ZHIRA'S POV.
Kagigising ko lang... 4:30 am. Pagkatingin ko sa orasan sa kwarto ni mama.
Ginising ako ni mama at pagkagising niya sa'kin, agad siyang tumungo sa kusina upang ipagluto daw ako ng agahan. Ang aga naman. Parang gusto ko pang umidlip saglit.
“Oh! Zhira, gising na!" Panggising ni mama sa'kin.
“Hmmm,” ang tanging tugon ko.
“Oh! First day of school niyo ngayon...dapat maaga kang pumasok. Para 'di ka ma-late, bumangon ka na d'yan,” wika niyang muli.
“Okay, ma,” simple kong sagot. Gusto ko pa talagang umidlip... 5 minutes more, please.
Pero wala eh! Wala akong ibang magagawa, dahil tama si mama. Bawal akong ma-late. First day na first day male-late ako, eh! transferee pa naman ako. 'Di ko pa sanay do'n. 'Di ko alam ang magiging room namin. At higit sa lahat, wala akong kakilala.
Graduated na ng High School ang dalawang anak ni Tita Monika. Parehong nasa college na. Hmmm, sinasabi ko na nga ba, eh! Magiging malungkot ako dito. Ni wala akong kilala sa school na 'yon.
Habang kumakain kami ng agahan ni mama, may bigla siyang sinabi.
“Oh, Zhira, ngayong araw nila sasabihin kung anong magiging section mo at adviser niyo. Basta kung 'di mo alam kung saan ang part ng magiging room niyo... 'wag kang mahihiyang magtanong sa ibang students at teachers don. Lagi mong tatandaan na gawin mo lang ang best mo... magpakatotoo ka lang. At kung sakaling may mang-away man sa'yo. Hay naku! 'Wag mo nalang patulan, okay?” Mahabang pangaral ni mama na agad ko ring sinang-ayunan.
“Okay po ma, salamat,” sabi ko.
KYLE'S POV.
Bigla akong naalimpungatan dahil sa alarm clock kong nakaka-bwisit.
Ikaw ba naman nananaginip ng sweet moments niyo ng crush mo tas may biglang letseng alarm clock na manggigising sa'yo. Aba'y napaka-walang hiya.
So ayun, kahit ayoko pang bumangon ay napilitan akong gisingin ang buong pagkatao ko. Haha!
Bigla akong naabuhayan nang maalala kong nag-set ako ng alarm clock ko ng sobrang aga, dahil ayokong ma-late ngayong first day of school. At syempre, dahil gusto ko nang baguhin ang dati kong gawi. Last year kasi, lagi kaming nale-late or nagpapa-late papunta sa school. Kasi 'yon yung trip naming magbabarkada.
Biglang sumagi sa isipan ko ang imahe ni Samantha. Kaya bigla akong nabuhayan. At deretsong nagtungo sa bathroom ng aking kwarto at agad na alam niyo na...haha!
Hindi, syempre ginawa ko ang morning routine ko.
Then 'yon, saktong nagsusuot ako ng t-shirt ko nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Kasabay ng sigaw ni mama.
“Kyle, bumaba ka na riyan at kainin mo na ang almusal mo, 'wag mong sabihin na natutulog ka pa hanggang ngayon? Eh! Anong oras na? 6:43 na! Anong oras kang makakarating sa skwelahan niyo sa tingin mo, ha? Bilisan mo nang bumaba riyan! 'Di ka na natuto. Mula noong bata ka hanggang ngayon wala paring nagbabago sa'yo. Hay naku! Bilisan mo!” Mahabang sigaw ni mama.
Grabe si Mama na talaga ang masasabi kong best in rapper sa buong mundo. Daig pa si Twista, haha!
“Okay ma, bababa na, saglit lang,” tugon ko.
Hayst, first day na first day of school, bukod sa ako sana ang ma-stress, si mama naman.
At isa pa, ba't naman ako mai-stress? Eh! Excitement ang mas nangingibabaw sa sistema ko.
ZHIRA'S POV.
Hinatid ako ni Tita Monika papuntang school. Masasabi kong mula palang dito sa b****a ng gate... lungkot na ang nararamdaman ko.
'Di ko alam kung bakit. And besides, ayoko ring alamin.
Bale papasok palang ako pero makikita mo na kaagad ang mga samu't saring mga mata at samu't saring mga boses na nagkwe-kwentohan at nagtatawanan.
Actually parang ako lang ang naiiba sa lahat. Ba't parang 'di ako na-inform na hindi pa pala ngayon ang pagsuot ng uniform. Halos lahat sila naka-t-shirt... ako lang ang naka-blouse at palda. In short, ako lang ang naka-complete. Naku naman.
Tas may bigla nalang akong narinig sa 'di kalayuan.
“Hoy bes, nakikita mo ba 'yon? Parang tanga lang, haha!” Sabi ng isang babae.
“Nasan?” Tanong naman ng katabi niya. Tas nung nakatingin na yung kasama niya sa banda ko ay bigla niyang sinabing, “Parang hindi familiar, haha!” Natatawa niyang sabi.
“Baka naman transferee lang, kaya 'di na-inform,” wika naman ng naka- eye glass nilang kasama.