Continuation…
As what I have said earlier, there will be a sports game this afternoon. Siguro manonood ako ng game, kasama sina Thea. Excited pa naman ang mga iyon, lalo na kapag basketball. Hanap kasi ng mga iyon ay mga gwapong players.
“Hmm… what will you do this afternoon? Just stay in your office?” I asked
“Maybe”
Nakaakbay ang kanyang kaliwang kamay sa akin habang nasa couch kami. Ang kabilang kamay naman ay pinaglalaruan ang aking mga daliri. I’m leaning on his chest, enhaling his soft and manly scent.
“What’s your perfume ba? Ang bango.” Komenta ko at mas lalo pa siyang inamoy
He chuckled. “This is natural baby.”
I pouted. “You and my crush have the same scent.”
Nagulat ako nang bigla siyang umahon kaya napaayos ako ng upo.
“Anong crush!?”
Halos pigilan ko ang aking tawa nang makitang namumula ang kanyang tenga, halatang naiirita.
“Crush lang naman eh.” Pagdadahilan ko
Tumalim ang tingin niya sakin.
“L naman, huwag ka nang magsungit, di bagay sayo.” Bungisgis ko
He sighed. “Who’s that crush of yours? At nang mabalian ko ng buto.”
Ngumuso ako. “I don’t know everything about him.”
He chuckled playfully. “Trying to protect him, huh?”
“No, I’m telling the truth. Last time, he saved me in the elevator when I was scared. I couldn’t even thank him before he left.” Pagbabalik alaala ko
Napansin ko ang pananahimik niya kaya napatingin ako sa kanya.
“So, that man inside the elevator… is your crush?”
Hindi ko maintindihan kung bakit may munting ngiti sa kanyang labi ngayon. Kanina lang parang ang init ng ulo niya eh. What’s the sudden change?
Hindi ko namalayan ang oras. Nakatanggap ako ng message mula sa mga friends ko. They say na nasa gym na daw sila at malapit nang magsimula ang game.
Nagpaalam ako kay L ngunit pinigilan niya ang aking braso.
“This is our first day being in a relationship together. Why not celebrate it?”
Kumunot ang aking noo.
“Let’s go out.” Dagdag niya
“Pwede ba yun? Close pa ang gate at masyadong strict ang guard kaya hindi tayo basta-bastang makakalabas.”
“Trust me.” He winked
Hindi ko alam kung paano kami nakalabas ng campus. Mukhang napapasunod niya ang mga tao dito. Even the guard highly respects him.
Dinala niya ako sa isang sikat na shopping mall. I held into his arm.
“Baka may makakilala sa’tin dito.” I whispered
Tumingin siya sa’kin. “Are you worried?”
“Medyo” sagot ko
Tumango siya at tumingin sa paligid. May kinausap siya, mukhang General Manager yata nitong mall.
Bumalik siya sakin pagkatapos.
“Let’s go?” he intertwined our hands.
Biglang nag-ingay ang fire alarm nitong mall kaya napatingin ako sa mga taong nagpapanic at nagmamadaling magsilabasan.
“What’s happening?” nag-aalalang tanong ko at natigil sa paghakbang.
“Don’t worry baby, this is all an act. Mamaya din, tayo nalang ang tao dito sa loob.”
Umawang ang aking labi, biglang may napagtanto.
“Don’t tell me… you planned this!?”
He shrugged. “You told me that you’re worried.”
May itatanong pa sana ako ngunit hinigit niya na ako.
Maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan. Like, how can he do this? How can he easily manipulate the people around him? I realized, marami pa talaga akong hindi alam sa kanya.
Hawak niya ang aking kamay habang may nakasunod na dalawang empleyado sa’min.
“This would suit you.” Sambit niya habang pinapakita sa’kin ang isang ribbon lace dress.
Kanina pa kami naglilibot at kung ano’ng mga bagay na sa tingin niya ay babagay sakin ay kinukuha niya.
“This is cute.” Komenta ko habang hawak ang isang white t-shirt na may printed picture ni Baymax sa harap.
Nilapit ko ito sa kanyang katawan at sakto lang ang size para sa kanya.
