CHAPTER 3

1072 Words
"Brett, darating na ngayon iyong babae na sinasabi ko sa iyo. Mukhang malaki ang pag-asa na mapapayag natin siya!" sabi ni Luke matapos tunggain ang alak sa kaniyang kopita. "Paano ka naman nakasisiguro na papayag siya aber, kung sinasabi mo naman na matinong babae pala ito?" nagdududang sagot naman ni Brett. "Kasi pare napakalaki daw ng problema noon, nasa ospital daw ngayon ang nanay at nangangailangan ng napakalaking halaga para sa operasyon ng nito!" wika naman ni Lukke na para bang siguradong-sigurado na papayag nga si Jianna sa trabahong iaalok. "Bakit, anong sakit ng kaniyang ina? Magkano daw ang kailangan?" curious na tanong naman ni Brett. "May brain tumor daw ang ina nito at kailangan ng operasyon sa lalong madaling panahon para hindi na daw kumalat pa at lumala ang cancer at alam mo ba kung magkano ang kailangan?" pabitin na wika ni Luke. "Magkano nga?" naiiritang tanong ni Brett. "Limang milyon pare dahil sa daming gamot na kailangan. Alam kong sisiw lamang iyan sa iyo pare at baka nga bigyan mo pa ng bonus pag nakita mo kung gaano kaganda ang sinasabi ko sa iyo," mahabang paliwanag ni Luke at may pag-akbay pa sa balikat ni Brett. "Siguraduhin mo lang iyan Luke kundi lagot ka sa akin! Baka mapahiya ka kapag nakita ko iyan," tanging sagot lamang ni Brett na tila nag iisip ng malalim dahil sa mga pinagsasabi ni Luke. "Kailan ba ako nagkamali pare sa mga suggestions ko sa iyo lalo na ngayon pare hinding-hindi ako mapapahiya sa iyo! Kailan mo ba gustong makita ang sinasabi ko sa iyo?" nakangiting ani Luke. "Sa lalong madaling panahon pare. Kausapin mo siya ng maayos at gawin mo ang lahat para mapapayag siya at kapag ok na ang lahat dalhin mo siya sa condo ko!" seryosong saad ni Brett. Tila ba nakaramdam siya ng excitement sa mga oras na iyon na makilala si Jianna. Kinabukasan ay napag-isipan ni Brett na mag lakad-lakad muna sa mall. Dahil nakakaramdam siya ng bagot sa bahay. Wala naman kasi siyang gagawin sa hacienda dahil halos natapos na nila ang mga kailangang gawin. Habang naglalakakad ay hindi niya sinasadyang may mabangga siya dahil nakatingin siya sa mga damit na nakadisplay sa may gilid. "Oh! Sorry miss!" paghingi niya ng pasensya sa nakabangga niya. Nabigla siya dahil ang ganda ng kaniyang nabangga. Tila ba nag slow motion ang paligid ng unti-unting tumingin sa kaniya ang babae. Ang ganda nito. Napakalaki ng hawig kay Lysa Soberano, model ang datingan. At sa unang kita pa lamang ay parang nahuli ata nito ang kaniyang puso. "I'm sorry din! Hindi kita napansin," sagot naman ni Jianna at tipid na ngumiti. Pagkasabi noon ay saka siya tumalikod sa lalaki dahil bigla siyang may naalala sa boses nito. Tila ba narinig niya na ang boses nito pero hindi niya lang matandaan kung kailan at saan. Dali-dali siyang lumakad at hinanap si Jenny. Bago sabihin ni Jenny ang trabaho ni Jianna ay inilabas niya muna ang kaibigan at naisipang ipasyal sa mall para malibang kahit papaano at bibilhan niya din ng mga damit na kailangan nito. Nadatnan naman ni Jianna si Jenny sa womens section ng mall. Mukhang namimili ito ng mga seksing damit. Hindi naman siya nagtataka