Araw ng Miyerkules, 1:30 ng madaling araw tanging mga panaghoy ng mga naghihingalong sundalo ang maririnig sa buong paligid. Ang kanilang pagtangis ay nanunuot hanggang sa kailaliman ng iyong laman dahil sa matinding kilabot na hatid ng mga tinig na halos namamaos na sa paghingi ng tulong. Sino bang mag-aakala na ang lahat ng hirap na pinagdaanan at mga kasiyahan sa piling ng mga bago mong kaibigan mula sa mga training na inyong pinagdaanan ay mauuwi lang sa isang malagim na pagsasakripisyo? Nang mga sandaling ito ay binalot ng matinding kapighatian ang puso ni Summer, wala siyang magawa kundi ang kagat-labi na mag bingi-bingihan sa kung paano na ubusin ng mga armadong kalaban ang mga inosenti niyang kasamahan mula sa kabilang pangkat. Nang mga sandaling iyon ay higit na siya ang nakaka

