Halos hindi magawang umalis ni Gwendolyn sa silid kung saan naka-confine ang kanyang kapatid na si Francis. Yes, it's an private ICU para sa mga VIP persona. Si Kuya Francis niya mismo ang nakaisip nito nang panahon na ma-comma si Heramarie, para daw hindi mangaway si Owen. Kung tutuusin para ka lang nasa Presidential Suite ng isang hotel. May separate room ito na pahingaan. At ang ICU ay nasa may kanan bahagi ng room, at tanging ang glass wall nito ang naghihiwalay sa may salas ng kwarto. Sino ba ang makakaisip na isang araw ay makikita niya ang kapatid na nakaratay doon at walang malay? "Kuya, please wake up," pabulong niyang sabi, habang nakatayo sa may labas ng ICU, at matiyagang pinagmamasdan ang mga nurses sa loob nito. Napahikbi siya nang mahina. Parang hinihiwa ang kanyang p