dahil ang seksi naman talaga ni Jenny. Hindi pa rin ito nagbabago mula ng umalis sa kanila. Sadyang napakaganda na nito noon pa. Pareho silang pinipilahan ng manliligaw noon sa kanilang lugar. Noong umalis si Jenny ay maraming nanghinayang lalo na ng malaman na nag asawa na ito. Deserve naman nitong makapag-asawa ng mayaman dahil sa ganda nito na pang model ang dating. "Oh! Jianna, andiyan ka na pala. Tingnan mo itong mga pinili ko tiyak bagay na bagay ito sa iyo, Jianna!" excited na sabi nito. Nagtaka naman si Jianna dahil buong akala niya ay para kay Jenny ang mga pinipili nito. Hindi siya makapaniwala na sa kaniya pala lahat ng pinipili ni Jenny. "Ano, bakit mo naman ako bibilhan ng mga ganyan Jenny? Hindi ko naman kailangan ang mga iyan!" nagtatakang wika ni Jianna. "Kailangan mo ito Jianna, maniwala ka sa akin. Tara na sa counter at ng mabayaran ko na ang mga ito," sabay aya nito kay Jianna. Wala naman nagawa si Jianna ng hatakin na siya ni Jenny papunta sa counter. Nagtataka man ay winalang bahala niya na lamang ito, inisip niya na wala lang iyon. Nang mabayaran na ni Jenny ang lahat ay inaya siya nito sa isang restaurant para kumain dahil ala una na ng hapon ay hindi pa sila kumakain ng tanghalian. Sa isang chinese restaurant siya dinala ni Jenny. Talaga namang masasarap ang lahat ng pagkain na inorder nito. "Kain na Jianna, nakakapagod din iyong pag iikot natin sa mall ano?" anito. "Oo nga eh, nakakapagod din pala umikot sa mall," sagot naman ni Jianna. Masiglang kumain ang dalawa at hindi sila kapwa makapag salita dahil sa sarap ng pagkain na kinakain nila. Pagkatapos kumain ay saka biglang nag iba ang kilos ni Jenny. Napansin naman iyon ni Jianna kaya nag taka siya. "May problema ba Jenny, bakit bigla ata nag iba ang timpla mo diyan?" takang tanong ni Jianna. "Jianna, oras na siguro para sabihin ko sa iyo kung ano ang magiging trabaho mo. Hindi ba't handa kang gawin ang lahat para maisalba ang buhay ng nanay mo?" pagsisimula ni Jenny. "Oo naman Jenny, kahit ano basta mailigtas ko lamang si nanay sa tiyak na kamatayan!" siguradong sagot naman ni Jianna. "Ano nga ba ang magiging trabaho ko Jenny?" "May kaibigan kasi si Drake na isang bilyonaryo Jianna, wala siyang balak mag-asawa pero gusto niyang mag kaanak. Ngayon ang gusto niya ay siguradong maganda ang lahi at matino ang magiging nanay ng kaniyang anak at dahil gusto namin siyang tulungan ay ikaw ang naisip ko noon dahil alam kong mabuting tao ka, tingnan mo naman ang lahi niyo di ba?" mahabang sabi ni Jenny ngunit hindi ito maunawaan ni Jianna. "Hindi ko maunawaan Jenny, ano ang ba ang magiging trabaho ko sa kaibigan niyo?" takang tanong ni Jianna. "Ikaw ang magdadala ng anak ni Brett. Kung baga magiging baby maker ka!" sagot ni Jenny. Nabigla naman si Jianna sa narinig na sagot ni Jenny. Hindi siya makapaniwala sa trabahong iniaalok nito. "Pero Jenny alam mo naman ang paniniwala ng aming pamilya, napakalaki ng aming pagpapahalaga sa aming dangal! Isusumpa ako ni nanay kapag nalaman niya na ganiyan ang trabaho ko dito sa Maynila!" hindi makapaniwalang sagot ni Jianna
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD