“My Lord, ipagpatawad mo dahil hindi ko nagawa ang nais mo. Hindi ako nagtagumpay na makuha ang kumpanya ng mga Zimmer. Ayon sa ating mga tauhan ay may sumabutahe sa mga plano n’yo. Dinoble niya ang perang inaalok mo sa pamilyang Zimmer kaya sa kanya napunta ang kumpanya. Bukod pa run ay binili rin niya ang lahat ng shares ng mga board member. Sa madaling salita ay pag-aari na ng taong ito ang buong kumpanya.” Nang marinig ni Mr. Cedric Hilton ang mahabang paliwanag ni Mr. Ross ay nagpakawala ito ng isang marahas na buntong hininga. Pagkatapos magreport ni Mr. Ross ay kaagad itong lumabas ng kanyang opisina. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Cedric , maya-maya ay tumayo siya at dinampot ang isang maliit na baso na may lamang alak. Lumapit siya sa glass wall at tahimik na pinagmasdan ang

