Matapos ang pakikipag usap ni Sam kay Erika ay kaagad na itong nagtungo sa kanyang naka-park na kotse dala ang box na puno ng mga naiwanang gamit ng kanyang kapatid.Pagsapit nito sa kanyang bahay ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto dala ang box na kanina pa niya gustong buksan upang alamin kung mayroon ba siyang makikita na maaring makapagturo sa kanya kung papaano niya matutunton ang kanyang kinaroroonan.Paglapag niya sa box sa ibabaw ng kanyang kama ay saka niya ito unti unting binuksan at pagkatapos ay isa isang inilabas ang mga laman nito.
Naroon ang dalawang pares na medyas,dalawang roll on,isang gamit na at isa pang hindi pa nabubuksan,mayroon ding tatlong uri ng hindi gaanong kilala na brand ng shaver na disposable.tatlong hindi pa gamit na underwear at naka balot pa sa kanyang plastic packaging.Isang Levis na pantalon,dalawang v-neck t-shirts na kulay puti at itim isang low bat na smart watch at dalawang power banks at ilang units ng cable charger.Pero ang nakatawag sa kanya ng pansin ay ang isang note book na may nakaipit na isang ballpen.Nang buksan niya ang isang ordinaryong notebook ay tumambad sa kanyang paningin ang malaking dalawang salita.
'MY DAIRY ' at mayroon ding Naka ipit na mga larawan. Nang suriin ni Sam ang larawan ay nakilala nito ang babae na kasama ng kanyang kapatid sa larawan na walang iba kundi si Veronica.Hindi niya maiwasang pagmasdan ng matagal ang larawang iyon lalo na kay veronica.Naisaloob pa ni Sam na hindi talaga malayong magkaroon ng matinding pagka gusto nang kanyang kapatid sa babaeng kasing-ganda at kahalihalina na katulad ni Veronica.Hindi naman madedehado ang sinumang ipares sa kanyang kapatid dahil sa taglay din nitong pambihirang awra.Naisipan din niyang basahin ang mga nakasulat sa kanyang Diary at nasumpungan niya sa tatlong unang pahina ay pawang ang laman nito ay mga tula o poems patungkol marahil sa kanyang nobya na si Veronica. Sa mga sumunod na pahina ay kung papano sila nagkita at nagkakilala ng isang babae na siyang unang nagpatibok ng kanyang puso.
Ilan sa mga bahagi na content ng Diary ng kanyang kapatid na nakapagdulot sa kanya ng matinding palaisipan ay ang nasa pinaka huling pahina na posibleng hindi niya natapos o tinapos.May posibilidad din na inalis ito ng nakabasa ng Diary na iyon o baka mismong ang kapatid din niya ang nagpilas ng pahina dahil sa walang katiyakang dahilan.Muling pinasadahan ng kanyang paningin ang mga huling statement ng kanyang kapatid...
April 14, 2023
'...gagawin ko ang lahat ng ito alang alang sa aming pagiibigan.All my life ay hindi ko naranasan ang ganitong pakiramdam, ang magmahal ng walang kinatatakutan...subalit kung sakaling hindi ako magtagumpay ay hindi ko ito pagsisisihan kailanman dahil ang aking pagmamahal na siya kong iniaalay ay wagas at walang halong pagkukunwari...bukas ay magaganap na ang isang bagay na siyang tatapos sa aking pangungulila... bagamat inaamin ko rin na may bahid ng pangamba sa aking puso at damdamin ang maaaring idulot nito sa akin...subalit hindi na iyon mahalaga mas importante sa akin ang --
doon na nagtapos ang tila script na sulat kamay ni Sam Samonte na kanyang kapatid at kung tama ang kanyang kutob ay mismong siya rin ang pumilas sa sumunod na pahina at marahil ay may naisulat ito doon na hindi niya nagustuhan o wala sa kanyang loob kung kaya't minabuti nitong tanggalin iyon at hinayaang humangga muna ito doon.Pero sa kanyang paga-analisa sa pinaka buod nito ay tila mayroon itong binabalak gawin na hindi niya binanggit sa kanyang Diary ang detalye kung ano iyon basta ang pagkakaintindi ni Sam ay mayroon itong kinalaman sa kanilang dalawa ng kanyang kasintahan na walang iba kundi si Veronica.
Muli niyang kinuha ang isang nakaipit na larawan sa may Diary at saka pinagmasdang mabuti ang larawan ni Veronica kasama ng kanyang kapatid.Kuha iyon sa isang Beach Resort na hindi matiyak ni Sam kung saang lugar.Hindi niya muling maiwasan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ni Veronica.Nagkaroon siya ng pagnanais na makita ang babae na tiyak din niyang makapagtuturo sa kinaroroonan ngayon ng kanyang kapatid.
Hindi nag aksaya ng panahon si Sam sinubukan niyang buksan ang kanyang laptop computer upang I- search ang pangalang Veronica sa internet at gaya narin ng kanyang inaasahan ay naglabasan ang mga napakaraming pangalang Veronica.Hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na mukha sa screen ng kanyang laptop computer na walang iba kundi si Ms.Lala Morales.Saglit siyang natigilan at nawala pansamantala sa kanyang sistema ang pagnanais niyang mahanap si Veronica.Nabaling ang kanyang atensyon kay Lala.Agad siyang nag isip ng maaari niyang sabihin sa kanya at ng ito'y nabuo sa kanyang isipan ay saka niya ito isinulat sa screen ng kanyang computer.
Dearest Lala,
I hope that you are safe now with your family at this moment.Perhaps you are not aware how happy I am of knowing you even for a little while.But honestly speaking, I want you to know that being with you are the most beautiful thing that ever happened to me again in the last decade of my unhappy life.You may not felt the same way as I do to you but I wish and pray that one day I'll stop my journey with you in my arms and we will be together and holding you forever in my heart.
always missing you,
Sam
Pagkatapos itong i-type ni Sam ay saka niya ito kaagad pinindot ang send button upang maipaabot nito ang mensahe sa sinisinta niyang babae.Pagkatapos ng ilang pagmumuni-muni ay muli niyang itinuon ang kanyang pansin sa paghahanap sa pangalang Veronica na May profile picture na kahawig ng nasa larawan.Halos mag aalas dose na ng gabi ng maispatan niya ang kanyang hinahanap at hindi siya maaaring magkamali na ang babae ay kasama rin sa post nito ang kanyang kakambal.This is the same post that detectives Allen and Freda together with Lala was seen a while ago.
Ang post na iyon ni Veronica ay halos hindi na active dahil sa katagalan at malamang na nagpalit narin ito ng account.Minabuti paring kunin ni Sam ang mga detalye na nakalagay sa kanyang profile at nagbabakasakaling matunton nito kung doon parin siya nakatira.Pagkatapos ng maraming oras na kanyang ginugol sa paghahanap kay Veronica ay doon niya lang naramdaman ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata.Hindi rin niya nakalimutan ang tungkol sa Pizza na ipinadala sa kanya ng hindi niya nakikilalang sender at sa loob loob ni Sam ay kung si Veronica nga ang sender ng Pizza na ipinadala sa kanya ng grab courier ay malamang na kilala narin siya ni Veronica.Nakatulugan na ni Sam ang gayong pag-iisip.