True to his word, hindi nga nagmukmok si Francis. Wala siyang pinalampas na oras, agad siyang pumunta ng Spain para sunduin si Lilly. May kutob siya na umuwi ito ng kastilyo. Nagulat man si Rebecca na makita siya sa may pintuan ng kastilyo ay hindi ito nagpahalata. "This is a pleasant surprise," sabi nito, at ngumiti ng malapad. "Good morning, Rebecca," bati ni Francis s mayordoma ng palasyo, at agad na ningitian ito. "Maari ba akong pumasok?" "Of course, please come in," magiliw na wika ni Rebecca, at dagli na pinapasok siya sa may salas. Agad na inuwestra nito ang kamay sa may upuan. "Take your seat while I make you some coffee." Agad na umiling si Francis. "Huwag na, I came all the way here to fetch, My Queen. Nandito ba siya?" Napatigil si Rebecca. "Lilly?" "Yes, wala naman ako

