bc

Tempting The Beast (Filipino version)

book_age16+
16.2K
FOLLOW
49.3K
READ
billionaire
stalker
possessive
badboy
heir/heiress
drama
comedy
sweet
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

(COMPLETED - FREE) | TAGALOG

"I'll make you fall in love with me, Apollo."

"Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much."

Tinaasan ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?"

"Pakakasalan kita." Seryosong sabi nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HANNAH ERA RAMOS Nakaposas ang aking nga kamay sa upuan habang nasa loob ng interrogation room ng pulisya. Dahil hinarana ko si Apollo sa bahay nito at nahuli ako ng security guard ng Subdivision nito. Hindi na sila naawa sa isang dalagang tulad ko. Takot lang naman akong tumandang mag-isa kaya ako na ang nanliligaw eh. "Alam mo bang nagsasampa ng kaso sa'yo si Mister Bustamante?" Saad ng pulis na may magandang tindig ngunit may kaunting problema sa bunbunan nito. Hindi ko pinansin ang sinabi nito. "Kuya, wala ka bang first aid dyan? Ang hapdi na nung kamay ko." "Kasalanan mo 'yan. Nagte-trespass ka kasi." Sagot ni Kuya. "Nasaktan na nga. Sinisi pa. Diyos nga may awa, bakit kayong mga panot wala?" "Kapag ako, napikon. Iba-bartolina kita." Nakaramdam naman ako ng kaunting kaba sa sinabi ni kuya kaya hindi na ako nagsalita hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Apollo. Nakaputing t-shirt lamang ito at itim na pants. Matalim ang tingin nito sa akin at matamis na ngiti ang isinukli ko sa kanya. "You can go." Malamig na saad ni Apollo sa pulis. Tama, labas! Doon ka sa ilalim ng tulay. Lumabas ang pulis na kasama ko at umupo si Apollo sa lamesa na nasa aking harapan. He crossed his arm over his muscular chest. Nagliwanag ang mukha ko nang humarap siya sa akin. "Hi, love-love. Miss me?" Nang makaalis ang dalawang guard ay agad kong binigyan si Apollo ng matamis na ngiti. "Hi, Apoll-of my eyes!" Natulala na naman ako sa mga mata niya. "Okay ba yung harana ko kanina? Nahipo ka ba?" Tumaas ang isang kilay nito. "Nahipo?" "Oo. Nahipo, I mean, Na-touch!" Paliwanag ko. He smirked. My heart drowned. "Binulabog mo ang mga kapitbahay ko. Nasira ang tulog ko dahil sa boses mong mayaman sa piyok. Paano ako mata-touch dun?" "Lumapit ka sakin, ako nalang hihipo sa'yo." "Hannah.." Huminga ito ng malalim. "Ilang beses kong sasabihin na layuan mo ako?" "You've crushed, smashed, and destroyed my heart with your cruelty. Bakit ba ayaw mo sakin? Maganda naman ako. I'm the perfect female specimen. I have a brilliant mind and I'm hot as hell! I'm the greatest creation He ever made!" Nagkunwari akong nasaktan. Hindi ko ma-focus ang mga mata ko sa mukha niya dahil sa pandesal na nasa aking harapan. "Maraming beses ko ng narinig 'yan, Hannah." Ganun ba? May pantapat ako. Determinado ako na makuha si Apollo. Siya lang ang nagpagulo sa sistema ko. Siya lang ang nagpapabilis ng t***k ng puso ko. "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much." Tinaas ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?" "Pakakasalan kita." Seryosong sabi nito. Napalunok ako. "A-At kapag h-hindi?" Nagkibit-balikat ito. "Then stay away from me. Hahayaan mo akong mabuhay ng payapa." "Define 'payapa'?" "Yung wala ka. Yung hindi kita makikita." Ouch! Kinagat ko ang ibabang labi ko. Inisip ko kung may advantage ba ako sa laban na ito. "Want to back out, Hannah?" "Ako? Hindi a!" Tumikhim ako. "Deal!" "Deal." "Let's seal it with a kiss! Dali!" I pouted my lips. Ngumiti ito ng nakakaluko saka tumayo. Akala ko pakakawalan niya ako. Nadismaya ako nang tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Nagpanic ako. "O-Oy! Wait! Saan ka pupunta? Pakawalan mo muna ako." Huminto siya at tumingin sakin. Tumaas ang isang kilay nito. "Ha? Bakit kita pakakawalan? May kaso ka pa 'no." "W-What?! Eh, ikaw--- Ouch!" Nahatak ko yung nakaposas kong kamay kaya naramdaman ko na naman ang hapdi. Napadaing ako. "Bakit? Anong nangyari?" Nakita ko nalang si Apollo na nakaluhod na sa harap ko at tinitingnan ang wrist ko. "A-Ang sakit nung kamay ko." Pumalatak ito. "Galaw ka kasi ng galaw. Lalong humihigpit ang posas kapag iginagalaw m---" Nanlaki ang mga mata nito dahil sa ginawa ko. Napatayo din siya at napalayo. I gave him a smack! Sa lips! Mamamatay na ko! Okay na! Napasigaw ako sa kilig. "Nakaisa rin! Isa pa!" "Damn." He mumbled. "Concern ka na sakin! Mahal mo na ko 'no?" Sabi ko. "Pakipot ka pa." Walang sabing tumalikod ito saka nagmartsa palabas. "Oy! My loves! 'Wag mo kong iwan dito!" Mangilang ulit ko itong tinawag pero marahas na niyang sinara ang pinto. Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na ang mga guard na nagdala sa akin dito. Pinakawalan nila ako. Paglabas ko ng office ay hindi ko na nadatnan pa si Apollo. Sayang! Dapat pala inabuso ko na! Sinulit ko sana! Inurong na rin ang kaso sa akin. Sa halik lang pala madadaan si Apollo! Memorable ang Station nyo para sa akin, Manong! Itinawag nila ako ng taxi na masasakyan. Nagpasalamat ako sa kanila bago sumakay sa taxi. Hinawakan ko ang labi ko at inilala yung nangyari kanina. "Humanda ka, mahal ko. Pakakasalan mo rin ako." Buong determinado kong sabi sa sarili ko. Sinara ko ang pinto ng apartment ko at saka binagsak ang sarili ko sa sofa. Pakakasalan ako ni Apollo kapag na-fall siya sakin! I can do this! Of course! Lovable kaya ako! Teka, wala namang deadline na sinabi si Apol----- Nawala ang pag-iisip ko nang malakas na tumunog ang phone ko. Hinalungkat ko ang bag ko at inilabas ang phone! Napasigaw ako nang makita ang pangalan ni Apollo! Tumalon-talon pa ako sa sofa sa sobrang kilig. Iyon ang unang text na nareceive ko galing kay Apollo. Mula kasi nung magtapat ako ay palaging ang assistant secretary ang kinakausap niya. Binuksan ko iyon at binasa. From: APOLL-Of-my-eyes I forgot to mention. Make me fall in a month. Good night. And please, have a nightmare. "Ang sweet ng mahal ko! Nag-goodnight pa! At higit sa lahat, hindi siya Jejemon!" --------- UNEDITED! SLOW UPDATE dahil hindi ito ang pina-priority ko. :) May apleyido po talagang LABATITE. :3 UPLOADED: MAY 13, 2014 SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Married By Mistake

read
171.0K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.1K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook