Pero agad din n’yang pinigilan na tumulo ang mga luha nya ayaw n’yang umiyak sa harap ng mga magulang nya huminga ulit ng malalim si stella bago nagsalita “mom, baka hinde lang sya ready for now baka nabigla lang sya kahapon kahit ako naman nabigla din hinde lang talaga namin inaasahan ang nangyari kahapon”paliwanag ni stella sa ina nya “hinde ko parin gusto ang inasal nya kahapon” galit parin na sabi ng ama ni stella tumango nalang si stella dahil totoo naman na hinde talaga maganda ang inasal ni oliver sa harap ng magulang nya “hayaan nyo kakausapin ko sya, sa ngayun pwede bang intindihin nalang muna natin sya baka marami lang s’yang iniisip baka masyado lang sya na pe-pressure ng magulang nya alam naman natin kong gaano kahirap ang mag patakbo ng kompanya lalo na kapag nag iisa ka.”pangungumbinsi ni stella sa magulang nya, tipid na napangiti naman si stella ng makitang kumalma na ang magulang nya sabay pa itong napabuntong hininga at napa iling “ok, pero dapat kausapin din nya kami ng personal at humingi sya ng paumanhin sa amin lalo na sayo sobra ang kahihiyan na ibinigay nya sa atin kahapon” seryusong sabi ng ama ni stella ang ina naman nya ay napa buntong hininga nalang ulit dahil mukhang Wala naman silang magagawa pa mahal ng anak nila si oliver at kailangan nila iyon tanggapin ang tanging magagawa lang nila ay gabayan at damayan ang anak nilang si stella “thank you mom and dad” malambing na sabi ni stella at tipid na ngumiti naluluha na ito pero pilit n’yang pinigilan ang mga luha na nagbabadyang kumawala na sa mga mata nya. pagkatapos nilang kumain ay bumalik na agad si stella sa kwarto nya at nag ayos ng sarili napag desisyunan nya na puntahan si oliver sa condo nito para makapag usap sila ng maayos hinde para makiusap o mag makaawa kong hinde para linawin ang lahat gusto lang nya na maging malinaw sa kanya ang lahat kong hanggang kontrata Lang ba talaga ang lahat ng nangyari sa kanila o May nararamdaman ba ito sa kanya umaasa sya na sana pareho lang silang nadala ng emotion nila kahapon kaya nakapag salita sila ng hinde maganda sa isa’t isa, gabi na ng marating ni stella ang kinaruruunan ng condo ni oliver mabuti nalang at nasabi ito ni oliver sa kanya bago nangyari ang mga nangyari sa kanila kahapon sinabi nito na madalas daw itong nasa condo nya at hinde umuuwi ng bahay nila dahil tatalakan Lang naman sya ng magulang nya tinawagan nya si olivia bago sya umalis ng bahay nila ang sabi nito ay mula kahapon ay hinde pa daw nag papakita si oliver sa kanila kaya malamang ay naroon ito sa condo nya binigyan din sya ni oliver ng susi ng condo nito ang usapan nila ay kong gusto nila magkita o magkasama ay doon Lang sila pupunta. sobra ang kaba na nararamdaman ni stella ng tumapat na sya sa pinto ng condo ni oliver huminga pa sya ng ilang beses para pakalmahin ang sarili pagkatapos ay nanginginig na binuksan nya ang pinto nito at dahan dahan na pumasok pagkapasok palang ay tumambad na agad sa kanya ang makalat at amoy alak na condo ni oliver maraming nagkalat na bote ng alak at pinagkainan sa sahig pati na ang mga unan at damit ay nakakalat din sa sahig daig pa ang dinaanan ng sampong ipo-ipo ang loob nito. “Hay naku!!” mahinang sabi ni stella at napailing nalang dahil sa nakikita nyang kalat huminga muna ito ng malalim sa’ka nagsimulang pulutin ang mga kalat sa sahig inuna nitong iligpit ang mga pinag kainan hinugasan ang mga plato, baso, kutsara, tinidor at iba pa sunod ay ang mga basura na nagkalat sa sahig ng matapos na sya sa kusina at mga basura ay nag tungo naman sya sa sala para doon naman mag ligpit ng kalat habang inaayos nya ang mga unan na nagkalat sa sahig ay may napansin s’yang isang manipis na tela sa ilalim ng sofa agad nya itong kinuha sa pag aakalang panyo lang iyon pero halos malagutan sya ng hininga ng mapagtanto nya kong ano ang bagay na iyon isang manipis na damit panloob ng isang babae hinde na napigilan pa ni stella ang mga luha nya, ilang saglit lang ay pilit n’yang pinakalma ang sarili nya huminga ito ng malalim at nagpatuloy lang sa ginagawa kahit mabigat na ang pakiramdam nya ay patuloy parin sya sa ginagawa ng marating nya ang lugar malapit sa pinto ng kwarto ni oliver ay lalong bumigat ang pakiramdam nya nakita nya ang isang bra at damit ng babae sa sahig sa tapat mismo ng kwarto nito dahan-dahan na pinulot iyon ni stella at nanginginig na inabot ang door knob ng pinto nito napahigit ang hawak ni stella sa damit na hawak nya ng mabuksan at makita nya ang nasa loob ng kwarto ni oliver. si oliver at si trixie magkatabi na natutulog sa kama ng binata magkayakap at parehong walang saplot sa katawan agad na sinara ni stella ang pinto ng kwarto at tumakbo paalis habang umiiyak alam n’yang nagising ang mga ito dahil napa lakas ang pag sara nya ng pinto pero Wala na s’yang pakialam pa doon parang dumoble ang sakit na nararamdaman nya dahil sa mga nakita nya sa loob ng kwarto ng binata pagkalabas nya ng condo ni oliver ay agad na itong sumakay ng sasakyan nya at pinaharorot iyon paalis ng makalayo na si stella sa condo ng binata ay ihininto nito ang sasakyan at humagolgol ng iyak walang tigil ang pag agos ng luha sa mga mata ni stella ilang saglit pa ay nag ring ang cellphone nya agad naman nya itong sinagot ng makita na ang kaibigan nya ang tumatawag “ell, nasaan ka?”agad na tanong ni rachelle pagka sagot ni stella sa cellphone nya “hinde ko alam rach?” humihikbing sabi ni stella “umiiyak ka ba?” nag aalalang tanong ni rachelle at naiiyak narin “hinde ko alam” umiiyak parin na sagot ni stella “saan ka ba galing? anong ginawa mo?” nag aalalang tanong ni rachelle “pumunta ako sa condo ni oliver para kausapin sana sya pero nakita ko s’yang May kasamang iba” umiiyak na sabi ni stella huminga muna ng malalim si rachelle sa’ka nagsalita “ok, wag mo papatayin ang cellphone mo pupuntahan kita, ok?” nag aalalang sabi ni rachelle sobrang nag aalala talaga sya kay stella alam nya na nasasaktan ito at kailangan sya nito ngayun nangyari narin ito noon kay stella ganitong-ganito si stella noon ng mahuli nito ang dating kasintahan na si harold na may ibang babae “ok” paos na sagot ni stella tanda na matagal na itong umiiyak agad na umalis si rachelle para puntahan ang kaibigang si stella kasama nito ang isa pa nilang malapit na kaibigang si andrew “ano ba nangyari?” nag aalalang tanong ni andrew kay rachelle.