“Bagay sa’yo ‘to.” Ngisi ko
Busangot na tinanggap niya ito ngunit may munting ngiti sa labi.
“I’m not someone who actually wear this. But ofcourse, susuotin ko ‘to para sayo.”
I told him that I’m thirsty kaya dinala niya ako sa isang refreshment room. He ordered me a glass of soda and a sweet foods.
It was the same set-up pagkatapos. Hinatid niya ako sa bahay. But ofcourse, hindi sa mismong tapat.
He sighed beside me. “Baby, I’m not comfortable with this. Yung nagtatago tayo, worried that someone might see us. Gusto kong malaman ng lahat ang relasyon natin, including your parents.”
Hinawakan niya ang aking kamay. Kinagat ko ang aking labi at tumingin sa kanya.
“But L, kapag nangyari ang gusto mo, it will definitely affect us. Ang pag-aaral ko, ang career mo, at ang mga tao sa paligid natin. Imagine what will be their reactions? Sisirain nila tayo for not following the rules.” Mahabang paliwanag ko
Binuksan niya ang kanyang labi na para bang may kung anong sasabihin ngunit pinili ding itikom sa huli.
He heavily sighed.
“I will send someone to deliver these things in your home.” Baling niya sa mga shopping bags na nasa backseat.
“And the Baymax t-shirt?” I teased
“Don’t worry baby, I’ll keep it. Or I’ll probably wear it tomorrow.” He chuckled
We bid goodbyes to each other. He kissed the tip of my nose, my lips, and he let me go.
“Akala ko ba manonood ka ng game? Ba’t wala ka kahapon? San ka nagpunta? Wala ka sa classroom.” Salubong ang kilay ni Althea habang ngumunguya ng pagkain.
Nandito kami ngayon sa cafeteria, breaktime. Today is another day at tampulan ako ng mga tanong ng aking mga kaibigan.
“And… what’s this?” itinaas ni Nicole ang aking braso at ipinakita sa dalawa ang diamond bracelet na galing kay L.
Napasinghap sila. Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Nikki habang nakatingin sa akin.
“Whoever that person giving you various of stuffs, he’s freaking rich.” Aniya
“I can recognize fake diamonds from real ones.” Dagdag niya
Natahimik ako at napaisip. Masyadong kapansin-pansin itong bracelet na bigay niya. Nahihirapan akong itago sa iba.
Bigla akong napatingin sa mga estudyanteng naghahagikgikan na para bang kinikilig. Bumaling ang tingin ko sa direksyon na tinitingnan nila.
Nakagat ko ang aking dila nang makitang padaan ang sikat na professor ng school.
“Omg! Ang cute niya…”
“He looks different.”
“Yeah, ngayon ko lang siya nakitang nagsusuot ng cute na t-shirt.”
“Pero bagay sa kanya, diba?”
My goodness, talagang tinotoo nga niya ang sinabi niya kahapon. He wears the Baymax shirt today!
Sa pagdaan niya sa bawat table ay siya ding pagpipigil ng tili ng bawat estudyante.
Nang dumaan siya sa direksyon namin ay dumapo ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa sa harap ko. Hindi iyon napansin ng iba dahil diretso lang ang tingin niya sa harap. But I’m sure, my friends saw what he did.
My eyes dropped at the cup of yogurt in front of me.
“T-Tama ba yung nakita ko?” utal na sambit ni Thea.
Nakatingin sila sa strawberry yogurt na nasa harap ko na siyang inilagay ni L kanina nang napadaan siya.
“H-He’s just kind, that’s all.” Me, trying to explain.
“Really, huh?” may pagdududa sa mata ni Nicole.
“Hmm… there’s really something in between you and Mr. Baymax.” Nakapangalumbabang sabi ni Nikki habang nakatingin sakin.
Nagkibit ako ng balikat. “That’s normal, kagaya ng sabi niyo, I’m his favorite student. Natural lang yan.”
Nang matapos ang break ay agad kaming bumalik sa aming classroom.
Habang nakaupo ay napatingin ako sa katabing si Ara. Nakayuko siya habang may binabasang notes.
Pagkatapos ng nangyari kahapon, marami sa mga kaklase ko ang nagalit. Sa kanya napunta lahat ng sisi kung bakit napahiya ang section namin.
But as what as the teacher in PE said, wala ng dapat pang gawin kundi tanggapin ang kung anong nangyari. We couldn’t turn back the time so it’s all useless.
Anyways, parang wala lang din naman iyon kay Ara. It seems like it doesn’t affect her at all. Kagaya nga ng sabi niya, ang boyfriend ko lang ang natatanging dahilan kung ba’t siya sumali ng pageant.
Hmm… hindi ko mapigilang matuwa sa tuwing naaalalang boyfriend ko na si L.
During his time in the class, he gave us a long summative test. Pag-lalahat ito sa mga lessons na naituro niya sa’min noong nakaraan bago pa siya umalis.
I know this is coming. In fact, nabanggit niya ito sa’kin kagabi sa tawagan namin. Ni-send niya sa’kin ang mga kailangan kong i-review, he taught me the easy steps to get the solution, kaya siguradong hindi na ako mabobokya ngayon.
“Let’s start the test.” He said coldly, his voice with authority.
“Whoever I will caught cheating will be out of my class permanently.” Strikto niyang dagdag, sus.
Nang maibigay niya ang test papers ay nagsimula na kaming magsagot.
Nakahalukipkip si L habang nakatayo sa harap. His eyes were like hawk.
Naging madali sa’kin ang pagsagot. Sa katunayan, malapit na akong matapos.
Naglilibot na ngayon ang professor at tinitingnan ang mga sinasagutang answer sheet ng bawat estudyante. Napansin kong nasa gilid ko siya.
One up to fifty item long test itong sinasagutan namin. Nasa panghuling item na ako ngayon ngunit sa kasamaang palad ay nakalimutan ko ang formula.
Looks like I’m gonna skip this one.
I heard him sigh beside me. I looked up and I saw him looking down at my answer sheet.
Pumunta siya sa harap at may kinuhang marker.
“Alright, I will give you a bonus. I’ll give you the formula for the last item.”
Napanguso ako. Oh, really L?
“How ‘bout sa number forty sir?” si Nikki
“Item number one pa sir.”
“Number twenty Prof.”
Naging sunud-sunod ang paghihingi nila ng formula.
“Huwag kayong abuso.” Masungit na sabi ni L habang matalim ang tingin sa kanila.
Natapos ang summative test at nagsimula na ang checking. After the checking ay nipasa namin ang answer sheets sa prof.
He reviewed the scores, nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
“We have two perfect scores.” He declared
Bumaling ang tingin niya kay Ara.
“Congratulations Miss Agustin.”
Pinalakpakan siya ng aking mga kaklase. Ang iba ay namangha at binati siya.
Tumikhim si L kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Ngayon ay napunta naman sa’kin ang kanyang tingin.
“And ofcourse, to you Becky. You too got the perfect score.” Ngisi niya na ikinalaki ng aking mata
I expected na magkaka-score ako but I didn’t expect na map-perfect ko. Mukhang nagulat din ang aking mga kaklase sa sinabi ng professor.
“Wooh! First time yan Becky!” tawa nila kaya nakitawa din ako
Bumalik ang aking tingin kay L na ngayon ay nakangiti sa’kin.
“I’m proud of you, keep it up.” Saad niya kaya natahimik ang lahat.
Nakagat ko ang aking labi. What an awkward situation.
“Sir, ang cute pala ng shirt mo.”
Napunta ang atensyon ng lahat kay Ara nang bigla itong magsalita.
“You think so?” si L na sinagot si Ara. Naku!
“Yes, sir. Bagay po sa inyo.” Ngiti ng bruha
Huh! Ako ang pumili niyan b*tch.
“Well, thank you for the complement Miss Agustin.” Ngiti ni L at tumingin sa’kin.
“Someone chose this shirt for me.” Dagdag niya habang ang mata ay nasa akin parin.
Napatingin si Ara sa’kin at gumalaw ang kanyang panga.
Ngumiti ako sa kanya. Ngiting may halong inis. This girl is really irritating me.