Naging malungkot at walang buhay ang sumunod na mga araw ni Lilly sa The Greens. Lagi siyang walang imik at hindi masyadong nagsasalita. Nababahala na tuloy si Zarla sa kanya. Maliban sa naririnig nito ang mahinang paghikbi ng prinsesa sa kalagitnaan ng gabi ay nakikita niya din itong laging lumuluha habang nakatingin sa may kapaligiran. Tulad ngayon, umagang-umaga ay nakita niyang nakatulala naman si Lilly habang nakatayo ito sa may balkonahe. Mas lalo siya tuloy naalarma kaya walang imik niyang nilampasan ito, at agad na hinanap ang pinunong tagabantay ng mahal na prinsesa. Ngunit hindi niya ito mahagilap kaya binalikan at kinausap niya na lang ang Royal Guard na una niyang nakita. "Tell Captain Andalio to report this to Her Majesty, Queen Alicia. Do tell her this, The princess is s

