Masukal na kagubatan ang dinaanan nila bago napadpad sa dalawang palapag ng isang abandonandong building. Ibinaba siya ng mga hindi kilalang tao at dinala sa isang madilim na kwarto sa ikalawang palapag.Itinali ang kanyang mga kamay at paa habang nakaupo siya sa isang metal na upuan.Wala siyang maaninag dahil sa kadiliman. Hindi nagtagal ay bumukas ang ilaw at ang pinto .Bigla siyang nilumok ng kaba nang makita kung sino ang babaeng kinakaladkad ng mga nakaunipormeng mga lalake, walang iba kundi ang asawa niyang si Cathalea. Sinubukan niyang pumiglas mula sa kanyang upuan ngunit nahihirapan siyang gumalaw dahil sa pagkakatali niya. Natatakot siya para kay Cath ngunit walang emosyon ang mukha nito. Hindi niya mabatid kung natatakot o kinakabahan ang babae . " Cath!" sigaw niya nang magta

