Jade's POV BINUKSAN niya ang princess themed na silid na pinagawa niya para kay Lexa sa loob ng na bili niyang bahay sa Tagaytay. "Hi, princess," masiglang bati niya kay Lexa na nakaupo sa ibabaw ng kama habang hawak ang binili niyang manyika dito. Nakasuot ito ng pink na bestida at stelleto. Napakagandang bata. Maingat na ibinuka niya ang pinto habang hawak sa isang kamay ang tray na naglalaman ng cookies at gatas na siya pa mismo ang nagtimpla. Lumapit siya sa kama at ibinaba ang tray. Tunabihan niya si Lexa na agad na pumiksi. "Nag-bake ako ng cookies for you," malambing na aniya saka hinagod ang makintab na buhok nito. Para itong manyika. Napaka-amo ng mukha nito at napakasarap titigan ng magkahalong asul at berde nitong mga mata. "Hindi ba paborito mo ang mga cookies?" ta

