bc

My Professor's Secret

book_age18+
697
FOLLOW
2.7K
READ
like
intro-logo
Blurb

Kung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun.

Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkaroon ka lang ng kaunting mali, bulyaw agad ang aabutin mo.

But even after all of this, the campus loves him. Paano? I think maybe dahil hot and gwapo siya. Pero hindi ako ang nagsabi nun, ha? Narinig ko lang, sus.

Masasabi kong... he's a walking calculator. Soooobrang talino, lalo na sa calculus. Pero alam niyo ba kung bakit mas hinahangaan siya ng lahat?

That is... because he's a mysterious type. Ewan ko, but I think behind all of this is a secret. MY PROFESSOR'S SECRET.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Guerrero!" SHUTAA... ano nanaman ba? "S-Sir?" Masama ang tingin niya sakin "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Uhm-" "Flirting during my class?" "H-Hindi po sir. K-kwan, nagpapaturo lang po ako sa kanya about sa lessons niyo." His brow lifted, in a mocking manner. Tiningnan niya ang katabi kong si Jeffrey na katulad ko'y kabado rin. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pagkaraan ay bumalik sa akin ang tingin. "Ba't sa kanya ka nagpapaturo? Siya ba ang professor mo sa calculus?" "H-hindi po sir." "Kung ganun, sino?" Tss... "I-ikaw po... sir" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His presence screams the power of dominance. It was like he can easily boss people around him. Looking at him makes my knees tremble. "Now that you know, sa akin ka magtanong at huwag sa kaklase mo. Are we clear?" Tumango ako "Move your things. Dito ka sa harap." WHAT? "P-pero kasi... komportable na ako sa arrangement ko sir." "And I'm not." Busangot kong kinuha ang aking bag at tumayo. "Miss Madrigal, exchange seats with Miss Guererro." Tahimik na nagligpit ng gamit ang kaklase kong nasa unahang row. Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong kwarto. Ganito talaga kapag class period ni Sir Liam, takot silang mag-ingay. But I know, they are silently watching every scenes, creating murmurs inside their mind. Thankfully, the class went well without him getting furious. Puro lecture lang ang ginawa niya ngayong araw but I'm sure tomorrow may ibibigay siyang short assessment for sort of review. Lunch time, nasa cafeteria kaming lahat na magkakaibigan. I'm silently eating while they're talking about stuffs. "Alam niyo si Professor Liam? May pakiramdam akong natitipuhan niya itong kaibigan natin." Natigil ako sa pagsubo at napainom ng tubig. "Yeah right, kapansin-pansin nga naman." pagsang-ayon ni Althea Napatingin silang lahat sa akin "What do you think Becky?" taas ang kilay na tanong ni Nicole sakin Nag-iwas ako ng tingin. "Tss..." "Hayy... kainggit ka naman Beck. Isipin mo ang daming nagkakagusto sayo kasi ang ganda-ganda mo." pangalumbaba ni Nikki "Maganda din naman kayo ah" ako "Pero hindi katulad mo." balik nila I sighed "Pero kung ako sayo sis, matagal ko na yang sinunggaban si Sir. Ano kaya kung-" Natigil si Althea nang makitang tumayo ako. "Oh? San ka pupunta?" tanong nila "Mauuna ako sa classroom" "Pero hindi mo pa naubos itong lunch mo." si Nicole "Kayo nang bahala diyan. Bye!" Dali-dali akong umalis don. Ayoko kasi kapag ako ang palaging topic. I look at my wristwatch. I still have twenty-five minutes left, a plenty of time to take a nap. Nang makarating ako ng classroom ay nakita kong wala itong katao-tao kaya napangiti ako. Pasalampak akong naupo sa aking upuan. I layed my head on the table. Ginamit kong unan ang aking kanang braso. Nasa kalagitnaan ako ng aking mahimbig na pagkakatulog when I felt a hand carressing my hair. Or I'm dreaming? Hindi ko maidilat ang aking mata dahil sa tindi ng antok. Nagulat nalang ako na pagkadilat ko, may rosas na nakapatong sa table ko "Kanino galing yan?" tanong ng katabi kong si Ara, my nerd classmate. May hawak siyang makapal na libro at napansin siguro nito ang rosas na nakapatong sa mesa ko. "Ewan ko, hindi ko alam." Saktong nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang lunch time. Unti-unting nagsisipasukan ang mga estudyante sa loob ng classroom. Nakita ko ang pagpasok ng tatlo kong kaibigan. They immediately caught the sight of what I'm holding. "OMG! Saan nanaman galing ito friend!?" si Althea at inagaw sa akin ang hawak na bulaklak. I shrugged "Sa dami ba naman ng admirers nitong si Becky, malalaman pa kaya?" kontra ni Nicole "Kainggit! Sana ako din." nakangusong saad ni Nikki kaya napailing na lamang ako. "What's that? Another flower from an admirer?" lapit ni Jeffrey samin I sighed. Kailan kaya ako titigilan ng mga 'to? "Di ba isa ka na don?" Nikki fired at him kaya napakamot ito sa batok. Napangiti na lamang ako When I got home after school, agad akong dumiretso sa aking kwarto upang makapagbihis. I ate dinner with mom and dad. Pagkatapos non ay dumiretso akong study room. Kinatok lamang ako ni mommy nang makitang wala pa ako sa aking kwarto. "Hindi ka pa ba tapos diyan anak? Malapit nang mag-twelve." "Patapos na ako ma." "Sige, basta matulog ka na after niyan, ha?" "Yes ma" Hayys... ba't ba naman kasi ang hirap ng calculus? Sure pa naman akong magbibigay ng assessment si Sir Liam bukas. Pag nagkataon, tigok ako. Kinabukasan, back to school ang buhay ko. Minsan, nakakatamad pumasok sa skwela pero kailangan. Ba't ba kasi ang tagal ng weekend? "Becky, try this" Lumapit ako sa kanilang tatlo. "What's that ba?" "Liptint" ngisi nila "May lipgloss ako dito" ako "Pero iba pag liptint! Try mo naman girl." giit ni Althea Tumango si Nicole bilang pagsang-ayon. "Atsaka, fav. color mo yan Beck, rosy pink." Nikki added I chuckled "Talaga ba? Sige nga, try ko." Si Thea na mismo ang naglagay nun sa lips ko. I pressed my lips together after that to spread the tint. "Okay lang ba?" tanong ko sa kanila Ngumiti sila. Nagthumbs up pa si Nicole sakin, "Bagay sayo, it suits your skin color." Habang papalapit ang period ng calculus ay kinakabahan ako, walang pumapasok sa utak ko. Ang mga kaklase ko, todo review sa mga notes nila. Nang dumating si sir Liam ay natahimik ang lahat. We greeted him a good morning and he nodded coldly. Sinuyod niya kami ng tingin at natigil sa akin ang mga mata niya. I saw how his eyes landed on my lips. Kumunot ang noo niya. I heard his frustrated sigh. "Starting from now on, I don't wanna see you girls wearing cosmetics." Narinig ko ang pag-angal ng nakararami. "If you have any problem with that, you can honestly tell me. Madali lang naman hanapin ang pangalan niyo sa records ko." Natahimik silang lahat "Ang babata niyo pa puro na kayo porma at paganda. Especially you Miss Guererro!" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Ako nanaman? "Ngayon lang naman ako nakapag liptint sir ah?" angal ko "I don't like it" malamig niyang tugon Tch. It's not like I needed your opinion. "I'll be distracted." dagdag niya Narinig ko ang munting singhap ng aking mga kaklase. Napakurap ako ng ilang beses. Nakita ko ang pamumula ng taenga ni sir Liam. "A-Anyways, let's start our short assessment." Nagsimula na siyang magbigay ng problem sa white board. Bumalik ang kaba sakin. Paano pagna-zero ako? Ang hirap pa naman ng lessons niya ngayon. Nakakahiya! He gave us a minute to answer all the given problems. Pinagpapawisan ako habang sinasagutan ang bawat item. Shocks! Ngayon palang alam kong bokya na ako. "I need volunteers to answer the five item assessment." anunsiyo niya matapos ang binigay na oras Nakita ko ang pagtayo ni Ara, willingly to answer the numerical problems. Well, she's genius. "Anybody else?" tanong ni sir Liam nang makitang wala nang iba pang tumayo maliban kay Ara. His eyes pierced after noticing that no one's willing to volunteer. Natapos