" Miss, Johnson! May bisita ka!" tawag sa kanya ng isang guwardiya. May nakasunod ritong dalawang pulis na pumasok sa selda niya at pinosasan siya. Tumayo siya at sumunod sa mga ito patungo sa isang kwarto kung sa'n tumatanggap ng bisita.Isang minuto na siyang nakaupo sa loob pero hindi dumadating ang bisitang sinasabi nito.Naiinip na siya dahil pinaghihintay pa siya. " Nandito na ang mga bisita mo ,Miss Valkyre." bungad ng babaeng warden. " Mga bisita? Wow, feeling ko tuloy artistahin na'ko."sumandal siya sa monoblock chair at naka-dekwatro pa nang humarap sa tatlong taong pumasok sa kwartong iyon. Si Levi, Trixie at may isang matangkad na lalake ang na may dalang attache case ang pumasok sa loob ng kwarto. Tahimik lamang si Levi nang pumasok sa loob.Si Trixie naman ay kita ang ngiti

