Nang marating na nila ang kanyang opisina ay agad na nagpaalam si Francis sa kay Sarah. "Dito ka muna," sabi nito. "parating na ang pagkain. Ah... maliligo lang ako." "Sige." wika ni Sarah, at ngumiti ng matipid. "Bilisan mo nang masaluhan mo ako sa pagkain." Francis smiled at her. "Don't worry, I'll be quick. Baka nandito na ako bago pa dumating ang pinauto kung pagkain," wika nito bago iniwanan ang dating kasintahan. Agad siyang pumasok ng kanyang opisina, at dagling tumungo sa may kwarto na nakakubli doon. He takes off all her clothes bago dinampot ang tuwalya na nakasabit sa may wall. Pumasok siya ng banyo at naligo. Habang naliligo ay bigla niyang naalala si Lilly. Napatigil siya at napamura. Alam niyang mali ang kanyang ginawa. Dapat ay nagpaalam siya dito ngunit sa pagmamadali

