Napapailing na lang si Anthony habang pinagmamasdan ang kanyang nakakatandang kapatid na tulala at walang imik. Kahit nais niya man pagalitan o pagsabihan ito, subalit pinigilan niya ang kanyang saliri. Mas pinili niya na lang na unawain at unawain ito. Isa pa, masasayang lang ang kanyang laway sa kapapangaral. Nangyari na ang lahat, kahit ano mang pagsisisi ang gawin niya sa kapatid, wala ng silbi ito. Tumunog ang kanyang telepono. Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makita niyang ang nakababatang kapatid ang tumatawag. "Hello, Kamusta na siya Gatas?" tanong nito sa kanya. "You have to come here, and see it for yourself, Sweetheart," sabi niya habang naglakad papuntang kusina para magtimpla ng kape para sa kanilang dalawa ng kapatid. "Ano ba talaga ang nangyari? Ano na naman kaya

