CHAPTER 3

978 Words
ZHIRA'S POV. “Anak, nga pala oh, pera mo pamasahe pag-uwi. Late daw kasing makaka-uwi ang Tita mo, kaya 'di ka daw niya masusundo...basta tandaan mo yung tinuro ko sa'yong daan papuntang sakayan ng tricycle hah?" wika ni mama. “Okay po ma, thank you...mauna na po ako,” pagpapa-alam ko. Ngayong araw ako pupunta sa school na sabi nina mama at Tita. Actually, do'n rin daw nag-aral at nakapag-tapos si mama, Tita Monika at Tita Mary Anne. Bale tatlo silang magkakapatid. Lahat sila ay nakapag-asawa na p'wera na lang kay Tita Mary Anne, na kasalukuyang nagta-trabaho sa US, bilang propesyunal na nurse. Tumawag siya kagabi kay mama. Sabi ni Tita Mary Anne ay tutulong raw siya sa pangtustos sa pagpapa-aral sa'kin. At dahil na rin sa kadahilanang wala pang nahanap na pansamantalang trabaho si mama. Nagtapos si Mama sa kursong nursing rin. Noon nong nandoon palang kami sa lungsod, nagta-trabaho noon doon si Mama sa Hospital na matatagpuan rin sa aming munisipalidad. Nang maihatid ako ni Tita sa school ay sinamahan pa niya ako sa loob para mahanap ang lugar kung saan ako makakahanap ng enrollment form that I need to fill-up. Pagkatapos akong maihatid ni Tita sa room na iyon ay pumunta na siya sa kanyang work. Nagta-trabaho siya sa isang kompanya bilang assistant manager. Well, maliit lang naman yong kompanya, pero sapat na rin naman 'yong sahod ni Tita Monika para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ng kanyang pamilya. And besides, Engineer ang asawa ni Tita, si Tito Arnold. Bago ako umuwi, bumili muna ako ng mga gamit na kakailanganin ko sa school. 'Di nalang ako bibili ng bagong bag, kabibili lang rin naman kasi ni mama ng bag ko. At isa pa, tinitipid ko pera na binibigay nina mama at mga Tita ko. Gusto ko kasing makabili ng bago kong printer. Actually, may printer naman talaga ako dati pero ngayon wala na...nasunog na. KYLE'S POV. Kasama ko ngayon ang mga barkada ko. Guess what? Bumibili kami ng mga school supplies at iba pang mga gamit na kakailanganin namin. Namili rin kami ng mga bagong sapatos and uniforms. Hayst, back to school era nga naman. Wala lang may mga ilang memories lang akong naalala last year. Yung tipong una ko palang siyang nakita...nabihag na niya ang puso ko. Hindi ko din naman kasi masisisi ang sarili ko, kasi nga kaibig-ibig naman talaga siya. As I said, naalala ko lang. Pero ano kayang magiging section ko? Magiging classmate kaya kami? Kasi if in case na maraming pumili ng ABM strand, there's a possibility na mahahati ng dalawa or tatlo ang sections sa ABM. I hope na sana... magka-classmate kami. So ayon na nga marami ring mga students and some are parents ang mga bumibili dito ng mga alam niyo na...back to school things. Well, kasi nga naman, 1 week and 3 days nalang start na ng school year. Babalik na naman sa dating gawi, syempre. Pero ngayon, dahil sa mag-se-senior high na kami ng mga barkada ko, we'll try our best to be matured enough unlike last year. And syempre, yung dating goal ng mga barkada ko na mambabae no'ng junior high... ngayon hindi na. Goal na naming maging consistent with honors ngayon. Ayy, hindi lang pala with honors, kundi...with high honors. Syempre kaya namin 'yan. Bakit naman hindi 'di ba? Alam niyo na syempre naman mostly sa mga babaeng magiging kaklase namin ay magagaling. Edi ita-try namin ang best namin para mapa-impress sila...Lalo na sa'kin. Alam niyo namang consistent with high honor si Samantha 'di ba? So 'yon I'll do my best to impress her. I'll do my best to make her proud of me, haha! “Kyle, ano bang mas magandang gamitin? Ito ba or ito?" Tanong ni Luke sa'kin. Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si James. “For me ito,” sabi niya sa kanilang hawak-hawak ni Luke. Pero parang gustong isabotahe ni Jake ang sinabi ni James. Wika ni Jake, “Mas maganda 'tong gamitin... for sure. And base on my own experience, mas maganda talaga 'tong gamitin kaysa 'yan.” Sabay turo sa pinili niya. “Ano ba kayo? Si Kyle ang tinatanong ko 'eh. Oh, Kyle para sa'yo? Ano?" tanong niyang muli. “Maybe, this,” simple kong sagot sa kanyang tanong. Naka-uwi na ako. Agad kong ibinaba ang mga binili ko at agad na humiga sa aking kama. Hayst, nakakapagod rin pala noh! Yung mga 'yon kasi kung saan-saan pa gustong pumunta. Paidlip na'ko nang biglang sumagi sa isip ko si Samantha. Well, lagi na kaming nagcha-chat. 'Di ko naman din masabing girlfriend ko siya kasi parang friends-friends palang kami. Actually, 2 days na kaming nagcha-chat at inaamin kong sa konting araw ko palang siyang nakaka-chat, mas napapalapit na'ko sa kanya. Nagtatanongan kami sa isa't isa. About sa mga hobbies namin and about sa mga sports na sina-salihan namin. And kung anong ginagawa namin. At higit sa lahat...nag-good morning kanina siya sa'kin, haha! Alam mo 'yon? Yung tipong paggising mo palang, may matatanggap ka nang message galing sa crush mo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kaninang Umaga. Actually, kahit hanggang ngayon. 'Yung feeling na parang may pinaghalong kilig at excitement na parang ewan sa buong sistema ko. Hmmm, basta ako...ang nararamdaman ko lang sa ngayon ay saya. Nang bigla nalang na bumukas yung pintuan ng kwarto ko at nahagilap ang natatawang mukha ni mama. Hayst, naku naman...ano na naman? “Wow, naman hah! Parang pumapag-ibig ang tamad kong anak ah! hahaha!" natatawa niyang sabi. Sinasabi ko na nga ba, parati nalang sa tuwing nagde-delusion ako, nandyan si mama. Hayst, another palusot na naman ma, ha? “Oh, siya... pumunta ka na sa baba at nang makapag-hapunan na tayo ng papa mo... juskong bata ka! haha!" Wika ni mama at agad na umalis. Tsk! Hayst salamat! buti nalang at 'di na nagtanong ulit! haha! Muntik na'ko don ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD