“Terrence! Where are you?” Malakas na tawag ni Tyrone ngunit wala siyang narinig na anumang sagot mula sa kapatid nito. Mabilis na dumapa si Tyrone at sinilip ang ilalim ng lamesa, “pick Tylor!” Masaya nitong sigaw ng mahuli ang kanyang kakambal. Ngayon ay dalawa na silang naghahanap sa kanilang kapatid, si Terrence. “I think he hides in Mom’s room.” Mahinang bulong ni Tyrone sa tainga ni Tylor dahilan kung bakit humagikhik ito ng tawa sabay takip ng kanyang bibig gamit ang kanang kamay nito. Maingat na nag-unahan ang dalawa patungo sa kwarto ng kanilang mommy. Bigla ang ginawa nilang pagbukas sa dahon ng pintuan at hindi nga sila nagkamali ng makita nila ang kanilang kapatid na nakaupo sa gilid ng kama. “Pick Terrence!” Halos sabay na sigaw ni Tylor at Tyrone, ngunit nagtaka sila kung b

