ZHIRA'S POV.
Kagigising ko lang... pero parang gusto ko ulit matulog.
Iidlip na sana ako ulit nang bigla kong naalala na tatlong araw na lang... pasukan na. Well, wala naman talaga dapat akong ikabahala, kasi nai-prepare ko na ang mga gamit ko sa school at mga isu-suot ko.
Sa totoo lang, napapanibago ako. Hindi kasi ito ang nakasanayan kong kulay ng uniporme. Dati kulay red at maroon... ngayon blue at sky blue na.
And isa pa, Grade-11 na ako, ano kayang pwede kong gawin?
I mean, yung mga schedule plans ko... dapat ko nang i-organize. At syempre, dahil sa nangyaring trahedya sa pamilya namin...parang ang hirap nang bumalik pa sa dati. Yung dating ako. Yung totoong ako. Si Zhira na pala-ngiti, pala-kaibigan at si Zhira na kayang mag-ayos sa sarili.
Gusto ko sanang ipagpatuloy ang dating ako, pero bakit parang ang hirap. Sobrang hirap... 'di ko na masubukang ngumiti pa. Oo, kaya kong ngumiti, pero hindi na yung parang katulad ng dati na makikita mo sa aking mga ngiti. Dahil kahit pa man pilitin kong sumaya ulit, ay patuloy na bumabalik at bumabalik parin ang trahedyang nangyari sa aming pamilya.
Ang sakit... sobrang sakit. Sobrang napakahirap na tanggapin.
Kaya ko pa kayang ibalik ang tunay na ako? Yung dating si Zhira na kilala bilang isang pala-ngiting bata. Na maraming kaibigan at higit sa lahat, mahilig makipag-interact sa kapwa.
Siguro kaya ko! Pero pa'no?
Pakiramdam ko nag-iisa na lang ako. Kasi wala akong nakakasama palagi dito. Lagi akong nasa loob ng bahay...
Si Lola nagbabantay ng aming munting tindahan. Si mama na tinanggap ang alok ng kanyang matalik na kaibigan na magtrabaho ulit bilang nurse malapit dito sa'min.
Samantalang ako, nandito. Nandito lang sa loob ng bahay at inuubos ang oras sa pagbabasa, pagguguhit, pagpipinta at pagmumuni. Nag-iisip kung anong pwedeng gawin. Kung pa'nong bumalik sa dating ako.
KYLE'S POV.
Uninom ko ang mainit kong kape, nang biglang nag-pop out sa cp ko na nagchat si Samantha.
SA CHAT:
“Good morning, Kyle,” chat niya.
Grabe, hanggang ngayon, 'di parin ako makapaniwala. Ilang araw na rin bago ko sinimulang i-chat si Samantha. Pero mapasa-hanggang ngayon, 'di parin mawala-wala yung excitement na nararamdaman ko. Bakit?
“Good morning too, babe,” si-nend ko pero after 10 seconds, inunsent ko rin kaagad. Haha! Grabe, Kyle sa'n ka ba nakahanap ng lakas ng loob mo para mag-reply ng ganon ha!!
Well, sa ilang araw naming pagcha-chat... naniniwala na ako na totoong may forever. Char haha!
Pero seryoso, parang may chemistry kaming dalawa, eh!
Biruin mo 'yon... pangalan niya, Samantha at ako naman ay Kyle, Oh! 'Di ba bagay? Haha!
Hindi, actually, yung totoo... ay inaamin kong mas nabibihag niya ang puso ko. Habang mas tumatagal ang pag-uusap namin ay mas lumalalim rin ang nararamdaman ko para sa kanya.
So 'yon, mahigit isang oras kaming nag-chat ngayong umaga, at masasabi kong sobrang saya ko na naman. Wala eh! Pano ba 'yan? Naka-usap ko na naman yung crush ko...
I hope that someday, magkaroon ako ng lakas ng loob para ligawan siya.
So ayon 'di ako maka-get over sa chat namin kaya naman nagback-read nalang ako. Pero habang nagba-back read ako, nakita ko yung petsa ng araw ngayon.
“Ayy, oo nga noh! 3 days nalang, back to school na ulit,” wika ko sa sarili ko
Hayst, excited na ako. Wish ko talaga na sana ay maging classmate ko si Samantha. Kung magiging classmate ko siya... sisiguraduhin kong pop-protektahan at tutulongan ko siya. Hindi ko hahayaan na may manakit sa kanya. Kaya if ever na may mang-away sa kanya, I'll sacrifice my self to her...Uyyy! Char lang! Ang oa, haha!