Muling nag ring ang cellphone ni Lala at doon pa lamang siya tila natauhan ngunit pagmulat ng kanyang mga mata at nasumpungan niya ang lalaki na nakatingin lamang ito sa kanya.
" are you okay Lala? " tanong sa kanya ni Sam. Nagkaroon tuloy siya ng kalituhan ng mga sandaling iyon kung talaga bang hinalikan siya ni Sam sa kanyang labi o nagi-imagine lamang siya?. Nahihiya naman siyang magtanong sa lalaki dahil baka kung anong isipin niya.
" I need to go home now Sam, tumawag na kasi ang daddy ko and he told me to get back home as we both agreed " kunwang paliwanag ni Lala.
" okay ihahatid na kita sa inyo Lala " maagap na sabi ng lalaki. Hindi naman kaagad nakaimik si Lala at iniisip na mabuti ang kanyang isasagot sa alok na iyon ng lalaki. Maging sina Allen at Freda man ay hindi rin kaagad nakapagbigay ng suggestion kay Lala kung ano ang marapat niyang sabihin.Pero hindi na hinintay pa ni Lala na magbigay ng comment sina Allen at Freda at minabuti nalang nitong sabihin ang gusto ng kanyang kalooban.
" I'll be glad too Sam but I'm so sorry maybe some other day pag nasa mood na ulet si daddy ko.Mag ta-taxi nalang muna ako at saka may dadaanan pa pala akong importante. " tila wala sa tono na alibi ni Lala. Pero nginitian lamang siya ng lalaki.
" Ikaw parin ang bahala Lala pero kung ako lamang ang masusunod ay gusto kitang ihatid hanggang sa inyo for me to be aware and sure of, that your safe to arrived at your home " masuyong saad ni Sam sa kanya at pagkatapos nito ay kaagad niyang kinuha ang cellphone na nasa kanyang bulsa at buhat doon ay mayroon itong kinausap.
" no worries Lala,it's okay for me at saka tumawag na pala ako ng taxi sa grab and any minute from now ay darating na ang taxi na susundo sayo at maghahatid din sayo sa inyong tahanan. " Habang sinasabi ito ni Sam ay buong pagsuyo itong nakatingin sa kanya at naka smile na tila baga nagpapacute sa kanyang mga fans. Hindi naman maiwasan ni Lala na hindi siya humanga sa lalaki lalong Lalo na pagdating sa mga emergencies at kaagad itong nakakaisip ng mabilisang solusyon sa maikling panahon lamang. Inalalayan pa siya ng lalaki para makatayo ng tuwid at pagkatapos ay inihatid siya nito sa may labasan. Pero Bago Sila makalabas sa may gate ay bigla siyang may naalala.
" wait Sam I forgot something,iyong damit ko na nabasa kanina kukunin ko na lang para doon ko lamang labhan sa bahay. Then this beautiful dress from your lovely wife ay muli ko ring isasauli after ko rin itong labhan.May himig nang pakikiusap ang boses na iyon Lala. Pagkatapos namang marinig iyon ni Sam ay Lalo itong napapangiti at pagkatapos ay muli siyang pumasok sa loob ng banyo upang kunin ang nabasa niyang damit.
Naiwang mag isa si Lala sa may harapan ng pintuan ng bigla siyang matigilan. Nahagip ng kanyang mga mapanuring mga mata sa hindi gaanong nakatakip na waste basket ang Pizza na ipinadala sa kanya nina Allen at Freda. Mabilis ang kaniyang naging mga pagkilos upang suriin ang kahon ng pizza na itinapon ni Sam Samonte sa kanyang waste basket. Kinuha niya ang box ng pizza at sa maikli niyang pagsusuri ay kapansin pansin na intact parin ito at hindi pa nabubuksan ni Sam. Agad ding sinuri ni Lala ang sinasabi ng kanyang mga kasamahan na tissue paper upang malaman kung naroon parin
ito at napatunayan din yang naroon parin ito at nakaipit na mabuti sa may pinaka Tali ng pizza box. Binuklat niya ito at kaagad na binasa ng kanyang mga mata ang pahatid na mensahe; To : Sam From: Veronica.Matapos niyan itong basahin ay kaagad din niya itong maingat na inilagay sa waste basket sa dati nitong ayos kung saan niya ito nasumpungan.Paglabas naman ni Sam ay nakabalot na sa isang itim na plastic bag ang basang damit ni Lala.
" thanks Sam " maikling sabi ni Lala
" nah don't mention it Lala,it's my pleasure to have you here as my very special and important guest." nakangiting sabi ni Sam Samonte.Paglabas ng dalawa sa May gate ay siya namang dating ng isang taxi na buhay sa grab na siyang tinawag ni Sam para sunduin doon si Lala at ihatid sa kanyang paroroonan.
" Salamat ulit Sam, Bye! " simpleng paalam ni Lala.
" you take care of yourself Lala! " halos pasigaw naman na nasabi iyon ni Sam habang palayo mula sa kinatatayuan niyang gate ang taxi na sumundo kay Lala.Napansin pa nina Allen at Freda na nakasakay sa kotse at nakabuntot ngayon sa may taxi na lilinga linga pa si Sam Samonte bago ito tuluyang pumasok sa May gate.
Muling pumasok si Sam sa kanyang bahay at pagkatapos ay bigla siyang napahinto sa harapan ng kanyang pintuan ng muli niyang matanaw ang waste basket kung saan niya itinapon kanina ang box ng Pizza.Muli siyang lumapit doon at kaagad na kinuha nito ang kahon ng Pizza at saka niya muling sinuri.Doon niya napansin ang nakaipit na tissue paper at parang wala sa sariling binuksan niya ito para suriing mabuti ang pahatid na mensahe; to : Sam From : Veronica.Pagkabasa ni Sam Samonte ang nakasulat sa tissue paper ay kaagad niya itong inilagay sa kanyang bulsa at pagkatapos ang pizza ay muli niyang itinapon sa may waste basket.
Hindi mapakali si Sam dahil sa isang tagpo kamakailan lamang ng minsang mapadaan ito sa isang mall at may makasabayan siyang dalawang bakla at panay ang tawag sa kanyang pangalan.Pababa siya noon sa may third floor sakay ng escalator at ang dalawang bakla naman ay paakyat naman sa may fourth floor ng naturang mall.bigla niyang naalala ang tagpong iyon na ngayon niya lamang napag ukulan ng matamang pansin dahil sa pangalang nakasulat sa tissue paper.
" hoy Sam long time no see saan ka ba nagsusuot at bakit ngayon ka lang namin nakita? uy mukhang asensado kana ah...look at you? mas lalo ka pa yatang gumuwapo sa ilang araw na pagkawala mo sa bar...totoo ba ang balita na ibinabahay kana talaga ng isang bilyonaryang matrona? paano na si. Veronica? " tuloy tuloy na sabi ng isang bakla samantalang ang kasama niyang bakla din ay tahimik lamang na nakamasid at parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
" excuse me? did i know you? " tanong sa kanila ni Sam.
" ay hindi ! omg biglang asensado ka lang nakalimutan mo na kami ? " bulalas
ng bakla na panay parin ang sunod sa kanya kahit saan siya magpunta.
" Hey stop pranking me did we know each other? " muling tanong nito sa dalawa.
" ay ewan ko sayo! tara na Camille mukhang hindi na tayo kilala ng Sam na yan " doon pa lamang siya tinantanan ng dalawang bakla.Ngayon lang niya na-realized na baka yaon na ang sagot sa kanyang matagal ng tanong...ang makita ang kanyang kakambal na matagal na niyang hinahanap.Muli niyang tinignan ang nakasulat sa May tissue paper na may pangalang kaparehas ng binanggit ng dalawang bakla na nakita niya sa isang mall noong nakaraang araw.
" paano na si Veronica? ... " umaalingawngaw iyon sa kanyang kaisipan na bahagi ng binitiwang salita ng isang bakla sa mall.Nang sipatin ni Sam Samonte ang pambisig niyang relo ay nakumpirma niyang mag aalas siyete na pala ng gabi.Naisipan niyang lumabas at puntahan ang mall na iyon kung saan niya unang nakita ang dalawang bakla.Kailangan niyang muling makita at makausap ang dalawang baklang iyon upang itanong kung saan niya matatagpuan ang babaeng nagngangalang Veronica.
Pagsapit niya sa mall na nauna niyang kinakitaan sa dalawang bakla ay kaagad siyang nag ikot ikot doon sa napaka luwang na mall at nagbabakasakali siyang muli niyang masumpungan ang mga taong kanyang hinahanap subalit naikot na niya halos ang lahat ng pasikot sikot doon pero ni isa sa kanila ay wala doon.Sa sobrang pagod ni Sam sa ginawa niyang pag-iikot ikot sa maluwang na mall ay naipasya niyang muli siyang babalik sa lugar upang ipagpatuloy ang kanyang paghahanap sa dalawang bakla na posibleng makapagtuturo kung saan niya matatagpuan ang kanyang kakambal.Sakay na siya ng kanyang kotse pabalik sa kanyang tahanan ng bigla siyang may maalala.
" look at you? mas lalo ka pa yatang gumuwapo simula ng mawala ka ng mga ilang araw sa BAR " bigla niyang na i-preno ang kanyang kotse at pagkatapos ay saka niya ipinihit ang direksyon kung saan matatagpuan ang tatlong gay bar na alam niyang posibleng makatulong sa kanya ng malaki sa kanyang paghahanap sa kanyang kapatid at kakambal.Pagdating niya sa unang gay bar na pinuntahan niya ay napansin niyang hindi siya kilala sa lugar na iyon.Muli siyang lumipat sa isa pang gay bar at nag matiyag at nagtanong din sa mga bantay na security guards kung may kakilala silang pangalang Veronica.Pero ni isang guwardiya ay walang nakakakilala sa pangalan na kanyang nabanggit.Sa huling gay bar na alam din niyang puntahan ng mga matatandang matrona ay ipinasya din niyang puntahan at habang siya ay nasa daan ay hindi niya maiwasang isipin na baka isang waiter ang kanyang kapatid at doon siya nagtatrabaho sa gabi.Hindi rin niya maiwasang isipin na baka nagtatrabaho ang kanyang kakambal bilang bouncer.
" excuse me sir ? may kakilala po ba kayo dito na nagngangalang Veronica? "
"'naku sir marami ditong nagpupunta na customer na magkaparehas ng pangalan,mas okay sana sir kung nakuha niyo ang kanyang apelyido at saka ..." hindi pa man natatapos ang security guard sa pagsasalita ng mamataan niya ang isang bakla sa mall na dumaan sa gilid kung saan din dumadaan ang mga VIP's.
" sir kilala mo ba yung dumaan diyan kanina na isang bakla please lang sir pakiusap naman na pakisabi sa kanya na gusto ko siyang makausap " nag abot pa ng isang malutong na 1k bill si Sam sa guard at kaagad naman itong kinuha ng guwardiya.
" sandali lang sir ha at tatawagin ko lang si madam Erika yung dumaan dito na bakla na gusto niyong makausap " alistong sabi ng guard sabay bulsa ng perang iniabot sa kanya.Maya maya ay muling lumitaw ang security guard kasama ang isang bakla na nagngangalang erika.
" oh Sam ikaw ba yan? " agad na sabi ng bakla.Tinitigan din siyang mabuti ng security guard pagkarinig sa pangalang Sam at nagtanong din ito sa kanya.
" Sam? ikaw nga ba yan? " halos hindi makapaniwala ang sekyu na inabutan niya ng 1k bill dahil sa suot niyang semi formal dress at napaka professional niyang tignan.Hindi malaman ni Sam ang kanyang isasagot.Nang mapansin din siya ng ilang sa mga nakakakilala sa star dancer ng gay bar na iyon na si Sam Samonte ay agad siyang dinumog ng iba pang mga bakla na tagahanga ng kanyang kakambal.