nang sumagot si Ara ay wala pa ding tumatayo. "Madali akong kausap." He started mentioning names. Pinigilan ko ang aking tawa nang marinig ang pangalan ng aking tatlong kaibigan. Buti nalang hindi na-mention ang name ko this time. Taranta silang lahat sa pagsagot, nag-agawan pa sa markers. Paano ba naman, nasa likuran lang nila si sir at binubulyawan sila sa bawat maling sagot. "Miss Nikki Juarez, what's with the negative sign!?" Nakita kong parang naiiyak na si Nikki. Matapos nilang sagutin ang bawat item sa whiteboard ay bumalik na sila sa kani-kanilang upuan. Ibinigay sa akin ni Ara ang sinagutan kong papel at ibinalik ko din yung sa kanya. As expected, she got the perfect score, while me? Ofcourse I got zero. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. "Pass your papers forward." At syempre, dahil ako nasa pinakagitna sa harap, nasa akin lahat ng papers. Tatayo na sana ako para ibigay sa kanya pero siya na mismo ang lumapit. I handed it to him. Nagkatinginan kami saglit at agad din akong nag-iwas pagkatapos. "Now that I have your papers, I will announce your scores." I heard many complains. Tahimik lang ako pero sa loob-loob ko, sana huwag nalang! Nakakahiya ang score ko! Ngayon lang ako nabokya! He started announcing each of our scores. Pokerface siya habang nagsasalita. "Miss Ara Agustin got the perfect score of five. Very good." I saw how Ara blushed after that. Pinuri siya ng mga mga kaklase ko. More names and scores was mentioned. May scores na four, three, two, pero wala pang zero. Naku, mukhang ako lang pala ang zero dito. Sooobrang nakakahiya! "Miss Nikki Juarez got zero." Napahinga ako ng maluwag. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Prof Liam. "Ba't may zero pa dito!? Sing laki ba ng monggo ang utak mo?" "Pano ang hirap po kasi sir-" "Anong mahirap na part dito!? Ang sabihin mo, hindi ka nakikinig sa klase ko!" bulyaw ni sir "H-Hindi naman po sa ganun sir..." pagdadahilan niya "Anyway, paano ka nga naman matututo kung palagi kang tulog sa klase ko?" sir Liam taunted Pumula ang pisngi ng kawawa kong kaibigan nang malamang nabisto siya ni sir. Dagdag pa na pinagtawanan siya ng mga kaklase ko. Bigla akong kinabahan. My goodness, baka ako naman mamaya ang ipahiya niya. "Miss Becky Guerrero got..." napatigil siya. Kumunot ang noo niya at napatingin sakin. Bumilis ang aking paghinga. He sighed as he look at me. "You better do well next time Becky. Are we clear?" he said in soft tone Wala sa sariling napatango ako. "Y-yes sir." Tumaas ang sulok ng labi niya at nagpatuloy sa ginagawa. "Tch... Palibhasa kasi favorite student." dinig kong bulong sa likuran. Pagsapit ng lunch time, inis na nilantakan ni Nikki ang kanyang egg sandwich "Arghh! Sobrang unfair niya!" Nicole threw her a disgusted look. "Will you please eat properly? Here." Inabutan niya ito ng tissue. "Kasi naman eeeh!" she whined. "Nakakainis si sir! Pinahiya niya ako! Tinawag pang utak munggo!" "Bakit, hindi ba?" Althea joked "Eh hindi lang naman ako ang nakakuha ng score na zero ah? Si Becky din!" "Alam mo na ang sagot diyan." pambabalewala ni Nicole "Hmp!" Tahimik lang ako habang kumakain at pinakikinggan sila. Pagkaraan ay nag-ring ang phone ni Nikki na nasa ibabaw ng table. "Excuse me" Umalis siya at sinagot ito. Maya-maya ay bumalik din siya. "Uhm... guys, alis muna ako ah?" "Ubusin mo muna itong sandwich mo." si Nicole "Huwag na, pupuntahan ko muna si Jake." Althea looked at her, annoyed. "Go" Nang makaalis na si Nikki ay tinanong ko silang dalawa. "Hindi pa naman sila nag o-one year ng boyfie niya, diba?" "I think five months palang yata sila." sagot ni Althea "Nikki used to spend so much time with us. Ngayon, ino-occupy na ng Jake na yun ang halos lahat ng oras niya." Nicole spoke while playing with her straw. "If I know, kulang sa tulog yang si Nikki. If you had noticed, she sleeps