APRIL 17,2023 ( 9:20 AM ) @ Makati City,General Hospital
Kaagad na nakipag ugnayan sina detective Allen at Freda sa pamunuan ng naturang Ospital kung saan ay naghihintay narin doon ang ilang kawani ng ospital na maaari nilang kausapin ayon narin sa recommendation ng pinaka mataas na opisyal ng pagamutan.Maayos naman silang hinarap ng mga pamunuan at nakahandang magbigay ng pahayag ukol sa mga naunang pangyayari sa biglaang pagkamatay Mr. Olivarez.Naroon din ng mga sandaling iyon ang kanyang may bahay na si Mrs.Amanda Olivarez.
" nakikiramay po kami sa inyo Mrs. Olivarez " paunang pahayag ng dalawang detective.Ngunit tila walang narinig ang ginang at bakas sa mukha nito ang hindi maikakailang kalungkutan.
" Sa atas po ng aming senior detective na si Detective Leumas Nugas ay gusto po naming alamin kung ano po ang naging sanhi ng biglaang pagkamatay ni Mr.Olivarez dahil ayon sa aming head detective ay very stable pa naman daw ang lagay ng pasyente ng siya ay huling nagpunta dito pero nagtataka siya kung bakit bigla na lamang may nangyaring masama sa kanya." pagpapatuloy na tanong ni detective Allen Mendoza.Nakahanda naman si detective Freda na isulat ang mga mahahalagang detalye na makukuha ng mga ito sa bawat kawani ng Ospital na naroon.Minabuti naman ng isang doktor na siyang sumuri sa katawan ni Mr.Olivarez na magbigay ng kanyang opinyon batay sa kanyang initial na pagsusuri sa bangkay ng pasyente.
" Base on my initial examination of the patients body i suspect that the patient got some overdose of a drugs called ketamine.An Anesthesia Drug used in Surgery for Temporary loss of consciousness and it is very lethal when taking erroneously " may kahabaang paliwanag ni Doctor Matias at saka iniabot kay Allen ang isang kopya para sa detalye ng ketamine kung saan ito ginagamit,kung ilan ang dosage na kailangan at maging ng magiging side effects nito.
" Maitanong lang po namin doc sino po ang in-charge sa pasyente ng time na mangyari ang pagkamatay ni Mr. Olivarez at kinakailangan bang bigyan siya ng ganyang uri ng drugs while he is already under temporary coma " medyo nalilitong tanong muli ni Allen.
" of course no one will do that even the nurse that randomly assist the patient has nothing to do with that.They just visit the patient to check his pulse and heartbeat if it is stable at lumalabas naman sa findings ng mga nurses namin dito na okay naman ang lagay ng pasyente until all of a sudden Mrs. Olivarez was rushing into panic that his husband was in convulsive state.Sinubukan din namin siyang i-revived pero wala na talaga hindi na namin siya na isalba pa." may kahabaang kuwento ng doktor.Nadako naman ang paningin ng lahat sa walang imik na si Mrs.Amanda Olivarez.Tingin ng dalawang detective ay tila malalim ang kanyang iniisip at wala ang kanyang atensyon sa kanilang pinag-uusapan.
" Mrs. Olivarez...Mrs. Olivarez are with us? " usisa ng isa pang doktor na isa rin sa naka assign ng araw na iyon.Tinapik niya si Mrs. Olivarez at saka pa lamang ito tila natauhan sa matagal na pagkakatulog.
" Mrs. Olivarez are you sure you're okay?" doon pa lamang nakapagsalita ang ginang.
" oh I'm sorry kung madalas akong tila wala sa sarili marami kasi akong iniisip " paliwanag nito.
" no need to say sorry madam...we understand the situation. Pero sa pagkakataong ito ay kailangan namin ang inyong full cooperation " magalang na sabi ni Allen. Pagkasabi pagkasabi ni Allen ang mga pananalitang iyon ay bigla na lamang nahilo si Mrs.Olivarez at kitang kitang sa mukha nito ang pamumutla kaalinsabay ng panghihina ng kanyang katawan at bigla na lamang siyang napaupo.Kaagad siyang dinaluhan ng mga medical staff na naroon at saka siya sinuri ni Doctor Matias.Pagkatapos niya siyang masuri ay ipinag utos nito na dalhin siya kaagad sa emergency room para mabigyan ng agarang oxygen support para sa ikakaginhawa ng kanyang paghinga.
" well I'm so sorry for the interruptions detective but I think Mrs. Olivarez was under so much stress and she also needs a medical attention and a sufficient rest right now." paliwanag ni Doctor Matias. Agad namang sumang ayon ang kasama ni Mrs. Amanda Olivarez na napag alaman na kapatid pala niya. Pumayag din ito na i-confine ang kanyang kapatid kung kinakailangan. Pansamantalang naantala ang ginagawang imbestigasyon nina Allen ng mga ilang minuto bago ito muling ipinagpatuloy.
" so lumalabas sa inyong initial examination doctor Matias na ang ikinamatay ng pasyente ay hindi natural death kundi sa halip ay sinadya itong gawin sa kanya? " pagbibigay linaw ni Allen.
" it seems likely detective " kumpirmasyon ni Doctor Matias ngunit sinabi rin nito na wala sa sinumang staff na nasa ospital na inutusan sila na bigyan siya ng ganoong uri ng droga na hindi naman kailangan ng kanilang pasyente.
" Maaari ba naming makausap isa isa ang mga medical staffs at mga nurses na naka assign isang oras before and after na bawian ng buhay si Mr. Olivarez doctor Matias? " wala namang pag-aalinlangan na sumang ayon ang doktor at ipinatawag ang lahat ng mga naka-duty ng mangyari ang insidente.Lahat ng kanilang tinawag ay kaagad na kinunan ng mga pahayag at halos lahat ay nagkakaisa sa kanilang statement na wala silang kinalaman sa paggamit ng ketamine drugs at hindi daw diumano ipinag utos ng doktor na turukan siya ng ganoong uri ng gamot.Nasabi rin ng mga medical staffs na consistent ang pulso ng pasyente at nasa normal din ang blood temperature nito at stable naman ang t***k ng kanyang puso.Matapos ang ilang minutong pagtatanong sa mga nurses na naka-duty ng mga oras na iyon ay sumunod na ipinakiusap ng dalawang detective na panoorin ang cctv footages na kuha sa silid ng pasyente.
Doon narin mismo sa Private Facility Room na iyon ipinapanood sa kanila ang video footages kasama ng mga pamunuan ng Ospital.Sa cctv footages ay kitang kita ang mga taong pumapasok at lumalabas sa silid ni Mr. Olivarez.Ang isa sa nakatawag ng pansin kina Allen at Freda ay ang tagpo kung saan ay may pumasok doon na isang babae na may kasamang isang batang lalaki na sa estimate ni Allen ay nasa 4 to 5 years old.May hawak itong tila tablet o malaking cellular phone. Saglit na ipina paused ni Allen sa operator ang eksenang iyon,nakaupo ang babae sa tabi ni Mr. Olivarez habang ito'y nakatunghay sa wala paring malay na pasyente samantalang ang batang lalaki ay nakasalampak sa may sahig habang nilalaro ang kanyang hawak na cellphone. Hindi maiwasan ni Detective Allen na magtanong sa mga naroon.
" Sino itong babae na nakaupo sa tabi ni Mr. Olivarez na may kasamang bata? " si doctor Matias na ang sumagot sa tanong na iyon ni Allen.
" As far as i am concern ay naitanong ko narin ito dati kay Mrs. Olivarez at sinabi saken ng ginang na ang babaeng iyan na nasa video ay kabit ng kanyang asawa at halos every other day ay pumupunta ang babaeng iyan para dalawin si Mr. Olivarez at ang batang kasama niya ay anak diumano nila ni Mr. Olivarez ayon narin sa pahayag mismo ni Mrs. Amanda Olivarez ang tunay na asawa ng pasyente. Ito narin marahil ang isa sa dahilan kung bakit lubhang na stress ang may bahay ng pasyente at ngayon ay nakakaramdam na ng nervous breakdown dahil sa sunod sunod na mga pangyayari na hindi niya inaasahan." mahabang paliwanag ni Doctor Matias.
Sa muli nilang pag-tunghay sa video ay Naka agaw muli ng pansin kina Allen at Freda ang isang eksena na lumapit ang isang nurse at bahagya pa siyang nakatalikod sa cctv upang hindi makunan ang kanyang ginagawa.Ipina pause muli ni Allen ang part na iyon ng video.
" what do you think is she doing doctor Matias? " doctor Matias shrugged his shoulders at maging siya man ay kakikitaan din ng pagka surprised sa kanyang napanood.Napatingin pa si Doctor Matias sa mga Nurses na tahimik lamang na nakaupo at kasalukuyan ding nanonood ng video footages at matamang pinakikinggan ang reactions ni Detective Allen.
" sir paki zoom mo nga sa bahagi ng likuran ng nurse at pagkatapos ay i-focus mo sa parte ng kanyang nape or batok." agad namang tumalima ang operator at pagkatapos ay tumambad sa kanilang paningin ang isang tattoo sa batok ng nurse na lumapit sa walang malay na pasyente patalikod sa cctv camera.
" mayroon ba sa inyo dito na may ganyang tattoo sa batok na isang red roses " napailing naman ang mga nurse sa tanong na iyon ng detective.
" so lumalabas na may iba pang nurse na pumasok sa silid ng pasyente habang walang tao na nakabantay kay Mr. Olivarez " pahayag ni Allen at saka humiling na kung maaari ay magkaroon sila ng emergency check up sa lahat ng mga empleyado ng Ospital Nurse man o hindi ang katungkulan at alamin kung sino sa mga ito ang may gayong tattoo sa kanyang batok.Hindi naman tumanggi ang pamunuan sa kagustuhan din ng mga ito na malinis ang kanilang hanay at mawala ang mga agam agam ng mga concerned individual na wala silang pinagtatakpan sa loob ng Ospital.