Hindi makapaniwala si Jianna sa trabahong inaalok sa kaniya ni Jenny.
Ngunit ito na lang ang sagot sa kaniyang problema. Naguguluhan na si Jianna, hindi niya alam kung ano ang magiging desisyon niya.
"Jianna, isipin mo ang nanay mo. Alalahanin mo na hindi mo basta-basta maiipon ang limang milyon na kailangan niya sa lalong madaling panahon. Ito lang ang tanging paraan Jianna para makuha mo ang ganiyan kalaking halaga. Hindi ka naman namin pababayaan mula sa pag bubuntis mo at pagkapanganak, uuwi ka pa rin sa inyo ng buong-buo," paliwanag ni Jenny dahil alam niyang naguguluhan si Jianna sa mga oras na iyon.
"Ewan ko Jenny, kailangan ko lang siguro ng kaunting panahon para makapag-isip," malungkot na wika ni Jianna.
"Sige ikaw ang bahala Jianna, pero alalahanin mo na kailangang maoperahan ang nanay mo sa lalong madaling panahon. Sa iyo nakasalalay ang buhay niya Jianna," malungkot ding wika ni Jenny dahil alam niya na hindi nga madali ang mag desisyon kapag puri na ang pinag-uusapan. Alam niya na sa pamilya ni Jenny ay napakalaki ng pagpapahalaga sa puri at dangal kaya mahirap nga naman mag desisyon sa ngayon.
"Umuwi muna tayo Jianna upang makapag-isip ka," aya ni Jenny dahil naaawa rin siya kay Jianna. Kung mayroon nga lamang ibang paraaan para mailigtas ang buhay ng nanay nito ay hindi niya ibibigay kay Jianna ang ganiyang trabaho.
Walang gustong umimik sa pagitan ni Jianna at Jenny. Kapwa sila walang lakas ng loob para magsalita dahil sa kanilang naging pag-uusap.
Nirerespeto ni Jenny ang pananahimik ni Jianna dahil alam niyang nag iisip ito tungkol sa trabahong inaalok niya.
Hindi naman malaman ni Brett kung saan na pumunta ang babaeng nakabangga niya. Matapos siyang talikuran nito ay natulala na lamang siya, huli na ng maisip niyang sundan ito para makilala. Hindi niya mahanap kung saan na pumunta ang babae. Kakaiba kasi ang kaniyang nararamdaman para rito, ni minsan ay hindi niya pa naramdaman ito sa mga babaeng dumaan sa kaniyang buhay. Isa pa bakit parang may dahilan kung bakit sila nagkabangga sa mall? Pinipilit niyang isipin kung ano iyon pero sumakit na lamang ang ulo niya ay hindi niya pa rin maisip. Nang mapagod ay nag pasiya na lamang siyang umuwi sa hacienda dahil mukhang wala nang pag-asa pa na makita niya ulit ang babae.
Habang nag dadrive pauwi ay hindi pa rin maalis sa isip ni Brett ang babae sa mall.
"Bakit kaya ang lakas ng tama ko kaagad sa kaniya? Bakit parang... ah ewan, napapraning lang siguro ako!" pag kausap nito sa sarili.
Pagkarating sa bahay ay dirediretso siya sa banyo para maligo dahil nakaramdam siya ng matinding init sa katawan na hindi niya maunawaan kung bakit. Sa bawat pag pikit niya ng mga mata habang naliligo ay ang magandang mukha ng babae ang kaniyang nakikita.
"Buwisit! Nababaliw na ata ako!" inis na anito sabay kuha ng tuwalya at saka lumabas ng banyo at umupo sa kaniyang kama.
Bigla namang pumasok ang kaniyang yaya dahil nagtaka ito dahil sa kilos nito mula pag dating galing sa kung saan.
"Iho, ayos ka lamang ba? Bakit parang problemado ka ata pag dating mo?" takang tanong nito kay Brett na hindi pa rin maipinta amg mukha.
"Ay! Naku yaya, may nakita kasi akong babae sa mall. Mula nang makita ko siya ay hindi na ako mapakali, mukha na nga akong engot doon sa mall sa kaiikot dahil sa paghahanap sa kaniya eh. Ang ipinagtataka ko eh bakit parang nabigla siya ng marinig niya ang boses ko? Feeling ko tuloy kilala niya ako eh," naguguluhang ani Brett.
"Mukhang tinamaan na ata ni kupido ang anak ko ha?" natatawang nasabi na lamang ng yaya ni Brett nang mapansin niyang hindi nga mapakali si Brett nang dahil lang sa isang babae na hindi pa nito nagawa noon sa dinami-dami ng mga babaeng nakasama nito.
"Ewan ko nga ba yaya, hindi ko pa naramdaman ang ganito noon sa mga babaeng naging girlfriend ko. Ngayon kahit hindi ko pa siya kilala parang nakuha niya agad ang puso ko yaya. Naisip ko tuloy na siya ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko," seryosong saad ni Brett.
"Baka gutom lamang iyan iho, halika na sa ibaba para makapag hapunan na tayo," natatawang sabi na lamang ng yaya ni Brett.
"Baka nga yaya! Sige po mauna na kayo at magbibihis lamang po ako," sagot naman ni Brett.
"Oh! siya, bilisan mo lamang iho at nang hindi lumamig ang pagkain ha," sabi ng kaniyang yaya saka lumabas ng kaniyang silid.
Pag baba ni Brett ay nadatnan niyang nakahain na ng pagkain sa mesa at hinihintay na siya ng kaniyang yaya. Biglang nakaramdam si Brett ng lungkot at tila ba naghanap siya ng pamilya na kasabay niyang kakain sa hapag kainan. Bigla niyang naalala ang kaniyang mga magulang na medyo matagal niya na ring hindi nakikita.
Napansin naman ito ng kaniyang yaya kaya nilapitan siya nito para haplusin sa likod. Kilala na kasi siya ng kaniyang yaya. Alam nito na nalulungkot na naman siya at namimiss ang mga magulang.
"Iho, hinahanap mo na naman ang mga magulang mo ano? Huwag ka nang malungkot nandito naman ako eh hindi kita iiwan, lagi mo akong kasama," pag aalo nito sa alaga. Alam kasi niya kapag ganito na si Brett. Alam niya ang ugali nito dahil siya na ang nagpalaki dito mag mula ng ito'y sanggol pa lamang kaya dama niya kung nalulungkot ito at nasasaktan siya kapag ganito si Brett.
Hindi na umimik so Brett at niyakap na lamang nito ang kaniyang yaya. Pumatak ang luha nito sa balikat ng yaya dahil sa lungkot na nararamdaman.
"Tama na iyan iho, kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain," saway ng yaya.
Dagli namang pinunasan ni Brett ang luha dahil medyo umayos na ang kaniyang pakiramdam. Mabuti na lamang at palagi siyang dinadamayan ng kaniyang yaya Kaya naman mahal na mahal niya ito.
"Sige po yaya, kain na tayo," tanging sagot lamang ni Brett.
Tahimik na kumain ang mag yaya, malayo sa dati na puro kuwento si Brett kapag kumakain sila. Naunawaan naman ito ng yaya dahil alam niya ang pinagdadaanan ng kaniyang alaga. Kilala niya ito kaya naaawa siya dito. Mahirap talagang maging mayaman dahil nawawalan ng oras ang mga magulang para sa anak. Akala nila ok lang kasi naibibigay naman ang lahat ng luho, pero hindi. Noong maliit pa si Brett ay hindi ito naging masaya sa mga luho na ibinibigay ng kaniyang mga magulang. Ang nais kasi nito ay ang yakap at halik ng mga magulang hindi ng mga laruan. Kaya kapag ganito na ang itsura ni Brett ay hindi niya ito iniiwanan at ginagawa niya ang lahat para malibang. Wala pa rin talaga itong pinag bago kahit na mamang-mama na ito ay naghahanap pa rin ng pag kalinga ng mga magulang. Sobrang awa ang nararamdaman niya para sa kaniyang alaga. Kung magkakaroon na nga lamang ito ng sariling pamilya para makaramdam na din ng kasayahan sa buhay, kaso wala itong mahanap na matinong babae.Halos lahat ng babaeng nakakarelasyon nito ay pera lamang ang habol sa kaniya kaya nawalan ito ng gana na mag asawa pa.