpatuloy niya parin yung pagsusulat niya. “Ah, hindi ka na nag-rrp?” Biglang tanong ko. “Nope, busy na ako masyado hehe, eh yung mga ibang Constello, kamusta?” “Ayon successful narin ang mga mokong nakakatuwa naman kasi mga achievement nila shineshare nila sa‘kin at sinasabi isa raw ako sa mga inspirasyon nila.” Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan tungkol sa RPW grabe hindi ko inakalang gurang na talaga kami, nakakatuwa lang at nakakamiss mga panahong madaming masasayang alala sa mundong iyon. “Constello, what if nag work tayo?” Nagulat ako sa tanong niya, ang layo na sa topic e, rant pinag uusapan namin tapos biglang ganito. “Edi may sweldo tayo,” biro ko. “Loko ka talaga, hanggang ngayon loko loko parin.” Napailing naman ito saka tinitigan ako ng maigi sa mata. “Seryoso kasi Kian, what if nahulog ka sa‘kin? Do you think tayo pa kaya hanggang ngayon? Do you think masaya sana tayong nag d-date? Masaya nating tinutupad mga pangarap natin na magkasama?” “I don't know,” tipid kong sagot. Hindi ko rin naman kasi alam, oo umabot sa point na narealized kong mahal ko siya pero huli na ‘ata ako I waited for so long pero wala umalis siya sa Rpw naki tanong ako sa RA niya, ni isa walang may nagsabi sa’kin kaya grabe rin yung tuwa at gulat ko na magkita kami dito. “What if lumaban pa ako, tiniis ko pa, baka sakaling mahulog ka pa sa‘kin ano?” “Alianna, you deserve someone better” “What if ayaw ko sa kung sinong better, what if sabihin ko sa‘yo ikaw parin ang pipiliin ko kahit madaming better?” Ilang taon na ang nakalipas pero bakit gano‘n kahit papano may sakit parin. “Alianna hindi ko alam, sa totoo lang nung nawala ka narealized ko ang lahat pero nahuli na rin ako eh, ginawa ko lahat para mahanap ka pero wala, pinagkakaitan ‘ata tayo ng tadhana.” Masaya ako dahil nakita ko si Alianna pero masaya narin ako sa kung anong meron ako ngayon. May girlfriend na ako and going 3 years na kami and I'm really happy and contented sa kanya. “Alam ko Kian, may sinabi sa‘kin ang isang Constello tungkol sa nararamdaman mo sa‘kin pero nasaktan ako at inisip na saka mo lang ba mapagtatanto kung saan wala na ako? Kaya what if kung bumalik ako at nag work nga tayo?” “Baka hanggang ngayon tayo parin at masaya at hindi sana ako nagka girlfriend ng iba.” Tumango lang ito at napangiti. “I‘m happy for you...” Inayos na nito ang mga gamit niya. “Constello, I gotta go na, marami pa akong gagawin eh but im very happy to see you, sorry sa mga what ifs ko hehe maybe natutuwa lang kasi ako ng sobra dahil nakita kita dito at hindi pa inaasahan. Mag iingat ka always.” Ngumiti ito sa‘kin at binigyan ko rin siya ng matamis na ngiti. Akmang aalis na sana siya kaso may inabot siya. “Invited ka pala sa wedding ko, hoping to see you there. Take care of yourself sana alagaan ka ng girlfriend mo, ako sana diyan, e. Char pero maybe hindi talaga tayo ang para sa isa‘t-isa, hayaan mo malay mo sa next life tayo talaga, alagaan ka sana niya ng maayos always remember that I LOVE YOU—As a friend” Hinalikan ako nito sa noo at nakangting umalis, kumaway ito sa huling pagkakataon saka ko lang napansin ang singsing niya. Hindi ko alam anong mararamdaman ko, dapat maging masaya ako para sa kanya, para sa aming dalawa kasi nahanap na namin ang para sa amin pero bakit ganito yung nararamdaman ko. What if sinabi ko nalang sa kanya yung salitang “I love you more than just a friend” baka ngayon sa‘kin pa siya ikakasal. //Erros Ahead// //Work of Fiction//

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook