Chapter 26 " THE APPOINTMENT "

1174 Words
APRIL 18,2023 ( 8:05 AM ) SJS CDG BUILDING. Magkasamang dumating sina Detective Allen at Detective Freda sa Opisina ni Detective Leumas Nugas at gaya ng dati ay nadatnan nila ang kanilang head at si Ms. Lala Morales na kasalukuyang nagkakape. Dumiretso naman ang dalawa sa coffee counter para makapag kape muna bago sila lumakad patungo sa Ospital para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa nangyaring biglaang pagkamatay ni Mr. Dave Olivarez.Labis na nanghihinayang si detective Nugas kung bakit tila napabayaan yata ang kaisa isa at tanging witness sana sa nangyaring pagsabog sa opisina ni Mr. James Perez. " Hi lala kumusta naman ang tulog mo kagabi? " makahulugang tanong ni Allen.Lihim namang napapangiti si Freda sa line of questions na iyon ni Allen. " wow Allen ano bang klaseng tanong yan? iniisip niyo ba talaga na may gusto ako sa Sam na iyon? " seryosong sabi ni Lala,nakatingin lamang sa kanila si detective Nugas at hinihintay na muling magbigay ng report sa kanya ang tatlong babae. Unang nagbigay ng pahayag si Freda. " sir medyo 50-50 ang naging resulta ng aming ginawang pagsisiyasat kay Mr. Sam Samonte at kung sakaling totoo yung sinabi niya na mayroon siyang kakambal na matagal na niyang hinahanap ay mas lalong naging kumplikado ang sitwastiyon,pero kung nagsisinungaling naman siya ay kailangan parin namin siyang patuloy na subaybayan." Nagsimula silang magbigay ng ulat sa kanilang naging pagkilos sa halos maghapon nilang pagsubaybay kay Sam Samonte at hindi maiwasan ng mga ito na pagusapan ang naging pagkilos ni Lala na obvious na defensive sa mga pahaging ni Allen. " Wala naman akong nakikitang masama sakaling may mabuong love team sa inyong dalawa ni Sam Lalo na pag napatunayan natin na hindi nga siya ang Sam na hinahanap natin kundi ang kambal niya. " sinang ayunan naman ni Freda ang kumento na iyon ng kanyang partner.Pero Todo deny parin si Lala at sinabi nitong pure job lang ang naging reactions niya at wala ng iba.Matapos nilang ipaalam kay detective Nugas ang naging resulta ng kanilang lakad ay muli siyang nagbigay ng pahayag. " Gaya ng nasabi ko sa inyo kahapon ay nais kong puntahan niyo ang Ospital kung saan namatay si Mr. Olivarez, alamin niyo ang bawat detalye ng kanyang pagkamatay may palagay ako na mayroong ibang nangyari aside sa mga initial report ng mga doctors at nurses ng naturang ospital. " nagbigay naman ng kumento ang dalawa kung bakit hindi nabigyan ng proteksyon ang Kaisa isang witness sa nangyaring pagsabog sa opisina ni Mr. James Perez. " actually ay naitanong ko na rin ito kay Chief inspector De Vera pero ang sagot niya sa akin ay simple lang, wala daw nakapagbigay ng panukala na gawin iyon at aminado rin siya na isa iyon sa naging pagkukulang ng kanilang departamento." napailing si Allen at pagkatapos ay muli itong nagtanong. " sir ano sa tingin niyo ang nangyari kay Mr. Olivarez? " " well,malakas ang kutob ko na may nangyaring foul play sa pagkamatay ni Mr. Olivarez, napaka obvious ang naging dahilan ng agarang niyang pagkamatay. kahapon ay naoobserbahan ko na very stable pa ang kanyang paghinga at kung sakaling totoo ang sapantaha ko ay hindi malayong isa sa kanyang kasamahan sa The Grove ang may kagagawan nito." paglilinaw ng kanilang head. Batid nilang bibihira na magbitaw ng ganoong salita ang kanilang head kung hindi ito nakasisigurado sa kanyang sinasabi. " may kinalaman kaya ito sa embezzlement na nangyayari sa The Grove sir? " curious na tanong naman ni Freda. " most probably Freda and speaking of The Grove ay tumawag sa akin kanina ang secretary ni Mr. Eathan Hawk at sinabi niya sa akin na invited tayong apat sa kaniyang ika-65th kaarawan sa April 20. Kaya ipinapayo ko na kung mayroon kayong mga importanteng lakad ng nabanggit kong petsa ay mangyaring ire schedule niyo muna ito sa ibang araw. Gusto kong dumalo tayong apat doon sa The Grove para obserbahan ang bawat empleyado na dadalo sa araw na iyon. " ipinaliwanag din ng kanilang head ang naging paguusap nila ni Mr. Eathan Hawk Lalo na ang mga pahayag nito na mayroon din siyang natanggap na animoy banta sa kanyang buhay na katulad ng ginawa kay Mr. James Perez, at sinabi niyang nakakareceived din ito ng mga poison letter na katulad ng style sa ipinapadala noon kay Mr. James Perez.Nangilabot ang tatlong babae sa kuwentong iyon ng kanilang head na lalong nakadagdag sa tension na kanilang nararamdaman. " Habang tumatagal simula ng pumutok ang balita tungkol sa nangyaring pagsabog sa opisina ni Mr. James Perez ay patuloy na nagiging kumplikado ang sitwasyon. We have a lot of things to resolved." naglabas ng bond paper si detective Nugas at saka ipinakita iyon sa tatlo niyang kasamahan. 5 THINGS TO BE RESOLVED 1. The mystery of the unexpected death of Mr. James Perez 2. The mystery of the missing Letter 3. The mystery of the car tire sabotaged 4. The mystery of the untimely death of Mr. Dave Olivarez 5. The mystery behind the poison Letter and a lot more mysteries to come... Binasa iyon ng tatlong babae at sila'y nag agree sa mga nakasulat doon. " ni isa sa mga misteryo na nakasulat diyan ay wala pa tayong nalulutas maski isa kung kayat ipinapanukala ko sa bawat isa sa inyong na bago sana matapos ang buwan na ito ay mahuli na natin ang nasa likod nito at mabigyan ng proteksyon ang mga taong involved na posibleng nanganganib din ang mga buhay " may kahabaang paliwanag ng kanilang Head. " sa pagpunta niya doon sa ospital ay umaasa ako na makakakuha kayo ng mga bagong ibidensya na makapagpapatunay na hindi natural na pagkamatay ang ikinasawi ni Mr.Olivarez." dagdag na pahayag ni detective Nugas. " Ms. Morales muli sana akong makikisuyo sayo na kung maari sana ay i- double check mo sa iyong computer ang mga files na ipinasa ko sayo noong nakaraan at tawagan mo rin ang 'EVERYTHING U WANT' sa numero na iniligay ko sa may chart board at ipagtanong mo na rin ang resulta ng CCTV footage na inirequest ko noong nakaraang bumisita ako doon kung itoy gumagana pa o hindi na at kung sakaling active pa ito ay mag request ka ng isang kopya para madali nating ma-identify ang toong may gawa ng pananabotahe sa dalang sasakyan nina Allen at Freda." agad namang tumalima si Ms. Morales.Nagpaalam naman ang dalawang detective upang agad maisakatuparan ang kanilang nakatakdang pagbisita sa naturang Ospital at maski wala namang signs ng mga unwanted occurencies ng mga nagdaang araw ay pinayuhan parin sila ng kanilang Head na doblehin nila ang kanilang pag-iingat. " Yes sir ! " halos sabay pang nasabi iyon ng dalawang detective.Makalipas pa ang ilang minuto pagkatapos na makaalis doon sina Allen at Freda ay bigla niyang naalala ang isang appointment na kanyang natanguan na may kaugnayan sa isasagawang kaarawan ni Mr. Eathan Hawk at sa plano ng mga ito na lituhin ang responsable sa pagpapadala sa kanya ng mga poison letter na unti unti naring nakakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang siguridad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD