Jade's POV "IKAW na ang bahala sa babaeng yan," bilin niya kay Rolly na malaki ang pagkakangisi habang buong kamanyakang nakatingin kay Agatha na walang malay na nakahandusay sa sahig ng basement Napangisi siya. Makakaganti na rin siya sa babaeng ito. Sisiguraduhin niyang hindi na ito ang mamahalin ni Adrian. Tumalikod na siya at iniwanan si Agatha sa kamay ni Rolly. Lumabas siya ng basement. Umakyat siya sa itaas para muling silipin si Lexa. Tulog na tulog na ito. Muli niyang isinara ang pinto. Pupunta siya sa library para kuhanin ang isang cellphone niya na ginagamit sa pagtawag kay Adrian. Natigilan siya sa pagpihit ng resadura ng makarinig ng kaluskos sa loob ng library. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan, pinagala niya ang mga mata sa paligid, napansin niyang bukas ang b