during class periods." Thea added "Kaya ba na-zero siya kasi wala siyang masyadong time sa pag-aaral niya?" "Parang ganun na nga" they concluded "Eh ako ba't ang dami ko namang oras for my study ba't na-zero pa din ako?" tanong ko sarili. They both laughed at me. During the afternoon classes, at the second period subject, hindi pa man dumadating ang subject teacher ay tinawag ako ni Althea. "Why?" lapit ko sa kanya "Samahan daw natin siya." turo niya kay Nikki na ngayon ay nakangusong nakatingin sa akin. My brow creased. "Saan?" "Sa cafeteria. I'm hungry na kasi eh." sagot mismo ni Nikki Napailing ako. "Ba't di mo nalang kasi tawagan yang boyfriend mo!? Sabihin mo dalhan ka ng pagkain dito." si Nicole na ngayon ay naiirita na. "Cole naman..." Nikki pouted even more "Tss... di kasi inubos yung pagkain kaninang lunch eh, yan tuloy..." Tumayo siya, sumunod din si Thea. Nikki excitedly got up. "Yay! sasamahan niyo ako!?" "It's not like may magagawa pa kami." Thea rolled her eyes "Becky, how about you?" Nikki smiled sweetly I sighed. "Okay. Basta bilisan lang natin, ha? Suplada pa naman ang teacher natin sa history." We went to the cafeteria and it took time for us before we came back. Pagkabalik namin ng room ay sarado na ang pinto. Through the glass window, the teacher in the subject history is in the midst of her discussion. Napabaling ito sa amin at tiningnan kami ng matalim bago bumalik sa kanyang ginagawa. "Argh! We're late..." inis na sambit ni Althea "Kasi naman eh" si Nicole at binalingan ng masama si Nikki "Ayaw niyo nun? Out tayo sa boring niyang klase? Ang saya kaya." hilaw siyang ngumiti sa amin "Alam mo? Ang sarap mong i-untog sa boyfriend mo." utas sa kanya ng dalawa "So, are we all going to stand here until the end of her class period?" untag ko sa kanila "Maybe" "But forty-five minutes is too long!" Nicole said impatiently. Matalim naming tiningnan si Nikki na ngayon ay busy pagnguya ng siopao niya. Para bang wala itong pakealam sa mundo. "Oh my! Si sir Liam padaan dito!" untag ni Thea samin Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya. And she's right, padaan nga dito ang professor ng calculus. Nakakunot ang noo nito at may hawak na class record habang naglalakad sa corridor. Nang makalapit ay tumigil ito sa mismong tapat namin. "What are you doing here?" nakadirekta sa akin ang kayang tingin. "W-we cannot go in." sagot ko "And why is that?" "Eh kasi sir may binili lang kami tapos pagbalik namin nakasarado na yung pinto. Ayaw kasi ni teacher Kath ng mga students na late sa klase niya kaya siguro..." pagpapaliwanag ni Althea Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga. "Wait here" he mentioned He went to the door and knocked it with force. Nakita kong binuksan ito ni teacher Kath, her eyes terrified. "Professor Lim?" "Ba't nandito sa labas ang estudyante mo?" I shivered at the coldness of his voice. "Late kasi sila sa klase ko. One of my rules-" "Papasukin mo sila." "W-What?" Napatingin sa amin ang kawawang teacher. "Pero kasi-" "Ayokong ulitin pa ang sinabi ko." "But Sir, they have to learn-" "Kaya siguro ang daming cases ng mga nag-c-cutting class ngayon kasi hindi niyo binibigyan ng second chances ang mga estudyante niyo." preskong paliwanag ni sir Ngumiwi ako "Says the person who didn't give second chances." bulong ni Nikki Sa huli, walang ding nagawa ang guro. Naunang pumasok ang tatlo samantalang nagpahuli ako. Nasa door step ako nang nilingon ko siya. "Salamat sir Liam" "You're welcome Becky" he smirked

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.9K
bc

The Lone Alpha

read
35.5K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.4K
bc

Just Got Lucky

read
142.2K
bc

The Luna He Rejected

read
141.1K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.2K
bc

Cruel Love

read
775.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook