Hanz Point of view “Hindi ko na alam kung gaano katagal kaming nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Halos ayoko na ngang alisin ang aking mga mata sa mukha ng tatlong bata na nakaupo sa aking harapan. Kung paano ko silang titigan ay ganun din sila sa akin, pakiramdam ko ay para akong na-nanalamin kaya hindi maikakaila na anak ko nga ang mga batang ito. Hindi na kailangan ng DNA test dahil lukso pa lang ng dugo ay ramdam ko na ang koneksyon namin sa isa’t-isa. Parang gusto kong matawa sa hitsura naming mag-ama dahil kapwa hindi na kumukurap ang aming mga mata mula sa pagkakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at hinihingal na pumasok sa loob ng opisina ko ang aking mga magulang. “Nasaan na sila, Hanz? Kapag nalaman ko na niloloko”- naputol ang sanay sasabi

