CATHALEA VALKYRE Isang linggo na siyang nasa mansion nila at nagkukulong sa kwarto. Katulad ng sinabi niya, bibigyan niya ng oras si Levi upang pag-isipan nitong mabuti kung nais talaga nitong makasama siya at ibunyag sa lahat ang kanilang tunay na relasyon. Isa pa, kailangan nitong pag-isipang mabuti dahil hindi biro ang matali sa kanya, iba kaysa sa dati na pasikreto lamang. She is an assassin.She have missions, hindi niya alam kung hanggang kelan siya suswertihin sa mga mission niya. She might be very clever but she can't never be sure . Ang isa pang bagay na inaalala niya ay ang kaligtasan ni Levi. She sacrificed everything. Nakipagsabwatan siya kay General Ruiz dati para lamang sa kaligtasan ng binata. Gusto niyang makita itong malaya na walang mga nagbabantay rito. " Cath, anak!"

