Nagkaroon ng emergency meeting ang The Grove sa atas ng May ari ng kumpanya at isa sa kanilang natalakay at napagusapan ay ang nangyari kay Mr. Dave Olivarez sa mismong Ospital.
" Siguro ay hanggang doon nalang talaga ang hangganan ni Mr. Olivarez,consider the damaged that he's been through at sakaling mabuhay man siya ay malaki ang possibility na para lang siyang lantang gulay na magiging burden lang sa kanyang pamilya." mahabang kumento ni Mr. Dwight Arevalo ang presiding CEO ng The Grove.Kinontra naman siya President at acting COO ng kumpanya na si Mrs. Kelly Morgan Wilder at sinabi nitong hindi pa napapatunayan ng mga medical expert ang totoong sanhi ng kanyang pagkamatay.
" weather it's natural death due to severe damaged or suicides or mercy killing or what ever they call it! ay parehas din yun and I still stand firm on my opinion that He is involved in this scheming fraud sa ating kumpanya." muling pahayag ni Mr.Arevalo.Tahimik lamang na nakikinig ang may ari ng The Grove na si MR. Eathan Hawk sa palitan ng opinyon ng dalawa niyang matataas na opisyal.
" By the way sir,gusto ko lang po sanang malaman kung ano po ang posisyon ng mga board of directors sa kahilingan ni Mrs. Veronica Perez sa mga benifits na hinihingi ng kanyang kampo? " tanong muli ni Mr.Dwight Arevalo.
" well as long as no formal complaint against the deceased involvement na isa siya sa mga utak ng pagnanakaw sa kabang yaman ng ating kumpanya,I don't see any reason kung patuloy pa itong iho hold ng board at makakaasa naman ang kampo ng naiwang pamilya ni Mr. Perez na ipagkakaloob sa kanila ang bawat benipisyo na nararapat na ibigay sa kanila." malinaw na pahayag ng may ari ng The Grove.Natahimik naman si Mr. Arevalo sa confirmation na kanyang narinig mula na mismo sa may ari.
" mga kailan po kaya ang final proceedings ng pagbibigay sa kampo ni Mrs.Perez para sa karampatang makukuha nito kung saka sakali sir? " gustong tiyakin ni Mrs.Kelly Morgan Wilder kung gaano na ito sumalang sa proseso.Batid din kasi niyang ilang taon mula sa kasalukuyang panahon ay magreretiro narin siya bilang isang kawani ng The Grove at dito niya masusukat kung May magandang patutunguhan ang mga inaasam ng bawat Team at Empleyado ng The Grove.
" The truth is...nasa table ko na ang papeles! at pirma ko na lamang ang kulang at pipirmahan ko lamang ito kung walang maghahabol na isa man sa inyo...but I assure all the beneficiaries not only in the case of Mr. James Perez na makukuha nila ang lahat ng mga benifits na entitled sa kanila as long as wala akong masilip na anumang anomalya sa sinumang claimants nito.In the case of Mr.James Perez ay kailangan ko munang maghintay ng ilang araw kung mayroon sa inyong maghahain ng complaint na may kalakip na matibay na ebidensya sa involvement nito sa scam pero kung sakaling wala akong matanggap na formal complaints na nakalagdang malinaw ang pangalan ng complainant with the seal of an authorized attorney that verifies the authenticity of the accusations ay saka ko lamang pagtitibayin ang aking signature." malinaw na pahayag ni Mr.Eathan Hawk.
" So I challenged everyone of you,especially you Mr. Dwight Arevalo as well as your whole team na maglabas kayo ng formal complaints sa aking lamesa na kalakip ang matibay na ebidensiya against sa kampo ni Mr.Perez bago matapos ang buwan na ito ng Abril but if failed to do so ay wala na akong dahilan pa para hindi ko pirmahan ang nasabing request ng kampo ni Mrs. Perez in behalf of her only heir na si Mrs. Veronica Perez." pinal na desisyon ni Mr.Eathan Hawk.
" any question? " muling tanong ng May ari ng kumpanya.Nagtaas naman ng kamay si Miss Lalaine Delavin ( Hawk sa totoong status ) at na elevate bilang Executive Secretary kapalit ni Mr. James Perez.
" I just want to remind you sir...your birthday is fast approaching,baka po may gusto kayong sabihin regarding po dito." relax at nakangiting sabi ng kanyang executive secretary.Kapansin pansin ang pagbabago ng atmosphere at halos lahat ay kakikitaan ng excitement sa kanilang facial expressions maging si Mr.Dwight Arevalo ay nagawa pang pumalakpak at bumati pa sa may ari ng kumpanya.
" well thank you Miss Lalaine for reminding me...hmmm, saan niyo ba gustong ganapin ang aking 65th birthday,any suggestions? " may nagtaas ng kamay at nag request na kung puwede ay doon nalang gawin sa VIP hall at huwag na sa labas ng compound ng The Grove.
" yeah tama sir mas nakakapagod kasi kung lalabas pa tayo,atleast kung dito mismo sa The Grove sa may VIP hall ay maluwag na iyon para ating lahat at pagdating naman sa pagkain ay ako na po ang bahala sa catering services we have a clients that cater some services at siguradong makakakuha pa tayo ng malaking discounts and freebies." pahayag naman ng kanyang pamangkin ni Mr.Eathan Hawk at Vice President for Operations na si Jim Hawk Laurence.
" ano ang masasabi ng mga board of directors natin? " halos lahat naman ng BOD ay Sumang ayon sa nasabing suhestiyon,maging ng halos lahat ng kawani ng bawat department ay Sumang ayon din.
" okay all was set, so on April 23 ay inaasahan kong lahat ay dadalo sa aking kaarawan,you can bring some of your family member but please kailangan niyong ipalista ang mga pangalan ng inyong mga dadalhin na bisita kay Jim Laurence para sa kaukulang budget sa catering.Huwag narin kayong mag abala na mag isip ng kung anong regalo ang maibibigay niyo sa akin because I'm not used to it anymore at para sa inyong lahat ay makakatanggap kayo ng inyong advanced bonus sa aking mismong kaarawan mula sa pinaka mataas na posisyon hanggang sa pinaka mababa at ang pinaka mababang bonus na mai- pagkakaloob ko sa isang empleyado ay 65k." nagpalakpakan ang lahat ng mga naroon at yun ang kauna unahang pagkakataon na gagawin iyon ni Mr.Eathan Hawk.Nang itaas ni Mr Hawk ang kanyang kamay ay muling humupa ang ingay at pumayapa ang lahat.
" Gagawin ko ito para muling maibalik ang tiwala natin sa isa't isa, we want to regain our trust and confidence of every member of my community.Hindi rin ako makakapayag na pasukin ito ng mga mafia na ang tanging gusto ay pabagsakin ang aking kumpanya sa kanilang sariling kapakanan at makasariling interes.We will stop the corruption by all means para manatili tayong nakatayo kung saan kayo naroroon ngayon,are you with me!!! " malakas na sigaw ni Mr. Eathan Hawk.Naghiyawan at nagpalakpakan ang halos lahat ng naroon ngunit batid ni Mr Eathan Hawk na may mga iilan sa kanyang mga tauhan na hindi sumasang-ayon sa kanyang mga panukala at palihim marahil na makikipag saya ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay naroon ang pagnanasa ng mga ito na ibagsak ang kanyang pinaghirapang kumpanya sa hindi matiyak na kadahilanan at iyon ang hindi niya mapapayagang mangyari sa hinaharap na panahon.