Madilim ang paligid, wala siyang maaninag na kahit kaunting liwanag. Naramdaman niya ang pagkalag ng tali sa kanyang mga kamay at paa sabay ng pagtulak at sabay silang nabuwal sa sahig ng kung sinoman ang tumulak sa kanya. Nararinig siya ng mga putok at pagkatapos no'n ay ang pagbukas muli ng ilaw sa loob ng kwartong 'yon. Nasa tabi niya si Cathalea na nakayakap sa kanya. Pansin niyang pareho silang wala nang tali sa kamay at paa. Si Trixie ay nanginginig at napapaiyak na sa oras na iyon dahil nasa likuran nito si Tiger Geller at nakatutok ang baril nito sa ulo ng babae. Habang sa likod naman ni General Ruiz ay nandoon si France. Nakatutok ang baril nito sa likod ng General. " Paano nangyari ito? B-Bakit d-dalawa kau?" takang taka si General habang tinitingnan si Cathalea na nasa

