Thalia Alexis' POV
May lakad kami ngayon ni Julia. Ngayon kami mag hahanap ng designer ng weddinng gown niya. Wala pa raw kasi sila. Eh kailangan na 'yun kasi next month na ang kasal.
Siguro maghahanap na lang kami ng ready to wear gown. At nakahinga ako ng maluwag ng malaman na hindi kasama ngayon si Jayden.
I'm on my way na sa office. Dadaan muna ako doon bago kami maghanap ng gown. I checheck ko pa kasi 'yung mga upcoming na weddings. Atsaka do'n na raw ako pupuntahan ni Julia. I told her na isama na rin 'yung iba niyang abay para magpa sukat na. Kailangan na kasi talaga matapos.
Pag dating ko sa office wala pa naman si Julia. Agad ako nag set ng meeting with my team. Pag kaya naman kasi ng team ko sila na ang pinapagawa ko.
"So how's the upcoming wedding this Friday? Ready na ba ang lahat?" I asked them.
"Yes Ma'am. Okay na po ang lahat" Sagot ng isa sa mga staff ko.
"Eh 'yung next week?"
"Okay na rin po kaso nag papadagdag po sila ng souvenirs kakatawag lang kanina. Pero bukas po aasikasuhin na namin"
"Okay good. Hindi tayo medyo puno ngayon. Pero sila Donna loaded sila kaya tulungan natin sila okay? Ta's ako rin kailangan ko ng malaking tulong kasi may rush wedding tayo. Okay?" I said. Tumango naman sila. May mga ilan pa akong pina remind. After no'n nag dismiss na 'ko.
Saktong pag labas ko andun na si Julia nag hihintay sakin. Kasama niya si Gab.
"Hi Julia and Gab! Alis na tayo? Kunin ko lang bag ko ah. Wait lang" Sabi ko. Tumango naman sila. Pumasok ako ng offie at kinuha ang bag ko.
"Let's go!" Sumakay na kami sa sarili naming sasakyan. At nag convoy na lang papunta do'n sa designer na kakilala ko.
Pag pasok namin sa shop. Agad naman kami inasikaso. I helped Julia with her gown. Buti na lang may nagustuhan na siya na ready to wear. May gagawin lang adjustments.
"Asaan pala mga abay niyo Julia?" I asked her.
"Sila Mommy pupunta na lang daw dito. Kasama mga kapatid ko. Yung bestman lang makakapunta dito eh" she said. Tumango na lang ako.
"Ako rin Tali. Ganun din gagawin ng family ko. Busy din eh" Gab said.
"Oh ayan na pala ang bestman ko!" Gab shouted. Napatingin naman ako sa pumasok.
Shit. Bakit ko ba nakalimutan?
"Hi bro!" It's Jayden
"Yo. Pasukat ka na. Samahan kita." Gab told him. Tumingin naman siya sakin tapos nag smirk. Inirapan ko na lang siya. Umalis na sila ni Gab para makapag pasukat.
"Mukang hindi kayo nagkakasundo ni Jayden ah?" Natigilan ako ng sabihin sa 'kin 'yun ni Julia.
"Ah oo eh. Hindi kami nag kakasundo sa ideas eh" Palusot ko na lang. Mukang hindi naman sa kanila sinabi ni Jayden ang about sa past namin.
Tumango tango naman siya "Alam mo, bagay kayo. Kung hindi lang ikakasal yang si Jayden irereto ko yan sayo. Kaso wala eh mapupunta siya sa Bruha" Nagulat naman ako sa sinabi ni Julia.
"Bruha?" Nagtatakang tanong ko.
She chuckled "Yah. Her bride. Si Jourdaine. Ang sama kaya ng ugali no'n. Pag kay Jayden akala mo kung sinong anghel" Sagot niya.
Akala ko pa naman close sila. Pero hindi na 'ko nagulat, gano'n na talaga si Jourdaine nung college pa kami. Kaya nga tagka ako kung bakit si Jourdaine ang napili ni Jayden.
Bigla naman nag vibrate phone ko. Pag tingin ko si Jewel. I excused myself at lumayo ng konti para sagutin ang call.
"Hello?"
[Hi Mami!] Napa smile ako ng marining ang boses ng aking anak.
''Hi baby! How are you?''
[I'm fayn! Mami I have wish to you]
''Sige baby ano 'yun?''
[Pwede home ka early? Then buy arts!]
''Hmmm. Sige na nga. Later ng lang baby may work pa ako eh. I love you!''
[I love you more!]
''I love you the most'' I said then hung up the phone. I can't help but smile. Kahit wala akong Jayden, may Baby Jae naman ako. She's my strength.
Nagulat ako ng pag lingon ko nakita ko si Jayden. Teka kanina pa ba siya diyan?
''Baby huh?'' Nagulat ako sa sinabi niya. Di kaya alam na niya yung tungkol kay Jae? Mag sasalita na sana ako kaso may sinabi nanaman siya.
''Yun pala tawagan ng boyfriend'' Ay I almost forgot tanga pala tong si Jayden di niya malalaman yun. Hindi ko na lang siya pinansin nag lakad na lang ako.
''Pero syempre mas maganda ang hubby, diba wifey?''
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Hindi nakakatuwa.
''Tss. Inaasar lang kita, wag kang assuming'' He said then umalis na siya.
I just rolled my eyes. Hindi ko na lang siya pinansin at binalikan ko na si Julia. Hindi naman nahirapan sa adjustments. Buti na lang nasa kabilang dressing room sila Jayden. After nung kay Julia nag paalam na agad ako sa kanya na aalis na 'ko.
''Uy alis na ako ah bye!'' Paalam ko sakanila.
''Bye!''
''Tss. May date lang eh'' Narinig kong sinabi ni Jayden. Inirapan ko na lang siya.
Sinundo ko agad sila Jae sa bahay, at dumiretso kami sa mall para bumili ng art materials niya. I can see na may interest si Jae sa mag drawing and she has a talent. I will support her if 'yan ang gusto niya ipag patuloy.
Kumain lang kami saglit ng dinner sa mall after that umuwi na rin kami.
''Mami?'' Tawag sa 'kin ni Jae. She's looking at me with her innocent eyes. Nasa kama niya kami ngayon, pinapatulog ko siya.
''Yes baby?''
''Dadi where?'' Nagulat ako sa tanong niya. For the first time in her life ngayon lang siya nag tanong. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
''Bat mo naman natanong 'yan?'' I asked her.
''Kasi I can see some babies with Dad'' Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng sabihin niya 'yun.
''Ano baby, kasi nasa malayo siyang lugar. He's working for us'' Hindi ko alam kung bakit 'yun ang nasabi ko. Nataranta ako sa nangyayari.
''Kelan po balik niya?'' She innocently asked.
''Alam mo baby we need to sleep na. It's late already.'' Pag iiwas ko. Dahil hindi ko na alam kung paano ko sasabihin.
''Okay po Mami. Gud nayt'' She said then closed her eyes.
''Good night my baby'' Sabi ko at hinalikan ang pisnge niya.
Hinintay ko siyang matulog bago ako umalis. Mga ilang minutes tulog na rin siya. . Sorry baby Jae, I can't give you a complete family. But I promise gagawin lahat ni mommy para sayo. I won't stop loving you. Sorry baby, daddy's never gonna come back.