Chapter 24 " THE CONFIRMATION "

1580 Words
" yes ako nga si Sam Samonte,pero hindi ako ang Sam Samonte na kilala niyo na dating nagtatrabaho dito sa bar " medyo nagkaroon ng kalituhan ang mga naroon dahil sa sinabing iyon ni Sam. " what I mean is, he's my brother and actually my twin! " paglilinaw nito, doon pa lamang naliwanagan ang mga Marites na nakikiusyoso sa pag-uusap Nina Erika at Sam. " oh sige na mga Marites pack up na kayo dahil mamaya magdadagsaan na naman ang mga customers ninyo sige dali na alis na " maarteng pahayag ni Erika na halatang May mataas na katungkulan sa bar na iyon.Isa isang nag alisan ang mga Marites sa bar na iyon at sinamantala naman ni Sam na muling makapag tanong kay Erika. " puwede ko bang malaman kung ano ang trabaho ng kapatid ko dito? " " to be honest with you Sam, ang kakambal mo ang isa sa aming pinaka leading na Macho Dancer dito at siya ring pinaka mabenta,I mean siya kasi ang pinaka astig dito pagdating sa pagsasayaw at maging sa ganda ng kanyang tindig at kakisigan " paliwanag ni Erika sabay hagod ng tingin sa kanya na para bagang idini-described niya ang kanyang kaharap na lalaki. " narito ba siya ngayon? " usisa ni Sam. " well katulad ng sabi ko noon ng una tayong magkita sa mall I'm sure you still remember that don't you? that's why you're here right? if I'm not mistaken ay almost 1 week ng hindi nagpapakita dito ang kakambal mo at saka ang totoo ay miss na miss na siya ng mga tagahanga niya dito lalo na iyong mga devoted na customers namin na siya lamang ang dahilan kung bakit sila nagpupunta dito sa aming bar." mahabang paliwanag ni Erika habang patuloy itong nakatitig kay Sam. "well mas mabuti siguro kung pumasok ka muna dito Sam sa loob para doon nalang natin ituloy ang ating conversations " sumangayon naman si Sam sa alok na iyon ni Erika kung kaya't sumunod ito sa kanya papasok sa may bar. " hoy Julie anne paki buksan mo nga yung aircon sa may likuran ng counter grabe naman sobrang init naman dito" pasigaw na utos ni Erika sa isang waitress. " actually sir, si Sam ay! sino nga pala sa inyo ang unang ipinanganak? hmmpt it doesn't matter na nga lang...ay nakalimutan ko tuloy yung sasabihin ko sayo wait lang hmmn...ah oo naalala ko na,halika sir sumunod ka sa akin " naging sunod sunuran naman si Sam sa kanya habang hawak ni Erika ang kanyang kamay papunta sa isang bahagi ng staged kung saan ginaganap ang pagsasayaw ng kanilang mga macho dancers ng gay bar na iyon.Huminto sila sa tapat ng isang medyo may kalakihang tarpaulin na nakasabit sa may ding ding. " Hayan sir yan ang kapatid mo yung nasa gitna at yang apat naman na kasama niya ay mga sidekicks niya as macho dancers din dito sa bar " paliwanag ni erika.Tinignang mabuti ni Sam ang tarpaulin at bahagya pa siyang kinilabutan ng mapagmasdan ang hitsura ng kanyang kakambal na halos walang ipinagkaiba sa kanya. " Para nga kayong pinag biyak na mansanas sir hihi at siguro kung pinagtabi kayo habang sumasayaw ay tiyak na dadami ang magiging customers dito kaya lang ang ipinagtataka ko ay kung bakit until now ay hindi pa nagpapakita dito ang kapatid mo " malungkot na pahayag ni Erika. " wala ba siyang nasabi sa inyo kung saan siya pupunta,I mean hindi ba siya nagpaalam sa may ari ng bar? " paglilinaw ni Sam. " Hindi eh basta na lang siya hindi nagpakita dito at ang natatandaan ko lang na sinabi niya sa akin ng huli ko siyang makausap ay binabalak na niyang mag quit sa pagsasayaw dito sa bar at gusto niyang i-focus ang buo niyang atensyon sa kanyang pag-aaral which is good! pagkatapos ay hayun hindi na siya nagpakita pa mula noon." mahabang salaysay ni Erika. " alam mo ba kung saan siya nakatira? " nag isip muna si Erika bago ito nagbigay ng kumento sa tanong na iyon ni Sam. " yung unang tinirhan niya ang alam ko pero ang pagkakatanda ko ay...mula ng makilala niya si Veronica yung isang customer namin dito dati na ubod ng ganda na parang artista ay bigla nalang siyang lumipat ng tirahan, I dont Know kung saan yun pero ang mga bulong bulungan dito ng mga Marites ay mukhang na in-love yata sila sa isa't isa at iyon ang naging dahilan ni Sam para umalis sa dati niyang inuupahang apartment at lumipat ng bahay kasama si Veronica at ngayon ay kasalukuyan silang naglilive-in I'm not so sure kung totoo ang mga balitang iyon kasi may panibago na namang issue na porke ibinahay na siya ng isang bilyonaryong matrona at hiwalay na sila ni veronica,you see sobrang gulo ng buhay ng kapatid mo mas mabuti ka pa siguro dahil you looked awesome and super desente ng dating mo unlike him na sobra namang astig kung manamit at umasta." mahabang sabi ni Erika. " alam mo ba kung saan ko matatagpuan ang babae na tinutukoy mo na nagngangalang Veronica? " napailing si Erika at sinabing wala siyang idea sa mga whereabouts ng babae. " baka naman may picture ka diyan na magkasama ang kapatid ko at si Veronica? " napaisip si Erika at pagkatapos ay napangiti siya ng maluwang na parang may biglang naalala. " wait a minute sir...I hope hindi ko pa na delete yung pictures naming tatlo noong una siyang pumunta dito at lumapit sa akin para ipakilala ko siya sa kapatid mo " medyo nagtagal ng ilang minuto si Erika sa pag scan sa kanyang cellphone bago niya masumpungan ang kanyang hinahanap na selfie nilang tatlo kasama si Sam at Veronica. " there you go...eto yung pictures at mabuti nalang at hindi ito na delete ng pamangkin kong makulit na mahilig mang hiram ng cellphone ko.Look at her! ang taray ng lola mo diba? para lang kaming magkapatid ni Veronica diba? lamang lang siya sa akin ng dalawang paligo " halos hindi na binigyang pansin ni Sam ang iba pang sinasabi ni Erika dahil nakatuon ang kanyang buong atensyon sa maganda at kaakit-akit na hitsura ni Veronica. " hay naku kayo talagang mga boys pag nakakita kayo ng mga tunay na Eva ay balewala na kaming mga bakla na para bang hindi na kami nagi exist dito sa mundo " tila paghihimutok naman ni Erika sa nakikitang reaksyon ni Sam habang ito'y nakatitig sa pictures na nasa cellphone ni Erika. " puwede mo bang ipasa sa akin kahit isa man lang sa mga nandiyan sa cellphone ko Erika ? " natuwa naman ang bakla sa narinig niya na binanggit ni Sam ang kanyang pangalan sa unang pagkakataon. " Of course naman ikaw pa? mabuti nga at hindi pa ito na-delete eh " ipinasa niyang lahat ang apat na larawan sa cellphone ni Sam thru Bluetooth connection at pagkatapos ay saka nagpasalamat si Sam sa kanya. " anything else Sam? wait before ko makalimutan may naiwan pa palang mga gamit ang kapatid mo sa locker room niya kailan lang namin yun na discover at tutal ay kapatid mo naman siya ay may karapatan ka naman siguro na kunin iyon at ibigay mo nalang sa kanya pag nagkita kayo, at please lang pakisabi naman sa kanya na bayaran na rin niya ang inutang niya sa akin na matagal ng panahon na hindi ko sinisingil dahil sabi niya sa akin ay gipit siya pero okay lang naman kung wala pa siyang pambayad basta sabihin mo sa kanya na welcome parin siyang pumunta dito anytime." naka ngiting sabi ni Erika.Sumunod muli si Sam sa kanya upang kunin ang sinasabi nitong gamit ni Sam na naiwan niya sa kanyang locker room. " alam mo itong kapatid mo,mabait masyado sa mga kasamahan niyang dancers kapag nangangailangan sila si Sam ang kanilang takbuhan ito namang kambal mo maski ipangutang niya sa iba may maiabot lang sa mga kasamahan niyang nangangailangan.Ultimong mga gamit niya minsan madalas nilang hiramin tapos wala ng balikan, mga pantalon at mga t-shirts kahit bagong bili okay lang sa kanya pag inarbor ng mga kasamahan niya dati.Kaya pag siya ng humiram sa akin hay naku mabilis pa sa alas kuwatro bigay ako kaagad kasi alam ko kung bakit kaya naman halos ayaw ko naring singilin kaso medyo kinakapos na rin ako paminsan minsan." walang kapagurang kuwento ni Erika. " malilimutin din minsan ang kapatid mo hayan yung locker room niya naiwanan niyang bukas kaya mas mainam na siguro na dalhin mo nalang yan baka kasi mawala pa yan dito." kinuha naman ni Sam ang isang kahon kung saan nakalagay ng lahat doon ang mga naiwan niyang gamit.At bago siya tuluyang umalis ng bar ay may iniabot siya kay Erika na ikinagulat ng bakla. " ano ito sir Sam ? " nagtatakang tanong nito. " hindi yan bayad sa mga pagkakautang ng kapatid ko sayo kasi sabi mo nga eh ayaw mo na siyang singilin hanggat maaari diba? yang pera na yan ay maliit na bahagi lang ng pinanalunan ko sa lotto noong nakaraang buwan kaya isini share ko lang sayo yung iba.Dont worry walang anuman yan Salamat pala sa mga impormasyon na ibinigay mo sa akin,hayaan mo pag nahanap ko ang kapatid ko ay yayayain ko siya dito para dito kami makipag inuman sayo hanggang magdamagan." naiwan si Erika na nakatulala hawak ang isang sobre na puno ng pera na sa estimate nito ay aabot sa 100k pesos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD