3 Beef Pares

1515 Words
"Beef Pares" is a juicy tender stewed beef in a sweet brown sauce, which is one of the most famous street food in the Philippines. The delightful mix ingredients make for the most aromatic and delicious dish. Natutuwa ako kay Brigitta, she's so funny. Wala siyang ka-effort effort magpatawa. She always made my day. One time napansin kong parang namaga ang labi nito. May maliit pa ngang sugat ang nakita ko. She tend to hide it but it's to late nakita ko na. I ignore it. Ayoko naman na makialam sa nase-sense kong nangyayari. Everytime na pumupunta ako doon sa Mall ay nakikita ko ito. Iniiwasan niya ako pero dahil makulit ako hindi ko siya pinapakinggan. She's really good and she's become my friend. Pero ang babaeng dedma na hinahanap ko hindi ko makita. Baka hindi lang siguro kami nagkakasabay ng oras kaya hindi ko makita. Magtatagpo din ang landas natin. Sabi ko sa sarili. Bago ako bumalik ng Singapore ay nakipag dinner muna Ako sa mga bagong kaibigan ko. Kasama ang Tito ni Waylen sa side mother. Pero mas matanda lang ito sa'min ni Waylen ng ilang taon. Masaya silang kasama at walang kiming nakikipag palitan ng asaran at biruan. Kung pwede lang na Isa sa mga ito ang magugustuhan ko ay ayos lang. Kaya lang wala akong nararamdaman na kakaiba sa kanila kundi pure friendship lang. I can sense na mabuting tao ang mga ito. Naparami kami ng kain at napasarap ng kwentuhan. Masarap talaga ang beef Pares lalo na ang garlic fried rice. Nagpapagawa ako sa kasambahay namin sa Singapore pero mas masarap parin ang luto dito sa Pilipinas. Kinabukasan dumaan muna ako sa Mall, ng maaga. Pero dumaan na lang ang mga oras hindi ko pa siya nakikita. Ang gusto ko sana makikita ko siya bago ako umalis kaso mukhang malabo iyon. Nakapasok na lahat ng empleyado nakausap ko pa ang mga kaibigan ko. Pero ang hinihintay ko hindi pa dumating. Nalungkot siya! Para siyang nasawi sa pag-ibig. Bagsak ang mga balikat niyang tumalikod na at aalis na sana ng may makabangga sakin. Bumilis ang t***k ng puso ko ng masilayan ko ito. Pero nangiwi siya ng pinagtarayan niya ako. "Pwede ba! Wag kang haharang harang sa daanan!"mataray nitong sabi. "Nakakainis late na ako!"bulong pa nitong inis. "Sorry Miss."malakas kong sabi. Nakita niya itong napatigil pero maya't maya nagmamadali na itong pumasok sa loob. Hay.... hindi man lang lumingon sakin. Dibali nakita ko naman na siya. Masaya na ang araw ko na uuwing Singapore. Tinignan niya ang oras at patakbo na siyang lumapit sa sasakyan niya dahil ilang oras na lang flight na niya. Traffic pa naman. Pero ayos lang kahit maiwanan ako. Hindi ko pwedeng baliwalain ang sayang nararamdaman ko ngayon. Dahil nagkadikit ang aming katawan. Yay! Para siyang tangang inaamoy amoy ang damit niya at naamoy Ang mabangong pabango nito. Bahagyan pa siyang napapikit at in-enjoy ang mabangong nakakapit sa damit niya. Para na akong baliw nito. Nailing siya at pinaandar na ang kotse niya. I was smitten with that girl. Hayyy.. **** Leila POV Naiinis siya! Bakit kailangan pa niyang mag ibang bansa kung malaki naman na ang sahod niya dito sa Pinas? Ano iyon iiwan niya ako dito sa Pilipinas? Hindi ko siya kayang malayo sakin. Ayaw ko na maglong distance relationship kami ayoko no'n. Mas gusto kong kasama siya araw-araw. Kaya na-late ako dahil nag-away kami ng boyfriend ko. Dahil kanina lang niya sinabi na in-grab niya 'yong offer na trabaho sa Singapore. Double daw ang sahod niya kumpara dito. Alam kong pangalawa lang ako sa buhay niya at hindi ako ang priority niya. Dahil may mga kapatid pa itong nag aaral. At siya ang panganay kaya magsasakripisiyo daw ito. Para lang din naman daw sa kinabukasan naming lahat ang gagawin niya. Ayokong intindihin siya. Ayokong unawain siya. Selfish na kung selfish. Dahil hindi naman sila naghihirap may munting business sila na malakas naman kumita. Bakit pa siya mangingibang bansa. Dahil lang ba malaki ang sahod doon? Hindi ko siya pinansin at nilayasan siya sa apartment naming dalawa. At heto pa may nabangga akong lalaki na tatanga tanga sa daanan! Bwesit! Kaya pinagsungitan ko siya dahil naiinis ako! Napatigil ako ng mag-sorry ito pero hindi Ako lumingon. Kahit ang pansinin ito dali-dali na lang akong pumasok. Wala ako sa mood pumansin. Lunch time ay hindi ako kumain at sumabay sa boyfriend ko. Kahit pa pumunta siya dito sa Mall na pinagtatrabahuan ko. Alam ko nagiging selfish na ako at ayaw kong intindihin siya. Na kung tutuusin may point naman ito. Tapos dinadagdagan ko pa ang problema nito. Ang point ko lang din kasi bakit ngayon lang niya sinabi na nakakuha na siya lahat ng requirements nito at hinihintay na lang ang araw ng pag alis niya dito sa Pinas. Ayaw daw nitong sabihin sakin dahil panigurado na masasaktan ako at baka ayaw ko siya payagan. Sino ako para hindi ko siya payagan. Kung para naman sa kabutihan ng pamilya nito ang ginagawa niya. Nakakatampo lang na ngayon lang nito sinabi. Na parang wala akong karapatan na malaman dahil girlfriend lang naman ako nito. Pero susuportahan ko naman siya eh. Naluluha na naman siya. Dahil malapit na itong umalis ng bansa. Napakabilis naman yata no'n. Ngayon palang nasasaktan at namimiss ko na siya ng sobra. Mabilis lang ang tatlong taon makakasama ko din siya. Pampalubag loob niya sa sarili. ***** Na-sense siguro ng Mama ni Niko na mediyo hindi ako maayos. Tahimik lang na nakatingin sa malayo. Nandito kami ngayon sa airport dahil flight na nito. Kasama ako sa naghatid sa kaniya sa airport. Sobrang nalulungkot ako sa pag-alis nito. "Hija, sana naiintindihan mo ang anak ko. Kung bakit kailangan niyang mag-ibang bansa."mahinahon na sabi ng Ina ni Niko. "Naiintindihan ko naman po siya Tita. Ang akin lang sana sinabi niya sakin ang balak niyang pag-abroad. Hindi ko naman siya pipigilan sa gusto niya. Pero saka lang kasi niya sinabi ng malapit na ang flight niya. Mediyo nakakatampo lang po na parang wala siyang tiwala sakin. Pero support ko naman siya eh."malungkot kong sabi. Nanunubig na din ang mga mata ko. "Pagpasensiyahan mo na lang siya hija. Na-stress din siguro sa madaming mga tanong namin kung bakit pa siya mag-aabroad. Kung tutuusin ayaw ko din na malayo siya samin. Pero kailangan daw niyang gawin iyon para sa future ng mga kapatid niya. At para sainyong dalawa. Nalulungkot ako pero pursigudo na siya na mag abroad. Kaya wala na kaming magagawa pa."mahabang paliwanag ng ina nito. "Naiintindihan ko po Tita."mahina kong sabi. Sobrang nalulungkot talaga ako. Hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko ng kailangan na nitong pumasok sa loob. Nakacheck in na din siya ng bagage niya. Waiting na lang siya at papasok na sa loob. Hinalikan nito ang ina at nagmano sa Ama. Niyakap naman niya ang mga kapatid at marami pa itong mga bilin sa mga kapatid niya. Alam kong naluluha din ito. Alam kong labag sa kalooban nito ang pag-alis. Pero dahil mas malaki ang sahod dun grab na lang niya ang opportunity na iyon. Minsan lang din naman may mag-offer kaya in-grab na niya. Ako ang huling niyakap nito. Mahigpit at matagal kaming nagyakapan. Binubulungan niya Ako ng mga katagang Mahal kita at mamimiss kita ng sobra. Ilang ulit nitong sinabi iyon. Nababakas ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lang nito na maiyak, pero ako umiiyak na. Hinaplos nito ang mukha ko at binunasan ang pisngi ko. Hinalikan niya muna ako bago ito kumalas na sa akin. Nagmamadali ng pumasok na sa loob ng airport. Kumaway kaway muna ito sa'min. Kita ko sa mga mata nitong nanunubig din. Nagpaiwan muna ako dito sa airport. Gusto ko munang makita ang paglipad ng eroplanong sinakyan ng kasintahan ko. Bago siya uuwi na rin. Nauna na ang pamilya ni Niko na umuwi. Hinayaan naman na nila ako dito ng hindi nila ako mapilit na sumabay na sa sasakyan nila. ***** Nathan POV Kailangan bang magdrama na akala mo hindi na uuwi ng Pinas ang kasintahan. Tsk! Sa harapan pa talaga ng madaming tao sila naghalikan. Nainis siya sa nakita. 'Well, that's the last kiss and no more another kiss to come'. Sabi ko sa sarili ko. Nakamasid lang siya sa dalaga na tahimik na lumuluha. I'm sorry dahil sakin ay nasasaktan ka ng ganyan. Dahil sakin kaya kayo magkakalayo na ng boyfriend mo. Ayos lang yan masasanay ka din. Maghihiwalay din naman kayong dalawa eh. Simangot na sabi ko sa sarili. Ako ang para sa'yo at Ikaw ay akin. Nagulat ako ng magvibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. Lumayo ako ng kaunti para hidni ako marinig ng dalaga. "Hey gago! Where are you now?!"tanong ng pinsan ko sa kabilang linya. "Sa airport. Why?" "Are you going back now in Singapore?"tanong nito. "Tonight. May tinignan lang ako dito sa airport. I'm coming now."Sabi at pinatay na ang tawag. Paglingon niya sa kinaruruunan ng dalaga ay wala na ito dun. Ginala niya ang paningin sa paligid pero hindi ko na ito nakita pa. Umalis na din siya agad ng hindi na niya ito Makita pa doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD