CHAPTER 1

759 Words
KYLE'S POV. Kasalukuyan kong ini-ikot ang ballpen ko ng biglang may mga paparating papunta sakin, sina Luke, James at Jake. Actually, kasalukuyan akong nag-susulat ng lrn ko sa enrollment form. Yes, tama nagfi-fill-up ako. Matagal rin bago ako nakapag-desisyon ng magiging strand ko sa senior high. Guess what? Pinili ko ang ABM strand. Kung nagtataka kayo kung bakit, well, ako rin. Haha! Pinilit kase ako ng mga barkada ko. Tas nung tinanong ko sila kung bakit nila pinili ang strand na ABM, alam n'yo ba kung anong mga sagot nila? Marami daw silang mga crush na mag-a-ABM...wow hah! Oo, inaamin ko na-engganyo ako dahil don, haha! Sino ba naman ako para tumanggi sa opportunity 'diba? And besides, single naman ako. At mas lalo akong na-engganyo dahil sabi ng mga barkada ko mag-a-ABM din daw si Samantha, my long time crush. 'Di ko alam kung crush lang ba ang tawag dito. Dahil unti-unti ko na siyang nagiging love. Alam 'yon ng mga barkada ko kaya 'yon, tinu-tulongan nila akong maging gf si Samantha. Inaamin ko na maraming mga babae ang nagkaka-gusto sa'kin. Pero never ko silang pinatulan, until now. Haha! Sobrang loyal ako sa crush ko noh? Oo, of course, because that's the real me. Loyal ako kaya hindi ako basta-bastang nagkaka-gusto sa isang babae. Si Samantha, marami s'yang mga qualities na gustong-gusto ko. Ang gusto ko kasi sa isang babae, talkative, extrovert, can lead a group, independent, masipag, magaling at higit sa lahat ay marunong magdala sa sarili. Actually, marami pa eh, but if you really want to know...kilalanin n'yo nalang si Samantha. Siya rin lang din naman dine-describe ko. So, ayon na nga nang naka-lapit na sa'kin yung mga barkada ko, may tinanong sila sa'kin, then ayun...sinagot ko naman, kahit wala ako sa mood na sagutin ang mga walang kabulohang tanong nila. ZHIRA'S POV. Isa lang ang masasabi ko sa pagkakataong ito... I'm tired. I'm so tired in living in this world. Living in this world that full of sadness. All I can see in my surrounding is black. I'm not blind, I just saying that all I can see right now isn't helping. Why? Why do I need to feel this kind of sadness? Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng mga tao dito sa mundo bakit ako pa na mahina ang nabiyayaan ng ganitong klase ng problema? Naging mabuti naman ako ah? Bakit? Bakit 'di nalang ako ang nawala? Bakit pa kailangang mawala si bunso at si papa? 'Di ba pwedeng mabuo kaming muli at mamuhay ng simple at masaya? Kung pwede lang na isakripisyo ko ang buhay ko para lang mabuhay silang muli, gagawin ko. Bakit ba kasi ganito ang mundo? Napaka-gahaman ng karamihan. Para lang yumaman at magmukhang nakakataas sa iba ay kailangan pang mandamay? Nawala ang pinaka-iisa kong kapatid at ang aking ama. Labis naming dinamdam ng aking ina ang kanilang paglisan. Nasunog ang dati naming tahanan tatlong araw na ang nakakaraan. Nasa loob rin noon si bunso habang nasusunog ang bahay namin. Balak ng aming ama na iligtas ang aking kapatid, ngunit sa kasawiang palad, pareho silang nasawi. Kakaunti lamang ang mga naisalba naming gamit. Ngayon pang papalapit na ang araw ng pasukan, ganito pa ka-labis ang nangyari sa amin. Napag-pasyahan kong tumigil na muna sa pag-aaral, pero hindi pumayag si mama. Sabi niya ‘kailangan mong mag-aral anak, dahil ang iyong pag-aaral ay makatutulong hindi lamang para sa'yo kundi para sa atin. Mas matutuwa ang iyong ama at kapatid kung matutupad mo ang mga ipinangako mo sa kanila.' Wala na ang dati naming bahay at mabuti na lamang ay tinulongan kami ng kapatid ni mama. Doon na raw kami titira sa kanila, sa probinsya. Kung saan lumaki ang aking ina. Hindi sapat ang perang dala namin patungo doon kaya sinundo n'ya kami mula rito. Kasalukuyan kaming nasa byahe, pero ang utak ko ay nananatiling nasa aming tahanan. Patuloy na sumasagi sa aking puso't isipan ang mga araw na buo pa ang aming pamilya... hinding-hindi ko sila makakalimutan. Lagi kong aalalahanin ang mga pangaral ng aking ama at mga masasayang mga araw na kasama pa namin si bunso. Nang nakarating na kami, ay napanibago ako sa kapaligiran...ibang iba sa lungsod na aking kinagisnan. Simple lamang ang tirahan nina mama, hindi maitatangging luma na. Nang makababa kami sa sasakyan ni tita, sinalubong kaagad kami ng aking Lola Nelia. Siya ang ina ng aking ina. “Oh, apo ang laki mo na pala, parang kailan lang nung huli kayong nagbakasyon dito ay maliit ka pa noon,” wika ni lola. At saka niya ako niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD