Hindi na mabilang sa mga daliri kung ilang beses na tinatawagan ni Scarlett ang number ni Hanz kaya naman nagsisimula ng uminit ang kanyang ulo. “Answer my call!” Nanggigigil niyang sabi habang naghihintay na may sumagot mula sa kabilang linya. Ilang araw ng hindi umuwi si Hanz sa Villa kaya ganun na lang ang galit ni Scarlett. Maya-maya ay padabog siyang tumayo, dinampot niya ang susi ng kotse na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa. Halos hindi na maipinta ang kanyang mukha kaya ng makita siya ng mga katulong ay kaagad na nagsiyukuan ang mga ito. Kita ang takot sa kanilang mga mukha na baka sila naman ang pagbuntungan ng galit nang malditang si Scarlett. Walang pakialam na lumabas ng bahay si Scarlett at sumakay sa kanyang sasakyan. Matapos ang mahigit kalahating oras ay huminto

