Continuation of Chapter 3.1

533 Words
Nang makarating akong classroom ay mga tanong agad ng mga kaibigan ko ang sumalubong sakin. "San ka nagpunta? Ba't di ka pumuntang cafeteria?" si Althea "Nag-lunch ka na?" concerned na tanong ni Nicole. Umupo ako sa aking upuan habang sila naman ay nakatayo sa aking harapan, nakikiusyoso. "I had my lunch." simple kong paliwanag Tumaas ang kilay ni Nikki. "Saan naman?" Napakurap ako. "D-Diyan lang sa... tabi-tabi." Nagkatinginan silang tatlo bago bumaling sakin. "Ikaw, ha? Mukhang may sikreto ka." ngisi ni Thea Bigla akong kinabahan. "W-Wala ah..." "Eh, ba't ka nauutal?" singit ni Nikki at inilapit pa ang mukha sakin kaya mahina kong tinampal ang kanyang pisngi. I sighed. "Kung may sikreto man ako, ano naman yun sa tingin niyo?" "Ewan, baka may boyfriend ka pala diyan na hindi mo sinasabi samin tapos nakikipagkita ka sa kanya." Napailing ako sa kanila. "Tss..." "Wait, diba nagkausap kayo ni Sir Liam? Anong pinag-usapan niyo?" kuryosong tanong ni Cole Natahimik ako. Tch... pahamak naman. Why does she have to bring up that topic? Tahimik sila at hinihintay ang aking sagot. Napahinga ako nang maluwang nang mag-ring yung bell. Wala silang nagawa kundi bumalik sa kanilang upuan. Ang mga kaklase ko ay natigil din sa pag-iingay at bumalik sa kani-kanilang pwesto. Nagsimula akong maghalungkat ng aking notes sa aking bag at inilagay ito sa aking table for preparation for the first subject. Napansin kong nakatingin si Ara sakin kaya bumaling ako sa kanya. "Do you need something?" ngiti ko Seryoso siyang nakatingin sakin. "Anong pinag-usapan niyo ni sir kanina?" Umawang ang aking labi. "Just... some things." "Kagaya ng ano?" she inquired "Uhm..." naghanap ako ng masasagot. "Diba palaging mababa ang performances ko sa kanya? Kaya ayun... pinag-usapan namin." Nakagat ko ang aking dila dahil sa pagsisinungaling. "Ah" tumango-tango siya at ngayon lang ngumiti. Nang dumating ang teacher namin sa first subject ay agad itong nagsimula sa kanyang klase. Same din sa second subject na history. Nagt-take-down notes ako habang nakikinig sa teacher na kung makapagbasa ng libro ay halos ubusin lahat ng pahina. Halos lahat ng mga kaklase ko ay inaantok sa klase niya. Sino ba naman ang hindi aantukin sa subject na history? Nakita kong halos mabuhayan sila nang makitang padaan sa labas ng classroom namin si Professor Liam. Tumigil pa ito sa mismong tapat ng pintuan namin. Pati ang guro ay natigil sa kanyang pagbabasa. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin. Or... ako ba ang tinitingnan niya? "Behave." mga salitang binitawan niya bago siya tuluyang dumiretso paalis. Nagsi-tilian silang lahat dahil dun. On my right side, nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Ara while biting her lip. "What's wrong with professor Lim today? Ngayon ko lang yata siya nakitang nakangiti." puna si teacher Kath "Baka may nalunok na panis." biro ni Jeffrey kaya nagtawanan ang lahat. "Sus, matapang ka lang ngayon kasi wala dito si sir. Kung nandito yun, sigurong sabog na nguso mo." komento ng isang kaklase ko kaya pinagtawanan siya ng mga ito. "Pero ang gwapo niya, ano?" hagikgik ni miss Kath. "Ambisyosa" Ara mumbled. Ako lang yata ang non nakarinig kaya binalewala ko nalang. [To be continue]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD