“Walang kasal na magaganap” galit na sabi ni oliver at agad na umalis ng hinde manlang tinitingnan si stella naguguluhan man ay agad ding tumayo si stella at sinundan si oliver narinig nya pa ang pag tawag sa kanya ng ina nya pero hinde na nya iyon pinansin pa at sinundan lang nya si oliver.”oliver! oliver! oliver!!” tawag ni stella kay oliver pero hinde sya nito nililingon patuloy lang ito sa paglalakad lalo pang binilisan ni stella ang paglalakad at halos takbuhin na nya ito dahil sa bilis ni oliver maglakad at ng maabutan nya ito ay agad nya itong hinawakan sa braso na nag pahinto sa paglalakad ng binata ngunit kahit na huminto na ito sa paglalakad ay hinde parin ito humarap kay stella para kausapin ang dalaga nanatili lang itong nakatayo at walang kibo ni tingnan sya ay hinde nito ginagawa “ano yun? bilisan mo may lakad pa ako” walang emosyung sabi ni oliver ng hinde nililingon ang dalaga “o—oliver———“ nauutal at naiiyak na sabi ni stella pero hinde na natapos pa ang sasabihin nya ng mag salita si oliver na ikinadurog ng puso nya “tapusin na natin ‘to” malamig ang awrang sabi ni oliver ng hinde parin tinitingnan si stella “h—huh?” nauutal na sabi ni stella agad na humarap si oliver kay stella at nagsalita ulit “ang Sabi ko tapusin na natin ‘to” Wala paring emosyun na sabi ni oliver “a——anong ibig mong sabihin?” nauutal at naiiyak na tanong ni stella kay oliver “ang kasunduan natin tapusin na natin hinde na kita kailangan” Wala paring emosyun na sabi ni oliver pero sa loob-loob nya ay nasasaktan sya sa mga binibitawan n’yang salita natawa ng mapait si stella at tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata nya “so ano? ganon nalang yun? ano ba tingin mo sakin parausan mo lang din kagaya ng ibang babae mo?” umiiyak na tanong ni stella na May halong galit “stella Wala tayong relasyun baka nakakalimutan mo ang lahat na nangyari sa atin ay parte lang ng kasunduan natin at Wala ng iba pa” walang emosyun na sabi ni oliver pero sa loob-loob nya ay gusto na n’yang pag sasapakin ang sarili lalo na ng makita n’yang umiiyak si stella “kasunduan?” mapait na tumawa si stella habang umiiyak “tinatapos ko na kong ano man ang naging kasunduan natin ipapa-walang bisa ko na ang kontrata at wag kang mag-alala May isang salita ako ibibigay ko sayo ang napagkasunduan natin at babayaran din kita kahit na Magkano man ang gusto mong bayad———“ hinde na natapos pa ang sasabihin ni oliver ng bigla s’yang sinampal ng malakas ni stella “sayo na ‘yang pera mo! ayoko na makita pa ang pag mumukha mo kahit kelan! pinagsisisihan ko na nakilala pa kita” galit na sabi ni stella at agad na humakbang palayo kay oliver pero bago ito tuluyang umalis ay nagsalita ito ulit. “kasama din ba sa kasunduan natin yong sinabi mo na mahal mo ako?” tanong ni stella at saglit natawa sa’ka nagsalita ulit. “Wag mo na sagutin Wala naman na din kwenta kong sasagot ka pa sana hinde na tayo pag tagpuin pa ng tadhana kahit sa susunod na buhay ayaw na kita makita pa kahit kelan kinasusuklaman kita.” galit na sabi ni stella at agad ng umalis halos takbuhin na nya ang daan paalis, palayo kay oliver habang walang humpay ang pag agos ng kanyang mga luha hinde nya alam kong saan pupunta kong ano ang gagawin nya ang tanging alam lang nya ay sobrang nasasaktan at galit na galit sya hinde lang kay oliver pati narin sa sarili nya dahil hinayaan nya nanaman ang sarili na mahulog at masaktan ng isang lalaki.
Habang si oliver naman ay naiwang nakatulala, nasasaktan sya sa ‘di nya maipaliwanag na dahilan mahal nga ba nya si stella? pero ito ang desisyun nya na tapusin na ang ugnayan nila ni stella, ito nga ba ang gusto nya? pero kahit gustuhin man nya na ipaglaban si stella gustuhin man nya na manatili sa tabi ng dalaga ay hinde nya magawa-gawa akala nya kaya na nya akala nya ok na sya akala nya tapos na sya sa nakaraan nya pero hinde pa pala at napatunayan nya iyon kanina.
Magtatanghali na ng magising si stella hinde na nya alam kong anong oras sya nakauwi magang-maga ang mga mata nya kakaiyak mag damag. Hinde na nya namalayan na nakatulog na pala sya kakaiyak.nakatulala lang si stella sa kisami ng kwarto nya habang umiiyak parin ilang saglit pa ay nakarinig sya ng mahinang katok sa pinto nya. “ma’am tinatanong ng daddy mo kong sasabay ka daw ba sa kanila kumain o dadalhan nalang kita dito ng pagakain sa kwarto mo” magalang na tanong ng kasambahay nilang si daizy, huminga muna ng malalim si stella bago nagsalita “hinde na bababa na ako maghihilamos lang ako” sagot ni stella sa mahinang boses para hinde mahalata ng kasambahay ang pag iyak nya “ok ma’am” agad na sagot ni daizy at agad na umalis, huminga muna ulit si stella ng malalim saka pinunasan ang mga luha sa mata at bumangon sa higaan sa’ka nag tungo sa banyo para mag hilamos at mag ayos ng sarili ang lahat sya ng kunting make up para matakpan ang pamamaga ng kanyang mga mata pagkatapos ay agad na itong lumabas ng kanyang silid at nag tungo sa hapag kainan nila para sabayan kumain ang magulang nya, bago tuluyang pumasok sa silid kainan ay naka ilang malalalim na buntong hininga pa ito ulit para pakalmahin ang sarili na hinde maging emotional sa harap ng magulang nya alam n’yang magtatanong ang mga ito tungkol sa nangyari at inasal ni oliver kahapon kaya kailangan n’yang ihanda ang kanyang sarili para dito hinde din naman nya masisisi ang mga magulang nya sobrang kahihiyan din naman talaga ang ginawa ni oliver sa kanila lalo na sa kanya, pagkatapos ng ilang malalim na buntong hininga ay tuluyan ng pumasok sa silid kainan si stella, pagkapasok nya ay nagsisimula ng kumain ang magulang nya tahimik na umupo lang si stella sa laging inu-upuan nya at nag simula naring kumain ng hinde nagsasalita paminsan-minsan ay sinusulyapan sya ng mga ito at napapailing nalang lalo na ang ina nya hinde nalang kumikibo si stella “ ano na ang plano mo ngayun?” biglang tanong ng ama ni stella ng hinde man lang sya tinatapunan ng tingin huminga muna ng malalim si stella bago nagsalita “pag uusapan pa namin ni oliver, Dad” matamlay na sabi ni stella “at Wala ka talagang balak na hiwalayan ang lalaking ‘yon? MY GOD!! for God sake stella!!” galit na sabi ng ina ni stella “mom, May kunting misunderstanding lang kami ni oliver pag-uusapan lang namin yun and then sa’ka kami mag paplano ng about sa weading” paliwanag ni stella, naiintindihan nya ang galit ng magulang nya kahit sya naman ay galit din sa ginawa ni oliver sa kanya nasaktan sya sa mga sinabi ni oliver pero gusto parin n’yang maniwala na baka nabigla lang ito kaya ito nakapag bitaw ng ganong salita “stella!! are you crazy?! are you out of your mind? hinde mo ba narinig ang sinabi nya kahapon sayo? WALA S’YANG BALAK NA PAKASALAN KA!! mag isip ka nga!!” galit na sabi ulit nito. parang May kong anong biglang bumara sa lalamunan nya dahil sa sinabi ng ina nya agad nangilid ang mga luha nito ng maalala nya ang mga sinabi ni oliver sa kanya kahapon.