Puno ng excitement ang puso ng tatlong bata dahil sa nalalapit na pagkikita nilang mag-ama. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay humimpil ang kanilang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gusali. Ang lahat ng tao sa paligid ay huminto sa paglalakad at napako ang kanilang mga tingin sa isang mamahaling sasakyan. Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay ng dalawang sasakyan sa magkabilang panig at pinalibutan nila ang mamahaling mercedes benz. Binuksan ng naka unipormeng lalaki ang pintuan at saka tinulungan na bumaba ng sasakyan ang triplets. Halos sabay na napasinghap ang lahat ng mga tao sa paligid ng makita ang tatlong bata na halos iisa ang mga mukha maging sa pananamit ng mga ito. Ito ang unang pagkakataon na na-expose sa publiko ang mga anak ni Summer. Kapwa seryoso ang mukha ni

