7

975 Words
Thali Alexis' POV Nagluluto ako ngayon ng favorite breakfast ni Jae. Nag request kasi siya na ako naman daw ang magluto. Lagi kasi akong busy these past few days.  ''Mami?'' Tawag sa 'kin ni Jae. Pinapanood lang niya ako I-hain ang breakfast niya habang nakaupo lang siya sa dining table.  ''Yes baby?''   ''When Dadi?" Natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko makakalimutan na niya 'yung tanong kagabi, pero mukang curios nga talaga siya. Nilapag ko saglit ang plato na hawak ko at hinarap siya.  ''Baby Jae, di ba sabi sa 'yo ni Mommy busy lang ang Daddy'' Sabi ko sakanya.  ''Love ba tayo Dadi?'' She innocently asked. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng sabihin niya 'yun.  ''No. Baby that's not true. Daddy loves us. Busy lang siya. Okay? '' I said. She just nodded.  Hindi ko kaya mag sinungaling sa anak ko pero hindi ko rin naman kaya sabihin ang totoo sa kanya. She's also too young to understand all of this.  ''Let's eat na baby" Yaya ko sakanya. Tahimik lang akong kumakain habang sila ni Jewel nag kwekwentuhan. Hindi ako mapakali sa mga tinatanong ni Jae. Ang hirap pala.  Biglang nag vibrate ang phone ko kaya agad kong tinignan kung sino 'yung nag text.  Fr: Mommy Aprilyn. Thalia anak. Kelan ulit kayo dadalaw ni Baby Jae? Miss ko na kayo eh.   Alam ng family ni Jayden  ang tungkol kay Jae. Pamilya rin sila ni Jae kaya may karapatan sila malaman, except kay Jayden.  Pinakiusapan ko sila na wag na lang sabihin kay Jayden. Pumayag naman sila dahil alam din nila ang pagkakamali ni Jayden no'n. Nung umalis kasi si Jayden madalang na siya nakikipag usap sa family niya. Ayaw niya rin pakinggan ang family niya that time.  I checked my schedule sa phone ko, nakita kong si Jayden lang naman ang schedule ko ngayon. We're just gonna pick some flowers at pwede naman ako magpadala from one of my team.  To: Mommy Aprilyn.  Ngayon po mommy?  Sure po. Diyan na po kami mag lunch. We miss your sinigang :)  Fr: Mommy Aprilyn. Okay anak! See you later.  Na excite si Jae ng malaman niya na kala Lola niya kami mag la-lunch. After our breakfast agad kaming nag ayos at pumunta muna ng office. Baka hindi na kasi pumasok mag hapon. Kaya nag bilin lang ako sa mga staffs ko.  Sakto naman pag dating namin kala Mommy Aprilyn nag preprepare siya ng sinigang niya kaya masaya naming tinulungan siya ni Jae.  Tinutulungan ko si Mommy Aprilyn mag handa sa lames ng biglang tumunog ang phone ko. I excused myself at lumayo para saluting ang call.  It's Sarah. Isa sa mga staffs ko na pinadala ko kay Jayden.  [Hi ma-] Biglang naputol ang sasabihin ni Sarah ng may umagaw ng phone niya.  [Thalia Alexis! Where are you?! Go here immediately!] Sigaw ni Jayden sa phone. I mentally rolled my eyes.  [Tse!] Yun lang ang sinabi ko then ended the call. Bahala nga siya.  Nag text si Sarah na nag pa re-sched na lang daw si Jayden. Hinayaan ko na lang siya kung diyan siya masaya.  Hindi ko na lang pinansin ang pag mamaktol ni Jayden at nag enjoy na lang ako kumain ng sinigang ng Mama niya. Mainggit sana siya.  ''Buti naman naka bisita kayo dito. Hindi ka ba naman ba busy? Baka nakaka istorbo ako sa 'yo'' Mommy Aprilyn said. Kahit nag hiwalay kami ni Jayden. Hindi kami nawalan ng communication.  ''Hindi naman Mommy, nung nalaman nga ni Jae na pupunta kami dito agad siyang natuwa. Miss ka na kasi nito Mommy'' Nakangiting sagot ko.  ''Miss ko na rin ang apo ko!" Masayang sabi ni Mommy Aprilyn at hinalikan sa buhot si Jae. "Kelan pala balik nila Mommy mo?"  Sila mommy kasi sa San Francisco na nakatira. Kaya parang si Mommy Aprilyn na ang tumatayong magulang ko dito.  ''Sa birthday po ni Jae. Sila Chantal po? Nasa school po ba?''  ''Ay oo! Sayang nga hindi nila maabutan si Jae.'' She said.  ''Kung gusto niyo po hintayin na namin sila. Wala naman po kaming gagawin ngayon. I took the day off para po maka bonding namin kayo'' Agad naman natuwa si Mommy sa sinabi ko.  ''Sharap Lowla! '' Sabi ni Baby Jae. Napatawa naman kami. She really loves sinigang. Like her father. ''Thank you apo! Sige kain pa'' Her Lola said.  After we ate our Lunch lumabas kami sa may garden para magpahangin ng biglang may text naman sa 'kin.  Fr: Sheila Mam! May emergency po dito. Yung pinagawan po ng souvenirs. Ayaw po nila mag pa dagdag. Sa Friday na raw po kasi.  Agad naman ako napahawak sa sentido ko. Akala ko walang aberya ngayon. Gusto ko sana makasama pa si Mommy.  To: Sheila. Okay. I'm on my way.  ''Mommy Aprilyn. Punta lang po ako sa office may emergency daw eh. Pwede ko po ba iwan muna dito si Jae?'' Okay lang naman kasi hindi naman na daw pumupunta si Jayden dito.  ''Sige lang Tali. Okay lang yun ano ka ba'' She said.  ''Baby Jae. Behave ah? Wag malikot, babalik din si mommy'' Bilin ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.  ''Opo Mommy!'' Jae said. Agad ako nag paalam kala Mommy at umalis na para pumunta do'n sa souvenir shop.  Nahirapan ako paki usapan 'yung may ari. Kaya nag tagal pa ako sa shop niya. Hindi rin naman ako nag mamadali alam ko naman nasa maayos naman si Jae.   Kalaunan pumayag din siya, pero nag papadagdag. Hindi ko na sisingilin ang clients ko. Konti lang naman ang pina dagdag. Mas okay sa 'kin ang magandang feedbacks nila.  Papunta na sana ako kala Mommy Aprilyn ng bigla siyang nag text.  Fr: Mommy Aprilyn Tali anak, nasa bahay mo na si baby Jae. Bigla kasing dumating si Jayden! Jusko! Buti na lang hindi niya nahalata.  That was so f*****g close. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD