Lilly is making some phone calls, giving orders one after another. Pagkatapos nilang mag-usap ni Heramarie ay medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. At napatanto niya na hindi siya dapat magpatangay sa kanyang damdamin. Dahil pagnagkataon ay mahihirapan siyang makabuo ng desisyon. "Mabuti naman at natauhan ka," sabi ni Heramarie sa kanya, at tinapik ang kanyang likod. Nagpakawala siya ng ilang buntong hininga bago sinagot si Heramarie. "Naisip ko kasi na hindi naman makakabuti sa akin ang lagi na lang nagmukmok ay umiyak. Wala naman mangyayari kapag magpalunod ako sa aking kalungkutan. Ipapahamak ko lang ang sanggol sa aking sinapupunan," wika niya, at bahagyang napatingin sa may kalangitan. "Kailangan kong isantabi ang aking saliri at maging malakas. Marami pa akong laban at suliranin

