ZHIRA'S POV.
Nandito ako sa kusina ng bahay nina mama, na kung saan ay dito na kami titira sa ngayon. Katatapos lang naming mag-ayos ng mga gamit kahapon.
Bale magka-kwarto kami ni mama sa dati n'yang kwarto. Naglagay sila ng bagong kama doon, para tig-isa daw kami ni mama.
Well, ka-si-sixteen ko lang noong nakaraang dalawang buwan. Grade-11 na ako sa susunod na pasukan. Ngayon ay kasalukuyan naming pinag-uusapan nina Tita Monika, Lola Nelia at mama ang pipiliin kong strand.
“Zhira, Oo nga pala, kasalukuyan nang nag-open ang school na papasukan mo, pwede kanang mag-enroll bukas,” masayang wika ni Tita Monika
“Ah, oo nga pala, 'di ba't may strand strand na dapat piliin sa senior high?" Tanong naman ni Lola Nelia.
Ayy oo nga noh! Sa totoo lang ini-isip ko rin ng maigi kung anong strand ang related sa kurso na kukunin ko soon sa college.
Well, mahilig ako sa arts, hobby ko ang mag-drawing at mag-painting kaya isa rin sa gusto kong kuning kurso ay fine arts.
Pero may part rin sa'kin na gusto kong magpatayo ng sarili kong business, kaya gusto ko ring kunin ang kursong business administration...ahh alam ko na, ang pinipili kong strand ay ang ABM.
ABM strand kasi besides sa pagpapatayo ng isang business ay mahilig rin ako sa pagbibilang at pag-aanalyze kaya alam kong nababagay ang hilig ko sa strand na'to.
Napatanong naman si mama, “Nga pala 'nak anong nga palang napili mong strand?”
“Ano po ma, Accountancy Business and Management. In short, ABM,” sabi ko.
Bigla ko namang nasilayan ang ngiti mula sa kanilang labi.
“Naku, hija 'di ba't mahirap ang mga pinapagawa nila sa strand na iyan? 'Yan din ang strand na napili ng pinsan mong Mariel. Sabi niya mahirap daw ang mga pinapagawa sa kanila at marami ring mga activities na binibigay sa mga abm students. Ah, oo nga noh Accountancy, ibig sabihin magbibilang kayo ng maraming mga numero. Alam kong kaya mo 'yan, tutal magaling ka naman sa math!!" Masayang wika ni Tita Monika.
“Ah ABM po pala si ate Mariel noon,” sabi ko.
“Oo, Zhi kaya kung pipiliin mo talaga ang strand na 'yan ay maaari kang magtanong at magpa-turo sa kanya,” sabi ni Tita at halatang malapit na nilang maluto ang adobo at pakbet na kanilang niluluto nina mama.
“Ah, okay po maraming salamat po tita,” tugon ko at tsaka ko tinulungan ang aking Lola sa paghahanda ng mga pinggan.
KYLE'S POV.
“Hayst, yes full charge, haha,” sabi ko sabay tanggal ng charger ko.
Grabe muntik ko na kaninang ma-send yung message ko kay Samantha nang bigla nalang nag-power off 'tong cp ko.
Wala lang katatapos ko lang kasi kaninang maglaro ng ml. Tas 'di ko nalang namamalayan na nasa messenger na pala ako. Then biglang nagkaroon ng lakas ng loob na mag-chat sa crush ko, haha!
Dahil sa sobrang busy ko sa pag-iisip ng icha-chat ko, 'di ko namamalayan na mahigit 30 minutes na pala akong nag-ta-type. Ganito kasi yong magta-type ako tas bigla ko rin lang ding tatanggalin, then mag-iisip na naman ako ng bagong idea.
'Di ko akalain na magagawa ko 'yon, yung tipong kinakabahan ka sa icha-chat mo. Yung may part sa'yo na ayaw mong magkamali or yung sa part na mag-ooverthink ka kung anong mararamdaman niya, kung anong iisipin niya, at kung ano yung ire-response niya.
Ang tanong, magre-reply kaya siya?
So, 'yon matapos ng mahabang pag-iisip, napag-pasyahan ko na siyang i-chat.
ON CHAT:
“Hi Samantha,” chat ko. Grabe kung kayo ngayon ang nasa sitwasyon ko, baka 'di 'nyo kayang labanan ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Hayst, kung alam n'yo lang.
'Ba't parang antagal naman ata mag-reply? Baka may ka-bebe time toh!Char haha! Oa ko noh? Siguro dahil to kay Samantha...sinisi ko pa talaga sa kanya haha!
Pero for real lang ha! Simula nang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya, naging gan'to na mindset ko. Bigla bigla nalang akong nagda-daydream.
“Hello?"
Hayst buti nalang after 15 minutes nag-reply rin siya... worth it yung paghihintay, haha!
Pero biglang nawala yung ngiti ko nang nabasa ko ang sunod niyang sinabi...
“Kilala ba kita?" Chat niya.
Tinatanong pa ba 'yan? Syempre naman love! Uyyyy, hahaha ano ba itigil mo na 'yan...kinikilig ako!!
Biro lang, okay magseseryoso na ako.
“Ah, maybe not pero sure akong nakita mo na ako in person,” chat ko habang nanginginig ang kamay kong nagtitipa sa cp ko.
Oo totoo nagkita na kami in person, nagka-eye to eye contact na nga rin kami, not only once and not only twice...kundi maraming beses na.
“Ah, okay naaalala ko na 'di ba same school din tayo?” Chat niya.
I replied immediately...
“Oo, buti naalala mo, hahaha,” I replied. Syempre nag-haha ako para 'di tayo magmukhang serious 'di ba?
So ayon na nga, nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-chat kay Samantha nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Then pagbaling ko sa direction ng pintuan...grabe nagulat ako. Char haha! Wala, bale yung mama ko lang naman.
“Oh, ikaw na bata ka...anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Sabi ni mama.
Anong bata ma eh 17 na'ko. Mga ibang kaedaran ko nga d'yan nagkaka-anak na...hahaha! 'de joke lang. Pero yung totoo real talk 'yon.
“Wala ma...si Jake kasi nag-prank sa kapatid niya tas natawa lang ako sa kwento niya tas pic ng kapatid niya na nabwi-bwisit, haha,” palusot ko. Syempre kanino pa ba nagmana?
“Sus, ang sabihin mo kinikilig ka. Iba yung mukha ng natatawa, sa kinikilig,” wika ni mama.
“Anong kinikilig ma? Saan naman ako kikiligin? Kanino?" Sabi ko. Haha! Para akong sira dito na nagpapalusot. Ano ba kasing pwede kong sabihin para matapos na'to. Ang gusto ko lang naman ay i-chat ulit si Samantha, eh.
“Ayy, talaga lang ha? Tignan ko nga kung si Jake ba talaga 'yang ka-chat mo,” wika ni mama.
Naku, ngayon pa talaga na nag-reply na naman si Samantha? Hayst.