LEVI NATHANIEL Tiningnan niya ang oras sa relo niya. Limang minuto nang late si Cathalea.Isang linggo na rin ang lumipas , nagpakalat na rin sina France ng mga pulis upang sa paghahanap sa babae ngunit bigo ang mga ito .Katulad nga ng sabi ni General Ruiz ay tuso talaga ang babae at napakahirap hulihin. Its a secret man hunt operation.Nanatiling news black-out ang pagtutugis kay Cathalea. Tanging siya at ang mga awtoridad lamang ang may alam.Kinausap niya ang nasa itaas na itago ang tungkol sa suspek sa pagpatay sa kanyang ama.Kahit na ang mga media ay walang ideya sa nangyayari. Galit siya at kinamumuhian ang babae pero ayaw niyang ilantad sa publiko ang katauhan nito.Hinding hindi niya magagawa iyon. Hindi nga siya makapaniwala na ito mismo ang tatawag sa kanya at sinabing gusto siya

